1

28 0 0
                                    

First day of school namin ngayon. Sobrang hirap sumakay sa dami ng estudyante at maulan. Nag hihintay lang ako dito sa may waiting shed na tumila ang ulan, ayoko din naman makipag siksikan dahil maulan mas mabuting mag antay na lang ako ng masasakyan.

Nilabas ko ang phone ko at nag chat kay tita nag sabi ako na di ako makauwi dahil maulan. Kaagad kong tinago ang phone ko dahil naisipan kong makipag unahan nalang kesa di ako makauwi. Nang tumigil ang ulan ay dali dali akong pumunta sa mga tricycle.

Nakahanap naman ako ng tricycle, pero sa may children seat lang ako. Mas mainam na 'yon kesa di ako makauwi.

Nang ako ay makauwi sa bahay sa sobrang pagod ay naiiyak nako, pag bukas ko ng pinto ay bumugad sakin si papa.

Ang tagal na naming hindi mag kita simula noong insidente.

"Anak.." sabi nya habang nakaupo sa may sofa kausap si tita.

Sa sobrang pagod ko ay di kona alam ang mararamdaman nag halo-halo na ang emosyon ko.

"Babalik ka dito na parang walang nangyari?"  Tumawa ako ng sarkastiko

Naiiyak ako sa pagod at dumagdag pa sya. Hindi nalang ako nakipag usap pa at dumiresto sa kwarto ko. Di na ako naligo at kumain kahit sobrang gutom na ako buti nalang ay may biscuit akong stock dito sa kwarto.

Bago matulog ay inayos ko ang uniform ko at bag. Pinaplansta kona kaagad ang uniform ko para kinabukasan ay hindi na ito proproblemahin. Ginawa ko na rin ang mga portfolio dahil alam kong mag papagawa ang mga teachers ko kaya inunahan kona. Gusto ko kasi ay naka ayos na ang lahat para wala na akong gawin pa at makapag pahinga na. 11pm ako natapos sa mga inaasikaso ko kaya naman naisipan ko nang matulog.

Kinabukasan, 10am ako nagising. As usual mag luluto ako ng babaunin ko, nung first day of school di ako masyado nakakain dahil ang mahal ng pag kain sa cafeteria kahit palamig lang ay kinse, kaya mas mainam na mag baon nalang mas makakatipid pa. Nagiipon kasi ako para may pang gastos ako, kaya ko bilhin ang mga bagay na gusto ko at kailangan. Ayaw kong masyadong umasa sa tita ko lalo na kay papa.

Nag luto lang ako ng itlog at hotdog. Nag lagay din ako ng ketsup sa maliit na plastic at nilagay 'yon sa gilid ng baonan ko. Bumili nalang din ako ng juice at nag lagay ng tubig sa bag ko. Maya maya ay bumaba na rin si tita, wala si papa kaya sigurado akong umalis din sya kaagad kagabi. Mabuti naman dahil ayoko na syang makita.

Pag ka tapos 'non ay naligo na rin ako at sinuot ang plinantsa kong damit kagabi. Uniform na kulay blue ay may pa tali pa ito na kailngan i-ribbon tapos di umaabot sa tuhod na palda. Di-nouble check ko ang mga gamit ko bago umalis sa bahay. Nag tricycle lang ako papuntang school alam kong madami kaming gagawin ngayon dahil noong first day of school ay nag introduce yourself lang kami at meetings.

Ngayong araw ay nag pakilala lang ang mga teachers at nag turo ng unang lesson. Madali lang naman ang mga ito pero dahil naiilang pako sa mga kaklase ko ay nahihiya pa ako mag recite.

Gusto kong maging maganda ang grades ko dahil nasa star section ako. Nakakapanghinayang pag nawala ako dito, pero sa totoo lang hindi ko rin naman inaasahan na mapapabilang ako dito. Nag simula lang naman ito dahil sa dati kong school ay nakasali ako sa chess tournament at naging representative din ng quiz bee sa math at mataas taas din ang nakuha kong grado kaya siguro nakitaan ako ng potential ng mga teachers at nilagay ako sa higher section. Wala naman akong problema sa pag-aaral basta ginagawa ko lang ang best ko, kung ano ang maging scores ko sa mga exams at projects ay okay lang sakin basta alam ko sarili ko na ginawa ko ang makakaya ko.

Pangatlong subject ay nag ring na din ang bell para sa recess. Nilabas ko ang baonan ko at nag simulang kumain. Ako lang ang tao dito sa room dahil lahat sila ay pumunta sa labas para bumili sa canteen. Wala pa akong nakakausap dito pero pakiramdam ko ay gusto ako kausapin ng katabi ko. May mga time na nakikita ko syang naka tingin lang sakin sabay iiwas ng tingin. Siguro pag lipas ng panahon ay mag kakaroon din ako ng mga kaibigan. Hindi naman ako mahirap i approach pero hindi ako ang nag fifirst move, baka kasi di ako pansinin o ano man.

Nilabas ko ang phone ko para malibang. May onting oras panaman na natitira para sa recess. Onti onti nang nag sisibalikan ang mga kaklase ko sa room. Ang iba ay nag kwekwentuhan na ang iba naman ay tahimik lang sa gilid at kumakain. Ako naman nag cecellphone.

"Uhm, gusto mo?" alok ng babae na katabi ko. Inaalok nya ako ng potato chips ayaw ko naman mag karon ng bad impression sakanya kaya kumuha ako.

"Salamat." Ngumiti ako ng tipid. Di ko alam kung ano ang sasabihin dahil di naman ako magaling makipag usap lalo na ay nahihiya pako. Nag iingat din kasi ako sa mga tao na kakaibiganin ko.

"Anong name mo ulit? Luna?" Tanong nya saakin habang kumakain ng potato chips.

"Uh, Luna Eunice Lucero ang buo kong pangalan pero pwede mo ako tawaging Luna. Nickname ko." Sabi ko sakanya at kinain ang chips na inalok nya.

"Ang ganda naman ng name mo, Luna." Sabi nya saakin habang naka sandal ang mukha nya sa palad nya at nakaharap sakin.

"Ikaw ano ang sayo?" Tanong ko pabalik para hindi naman ako maging awkward kausap.

"Cheska Sarmiento." Sabi nya saakin at tumango lang ako.

Nag ring na ang bell namin para sa susunod na subject. Naging maayos naman ang mga sumunod na subject ko pero ang pang 7 kong subject ay terror, nakakatakot. Buntis kasi eh. Lumabas muna ako at nag paalam mag C.R, sa totoo ay hindi naman talaga ako mag C-C.R gusto ko lang umalis sa room dahil puro kwento lang si ma'am about sa mga makukulit nyang estudyante dati. Gusto kong libutin ang school dahil transferee lang ako at baguhan kaya gusto ko maging pamilyar, nag homeschool kasi ako ng 1 year kaya medyo ilang pako sa mga tao. ni pag punta nga sa canteen ay nalilito parin ako. Di naman maliit pero di din malaki tong school namin. Malapit sa canteen ay may upuang malapit sa puno ang ganda tumambay. Tapos may gym din kami at syempre court, library at faculty rooms.

Bumalik na din ako sa room pag katapos ng ilang minuto at baka ma sermonan ako ng teacher namin na aantagal kong mag C.R

Pag ka balik ko ay saktong nag bell ang ring. Nag pa assignment lang sya at umalis na din. Tinulungan sya ng mga lalaki kong classmates na bitbitin ang mga gamit ni ma'am.

"Saan ka nag punta? Sayang wala ka pinagalitan yang lalaki yung nasa bandang gilid katabi ng bibtana." Bulong sakin ni Diana. Dahan dahan akong lumingon sa direksyon na tinuro nya at oo nga mukha ngang napagalitan sya.

"Bakit naman sya napagalitan?" Bulong kong tinanong.

"Kasi nakikipag daldalan sa katabi kaya naman nainis si maam at pinagalitan. Paano kung makatawa ay parang walang teacher sa harapan." Sabi nya saakin. Umiling nalang ako at nilabas ang sticky notes ko. Dito ko isinulat ang mga assignment at kailangan gawin.

Last subject na namin. Naging maayos naman ito at wala namang masyadong ginawa. Nag pakilala lang at nag pakitaan ng talent, wala akong talent di ako marunong sumayaw,kumanta,mag gitara o kahit anong klaseng  instruments. Kaya sinabi ko nalang ay talent ko ang pag luluto kahit ay di naman talaga ako sigurado roon. Pero ang pag luluto ang na eenjoy ko sa totoo lang, nakaka proud pag ka tapos mo mag luto at masarap ang lasa.

Nung uwian na ay di na ako nahirapang sumakay dahil may nga tricycle agad na nakaabang. Nang makarating ako sa bahay ay walang tao. Naiwang nakabukas ang ilaw sa kusina. Dumiretso ako sa kwarto ko nilapag ang mga gamit ko, nag handa na din ako ng tuwalya para maligo.

Gusto kong naliligo pag ka galing school dahil bukod sa malagkit ang pakiramdam ay mainit din. Pag katapos kong maligo ay dumiretso ako sa kusina at kumain. Tortang talong ang ulam. Pag ka tapos kong kumain ay hinugasan ko lang ang pinag kainan ko at umakyat na sa kwarto ko.

Nilabas ko ang sticky notes ko at nag simula gawin ang mga assignment ko mula sa pinakauna hanggang sa dulo ng listahan. 12:30am na ako natapos dahil nag selfstudy pako. Nanood ako sa youtube kung paano ang mga formula sa science dahil medyo nalito ako.

Bago ako natulog ay nag hilamos ako ng mukha at nag toothbrush. Nag lagay na din ako ng skincare bago matulog.

Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now