Alexandra Sophia Samaniego
"So how's your studies in Cebu?" narinig kong tanong ni Uncle Arthur kay Austin sa hapag-kainan habang hinuhugasan ko ang mga ginamit ko sa pagluluto.
Umuwi si Austin. Iniisip ko pa lang ang katagang yan naninindig na ang balahibo ko sa batok.
"Fine," tanging sagot ni Austin.
"Tahimik n asana bumalik ka pa," narinig kong sabi ni Bianca sa kapatid nya.
"Ilang araw ka dito?" tanong naman ni Aunty Sarah.
Natapos na ako sa paghuhugas at pinatuyo ko na ang mga kamay ko. Sumilip naman ako sa kanila at hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot. Nami-miss ko na ang parents ko. Seeing complete families always make me jealous.
"Isang linggo lang then babalik na ako, Ma," sagot ni Austin at ininom ang tubig sa baso.
"Bakit ka pa umuwi? Ano namang gagawin mo dito?" tanong ulit sa kanya ni Uncle. Nakita ko namang napangisi si Austin kahit may kalayuan ako sa kanila.
"Wala lang. May gusto lang akong kumustahin."
Bumalik ulit ako sa kusina at hinugasan ang kamay ko. Nakakaramdam na naman kasi ako ng kaba.
Pagkalipas ng ilang minuto narinig ko na tinatawag na nila ako para ligpitin ang pinagkainan nila. Pagkadating ko sa dining table, paakyat na sila sa mga kwarto nila. Pagkatapos ko naman kumain ay maghuhugas n asana ako nang bigla akong nakarinig ng sigaw.
"ALEXANDRA!"
Bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-realize ko na si Austin ang tumatawag sakin na galit.
Lumabas agad ako sa kusina at pinuntahan kung nasaan sya baka lumala pa ang galit nya kapag nagtago ako. Kakababa pa lang nya ng grand staircase ay nanginginig na ang tuhod ko sa takot dahil sa galit nyang mukha.
"B-Bakit?" nauutal na tanong ko habang palapit sya sakin. Hindi ko naman magawang umatras dahil mukhang napako ako sa kinatatayuan ko.
"Hindi ba't sinabi kong ayusin mo ang gamit ko?!" Namutla ako sa sinabi nya.
"P-Pasensya na... n-nakalimutan—" Hindi ko natuloy ang sinabi ko nang bigla nyang hablutin ang kanang siko ko. Hinatak nya ako nang malakas at kinaladkad paakyat ng hagdan.
Ilang beses akong napadaing sa sakit at pakiramdam ko ay halos humiwalay na ang braso ko mula sa katawan ko. Ilang beses din akong napaluhod pero nagpatuloy pa rin sya sa paghatak sakin.
"A-Austin... h-hindi ko sinasadya..." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa takot at sakit. Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa makarating kami sa kwarto nya at tinulak nya ako papunta sa dereksyon ng maleta nya.
"Ayusin mo yan! Aalis muna ako at dapat maayos na yan pagbalik ko!" Yan ang huling narinig ko mula sa kanya bago nya binalibag pasara ang pinto. Kahit nakaalis na sya ay patuloy pa rin akong umiiyak habang inaayos ang gamit nya.
Nakatitig ako sa sarili ko mula sa salamin. Hindi nga ako nagkapasa pero masakit naman ang balikat ko. Ang sakit ngang igalaw, parang napilay dahil sobrang sakit.
Kinuha ko na lang ang bag ko mula sa kama at isinabit lang sa kaliwang balikat ko bago bumaba. Nahugot ko ang hininga ko nang madatnan si Austin sa sala. Pinasadahan nya lang ako ng tingin at binalik ang pansin sa pinapanuod.
Nakayuko akong lumabas ng bahay. Pagdating ko sa classroom namin, papasok pa lang din ang instructor namin kaya nagsi-upuan na kaming lahat. Binati ako ni Maddi pagka-upo ko and I did my best to greet her back cheerfully.
BINABASA MO ANG
Threatened By A Gangster [Under Revision]
Teen Fiction[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Her name is Alexandra Sophia Samaniego. At the age of 6, her parents died leaving her with her evil Aunt and cousins. At a young age, she faced problems that a normal kid can't handle but despit...