"Straight uno ah." Sabi sakin ni Sol habang nag papaint ako.
"Ako pa ba?" Sabi ko sakanya at ngumisi.
"May mga kaibigan ka naba?" Tanong nya.
Napatigil ako habang nag papaint sa tanong nya.
"Uh, di ko naman kailangan ng kaibigan, Sol. Ikaw lang sapat na. You are morethan enough." Sabi ko sakanya at ngumiti.
"Sus, eh pano kung nawala ako? Pano ka?" Sabi nya naman sakin at binaba ang report card ko.
"Bat ka naman mawawala? Pag nawala ka edi mag wawala ako." Sabi ko naman sakanya. Tumawa lang kaming dalawa.
"Ay oo nga pala, yung isa mong account sa instgram. Hindi mo pa ako Ina-accept dun."
"Ay, oo sige accept kita mamaya."
Patuloy lang ako sa pag papaint ng may liwanag akong napansin.
Dahan dahan akong tumingin kay Sol.
Binaba nya ang phone nya at kunwaring tinitignan ang mga painting ko.
"Oh? Tapos kana?" Tanong nya at lumapit sakin.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Ganda! Wow!" Sabi nya at napatakip pa ng bibig
"Malapit na ako matapos, details nalang." Sabi ko sabay kuha ng maliit na brush.
"Parang picture ang painting mo. Milkyway." Sabi nya at inaadmire ang painting ko.
"Ganda?" Sabi ko sakanya habang nag lalagay pa ng mga details.
"Sobrang ganda."
Pag ka tapos kong mag paint ay umuwi muna sila sakanila dahil sasama daw sya sa site ng papa nya.
Nagtuloy tuloy lang ang mga sumunod na araw
Naging busy din kaming dalawa ni Sol dahil 2nd year na kami.
Madami nang nangyari saming dalawa. Away, bati, tampuhan at kung ano ano pa. Minsan nalang din kami mag kita dahil sa sobrang busy namin.
Insgram: DoremifaSol sent you a message.
@DoremifaSol: kita tayo i miss you boi.
@Cresentluna: kala ko kinalimutan mo na ako eh.
@DoremifaSol: ikaw? Sus.. hinding hindi.
Kaagad akong naligo at nag bihis.
Nag suot lang ako ng peach colored dress and some slim-bag. Pinartner ko dito ang white na doll shoes at nag tali ng ponytail, hinayaan ko lang ang aking curtain bangs.
Nag ayaw si Sol na mag picnic daw kami sa may Circle sa fairview.
"Mauna na po kami tita." Paalam ni Sol kay tita Irene.
"Mag ingat kayo." Sabi naman ni tita.
"Hi gorgeous." Sabi nya at pinasakay ako sa kotse nila.
"Taray pa kotse-kotse ka nalang ah." Sabi ko na nakaupo sa shot gun seat.
"I just got my driver's license last week." Sabi nya naman.
Dumaan muna kami sa mall.para mamili ng pag kain namin.
Bumili lang ako ng strawberry cake,chips,water,drinks.
Hati kami ni Sol sa pag bayad para fair.
Pag ka tapos naming bumili ay dumiretso na kami sa park.
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Teen FictionLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.