TRIGGER WARNING: SEXUAL HARASSMENT, ABUSE
"pakipot ka pa eh, parang hindi ka naman sanay." Sabi ni Sheena sabay tumawa.
Napa-upo ako sa sahig pag ka tapos akong itulak ni Gillian.
Lima silang naka palibot sa akin 3 babae at 2 lalaki.
Lumapit saakin ang isang lalaki at sinubukan akong halikan pero umiwas ako. Takot na takot ako na baka anong ang gawin nila sakin.
Hinawakan ako sa pisngi gamit ang isa nyang kamay.
"Ngayon ka pa talaga nahiya sakin? Eh ang landi-landi mo?" Sabi nya sakin na parang gusto na akong saktan.
"Nakakadiri ka." Mariin kong sinabi sakanya. Kahit natatakot ako ay kailangan ko paring lumaban kahit alam kong madami sila at isa lang ako.
"Anong sinabi mo?" Nanlilisik ang mga mata nya at mas lalo pang humihigpit ang pag hawak nya sa mukha ko.
Tinitigan ko sya ng malalim sa mata at sinabing "Nakakadiri k-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong sampalin.
Sa sobrang lakas ng pag kakasampal nya dumugo ang gilid ng labi ko.
Umiiyak na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. May mga sugat ako sa ibang parte ng katawan at mga gas-gas. Nakahawak lang ako sa pisngi ko at humahagulgol na sa sobrang sama ng pakiramdam ko.
Nakita kong pumulot ng kahoy ang isang lalaki habang ang tatlong babae ay nag bubulong at nag tatawanan. Lumapit naman saakin si Sheena.
"Kung di mo sana inagaw ang boyfriend ko di tayo aabot sa ganito." Sabi nya saakin at tumawa.
"Wala akong inaagaw sayo." Galit na sabi ko.
"Talaga? Eh pumasok nga daw kayo sa library at nag halikan, may nakakita nga sainyo!" Sigaw nya sakin
"Kung sino man ang gumawa nyan hindi totoo yan! Nag kataon lang na parehas kaming nasa library pero di kami nag halikan! Di ako ganong tao! Bata lang ako." Sabi ko at napaiyak lalo.
Totoo naman walang ganoong nangyari. Bata lang ako kaya di ko magagawa ang mga noong bagay. Di ako ganoong tao, kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko ang mga ganyang bagay.
"Malandi ka talaga!" Hinawakan nya ang buhok ko at sinabunutan. Napatayo ako at hindi makalaban dahil sa sakin ng paa ko at biglang pag tayo. Tinulak nya ako at na untog ako sa pader. Nahilo na ako pag ka tapos non at nawalan ng malay.
Pag gising ko ay nasa hospital na ako. Nakita ko lang ang doctor at si tita na nag uusap. Masakit ang ulo ko at nag dadalawa ang paningin. Kinapa ko ang ulo ko at may balot na itong puting bandana, sinubukan kong umupo kaso hindi ko talaga kaya buhatin ang sarili ko at mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag nagagalaw. Noong natapos sila mag usap ay lumapit saakin si tita.
"Kamusta kana? Anong nararamdaman mo ngayon?" Sunod sunod na tanong ni tita.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko.
"May janitor na nakakita sayo sa likod ng school nyo. Duguan ang ulo mo at naka higa ka roon sa sahig kaya dinala ka dito sa hospital. Ano ba ang nangyari sayo?" Sabi ni tita.
Napaiyak ako sa takot at hindi maipaliwag na nararamdaman. Kalungkutan at sakit ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam pano sisimulan. Bago pa man ako makapag salita ay naunahan na agad ako ng emosyon ko.
"Na b..bully po ako..." Sabi ko kay tita. Pinilit kong mag salita kahit pautal- utal sinusubukan kong mag kwento.
"Dinala nila ako sa likod ng school.. tinulak tulak..sinabunutan, sinaktan. Habang sinasaktan ako ng isa sa kanina naitulak nya ako sa pader kaya nauntog ako..." Umiiyak kong sinabi
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Teen FictionLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.