Alexandra Sophia San Mañego
Dumaan ang dalawang linggo at okay naman ang trabaho ko. Most of the time inuutusan akong bantayan si Shawn. Pagkaraan ng ilang araw ay nasanay na ako sa kasungitan ng batang yun tapos parati pa akong tinataboy kaya nakakapag-aral pa din naman ako ng mabuti. Yun nga lang minsan ang tigas ng ulo hinahanap nya parati yung 'hyung' nya eh hindi ko naman alam ano yun.
Tapos minsan sumasabay pa si Ace, nagde-demand ng date. Alam naman nun na wala akong free time pero namimilit pa din. Okay sana kung magkaka-day off ako, ako pa mismo magyayaya ng date.
"Sophia!" napalingon ako nang may tumawag sakin. Kumaway ako nang makita si Maddi. Tumakbo sya palapit sakin.
"Good morning. Sabay na tayo?" Tumango ako at sabay na kaming pumasok ng gate.
"So how is your work? Hindi ka naman siguro pinapahirapan?"
"Mmm. Hindi naman."
"Well at least you're out of the clutches of those witches."
Nang nasa hallway na kami ni Maddi nakasalubong namin si Daphne. Nagkamustahan lang kami nang mag-beep ang cellphone ko. Binasa ko ang text na galing kay Krissy.
Krissy: Sophia, may sakit si Shawn. Pagka-lunch break dumerecho ka na daw dito sa bahay.
Kaya pala ang tamlay ng batang yun kanina. Tsk. Ang tigas kasi ng ulo eh. Sinabi ko naman na huwag muna siyang pumasok.
Nag-reply ako ng 'ok' bago ko binalik sa bulsa ang cellphone.
"Madd, tara na?" aya ko kay Maddi.
"Ha? Ahmm..." nagkatinginan muna sila ni Daphne. "You should go ahead."
"Oo nga, Best friend. Mauna ka na. Ayaw naman namin maging istorbo," sabi ni Daphne na may nakakalokong ngiti.
"Huh? Ano bang pinagsasabi nyo?" Umiling lang ang dalawa bago ako tinalikuran at naglakad palayo.
"Huy! Saan ba kayo pupunta?!" Tawag ako nang tawag pero hindi na ako nilingon nung dalawa. Problema nun?
Pumihit ako at nagulat ako nang bigla na lang may yumakap sakin. Para akong poste sa gulat at nang malaman kong si Ace pala kumalma ako. Bakit bigla na lang nangyayakap ang isang 'to?
"Ahmm... Ace?" tawag ko sakanya dahil ang tagal nyang kumalas. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan.
Hindi pa din sya kumakalas kaya tinapik-tapik ko na lang ang likod nya. Bakit ang weird ng mga tao ngayon?
"Come with me later," sabi nya nang makalayo na sya sakin. Napakunot-noo ako tapos nag-crossed arms.
"Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Sa sementeryo." Napabuga ako ng hangin.
"Wag mo nga akong niloloko. Hindi ako pwede mamaya."
"Kung ayaw mo edi wag! Tsk," sabi na lang nya at bigla na lang nya akong nilagpasan.
"Ace! Psstt! Huy! Sandali lang!" Hindi na nya ako nilingon kaya napanguso ako. Ang bilis naman magalit nun.
・*:.。. .。.:*・
Sa school na ako kumain at pagkatapos ko kinuha ko na ang bag ko. Malapit na ako sa gate at hinanap ko sa parking lot ng school ang kotse ni Ace pero hindi ko nakita.
Saan na naman kaya pumunta ang gangster na yun? Talaga bang galit yun o baka nagkukunwari lang yun para maguilty ako? Wrong timing naman kasi sya magyaya ng date eh.
BINABASA MO ANG
Threatened By A Gangster [Under Revision]
Ficção Adolescente[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Her name is Alexandra Sophia Samaniego. At the age of 6, her parents died leaving her with her evil Aunt and cousins. At a young age, she faced problems that a normal kid can't handle but despit...