♠ Epilogue ♠

12.6K 351 51
                                    


(A/N: This is dedicated to all of my readers! ENJOY! XD)

Alexandra Sophia San Mañego

Lumubog na ang araw pero ang dami pa ding tao dito sa Empire Academy tapos ang liwanag pa, parang may fiesta. School fair ngayon ng high school at the same time welcome back party para kay Ace.

Hindi ko sya kasama ngayon dahil kinamusta pa sya ng mga relatives nya. Nandito ako sa rooftop at nakatanaw sa lahat ng nangyayari sa baba. May sikat na banda na tumutugtog ngayon sa mini-stage kaya nandun halos lahat ng tao.

May kinakantang mellow ang banda nang bigla itong tumigil. Pagtingin ko sa mini-stage, may nakita akong blonde na lalaki na umakyat. Napailing na lang ako, hindi ko pa rin alam anong trip nya at nagpa-blonde sya...at least bagay sakanya.

Speaking of trip...anong trip ng lalaking yun ngayon at inistorbo nya ang banda?

"Hey Alexandra Sophia San Mañego-Castañeda!" biglang sabi nya sa mic na ikinagulat ko tapos narinig kong naghiyawan ang mga tao sa baba!

Nagsimulang tumugtog ulit ang banda...at sigurado akong sya ang nag-request ng kanta. Favorite song nya yan eh... hanggang ngayon.

[Can We Dance? – The Vamps]

♫•*¨*•.¸¸♪✧

I talk a lot of (shh) when I'm drinking, baby,

I'm known to go a little too fast.

♫•*¨*•.¸¸♪✧

"I know you're around here somewhere so listen up," simula nya. Umalis agad ako sa rooftop para puntahan sya.

"Remember the first time we met? I cornered you and you look scared. It was actually fun scaring you," natatawa pang sabi nya at napa-roll eyes na lang ako.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko ang dating kaklase ko nung high school. They all smiled at me at ngumiti din ako.

"Then there was the first time I actually threatened you. Remember the poster? I was so pissed at you because you're always on my way."

Naaalala ko nga yun. Takot na takot ako sakanya dati na sa tuwing nakikita ko lang sya parang tumakas na ang kaluluwa ko.

♫•*¨*•.¸¸♪✧

Don't mind all my friends, I know they're all crazy,

But they're the only friends that I have.

I know I don't know you,

But I'd like to skip the small talk and romance, girl.

That's all I have to say so, baby, can we dance?

♫•*¨*•.¸¸♪✧

Nang lumiko ako nakita ko sina Bianca at Austin. Iba na ang tingin nila sakin, hindi yung tulad ng dati. There's no more hatred in their eyes at tipid lang na ngumiti si Bianca sakin but still it made me happy.

"Then I made you hook up with my cousin. Man! I can't believe I did that."

Naalala ko umiyak akong umalis nun...at nakilala ko si Keir. Kahit na member sa Black Cards si Keir hindi ko pinagsisihan na nakilala ko sya.

Down the hallway, nakita ko si Crystal, si Wendy at yung mga kaibigan nya. Wala namang reaction si Crystal at sina Wendy naman, ngumiti lang din ng tipid.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon