Ilang araw kaming apat na mag kasama pag ka break time at kapag pupunta sa Milktea shop nila cheska.

Masaya naman kasama si Sol pagkalipas ng panahon ay naging okay din kami, pero minsan lagi syang nang iinis at ng bwibwiset kaya nag aaway din kami minsan.

"Hi girls." Sabi ni Sol papalapit samin na may tonong parang bakla.

"Bading ka na din ngayon?" Sabi naman ni Cheska.

"Kayo ang sama-sama nyo sakin ha! Parang hindi tayo mag kaibigan." Sabi nya at nag pout pa.

"Mukha ka nanamang gago Sol." Sabi ko at napailing nalang.

"Maaga dismissal ngayong araw ah, tara tambay sa milk tea shop ni Cheska." Sabi nya at binigyan kami ng nakakairitang ngiti.

"Kala mo naman may pang bayad." Sabi ko at tinarayan sya.

"Oh sige! Tara, libre kona kayo pati buong school." Sabi nya at tumawa.

"Hindi din naman ako makakasama dahil uuwi ako. Walang tao sa bahay." Sabi ko sakanila habang iniinom ko ang juice ko.

"Hatid na kita, tutal malapit naman bahay namin sainyo." Pag alok nya.

"Uhm, wag na Sol, kaya naman ni Luna umuwi. Sumama kana samin ni Che, libre ko na." Sabi namain ni Diana at tinaas ang wallet nya.

Nag tinginan kami ni Sol saglit.

"Oo, sumama kana sakanila. Bakit akala mo ba di ko kaya umuwi mag isa? Duh." Sabi ko para gumaan naman ang paligid.

Pag ka tapos naming kumain ay dumiretso na kami sa classroom nila Cheska at nag paalam na din kami kay Sol. Last subject na namin, gaya nga ng sabi ni Sol, maaga matatapos ang klase.

"Miss, Mendoza. Looks like you're having a beautiful chat with miss, Sarmiento." Sabi ni ma'am at sumandal sa table nya hawak hawak ang white board pen.

"Ah, no ma'am im listening." Depensa naman ni Diana.

"Is that so? Well, can you tell me what is the power house of cell?" Seryosong tanong ni ma'am.

"Uhm.. the house power of cell is.." hindi makasagot si Diana.

Sinubukan ko syang bulungan ng bigla akong tawagin ni ma'am.

"Miss, Lucero? Can you help your friend?" Tanong ni ma'am.

Tumayo naman ako para sumagot.

"Uhm, the power house of cell is called Mitochondria." Sabi ko kay ma'am

"Alright, give miss Lucero an applause." Sabi ni maam at nag patuloy mag sulat sa board.

Tumingin ako sa gawi ni Diana, at inirapan nya ako.

Hindi ko alam kung bakit sya ganon, baka ay mawala lang sya sa mood dahil hindi sya naka sagot kanina.

Nang mag ring ang bell ay lumapit ako kay Diana.

"Diana, napag isipan ko na mas mabuting sumama ako sainyo sa milktea shop pero saglit lang siguro." Sabi ko sakanya.

Hindi sya sumagot sa sinabi ko at padabog na inayos ang bag nya.

"Ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Cheska.

"Ayos lang ako, sumama ka kung gusto mong sumama." Sabi nya at lumabas ng classroom.

Nag tinginan kami ni Cheska at nginitian nya ako.

Tahimik lang kaming nag lalakad papuntang Milktea shop nila Cheska. Sabi ni Sol ay don nya nalang daw kami kikitain.

"Uy! Luna, sumama ka pala!" Sabi ni Sol.

"Ah, oo eh pero saglit lang ako dito." Sabi ko naman.

Sinabi ko kay Cheska ang order ko dahil sya na ang mag oorder.

"Sol, pwede mo ba akong tulungan sa science? Medyo nahihirapan kasi ako mag compute ng mga formula." Sabi ni Diana kay Sol.

"Sige, i text mo nalang sakin mamaya." Sabi ni Sol.

Nag cecellphone lang ako nang biglang dumating si Cheska dala dala ang mga order namin.

"Uy, gusto mo din pala ng matcha? Favorite ko yan e." Sabi ni Sol.

"Oo, matagal ko nang inoorder to. Sabi kasi nila nakaka wala daw to ng stress." Sabi ko naman sakanya.

"Gusto ko din yang matcha, kaso di yan ang inorder ko. Nakailang inom na din kasi ako nyan kaya maiba naman." Sabi nya.

"Sabi mo nga lasang damo ang matcha eh." Sabi ni Cheska at tumawa.

"Noon yon, eh nung nag dala si daddy ng pasalubong ay nagustugan ko na. Sadyang pangit lang talaga lasa ng pag kakatimpla dito sainyo." Sabi ni Diana at inirapan si Cheska.

Nag patuloy lang ako sa pag kain ng i order ko.

Pag katapos naming kumain ay inayos ko ang mga gamit ko.

"Uh, Sol.. do you mind if we hangout in our house?" Sabi ni Diana kay Sol.

Tumingin sakin si Sol saglit.

"Sorry, Diana. Hindi ako free ngayon eh. Maybe next time. Tara na Luna, anong oras na." Sabi ni Sol at hinawakan ang pulsuhan ko.

Lumabas kami ng Milktea shop at nag abang ng jeep.

"Sol, ayoko pang umuwi." Maikling sabi ko sakanya.

"Ha? Sabi mo kanina kailangan mong umuwi dahil walang mag babantay sa bahay nyo." Sabi nya.

"Naka lock naman yun. Wala namang mananakaw dun." Sabi ko sakanya habang nakaupo sa waiting shed.

"San mo gusto pumunta?" Tanong nya.

"Kahit saan." Maiksing sagot ko.

Sumakay kami ng jeep at may sinabing lugar si Sol na hindi ko alam kung saan.

"Wag mo akong iligaw, Sol." Sabi ko sakanya.

"Kahit saan pala ah." Sabi nya at ngumiti sakin.

"Baka naman dalhin moko sa ibang bansa, Sol ah umayos ka." Sabi ko naman sakanya.

Maya maya ay bumaba kami ng jeep at pumasok kami sa malaking gate.

"Walang pumupuntang tao dito. Dito ako pumupunta pag gusto kong mapag isa."

Para itong park. May mga puno at sa likod ay kita ang manila bay. Mahangin din dito at may mga upuan. Umupo kami ni Sol sa maliit na bench, pinapanood ang sunset.

"Alam mo feeling ko, may gusto sayo si Diana." Sabi ko sakanya habang nakatingin ako sa malayo.

Ramdam ko na nakatingin sya sakin habang nakatingin ako sa malayo.

"May iba akong gusto eh." Maiksing sabi nya.

Napa tingin ako sakanya.

"Natatakot akong mag confess sya, ayoko syang masaktan ayoko syang ma reject. Pero at the same time ayoko syang umasa. Matagal na kaming mag kaibigan e, ayokong mag bago ang pag tingin namin sa isa't isa." Sabi nya at tumingin sa malayo.

"Akala ko dati ay magugustuhan ko din sya. Akala ko pag tumagal ay mahuhulog din ako sakanya. Pinilit kong mainlove sakanya pero.. di talaga eh, narealize ko na hindi pinipili ang mamahalin mo. Dadating at dadating sya sa tamang panahon." Sabi nya at tumingin saakin.

Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now