Maaga ako pumasok ngayon para sa practice namin sa P.E Ako ang inasign para mag dala ng speaker.

"Luna! Na-miss kita!" Lumapit saakin si Diana at bigyan ako ng yakap.

"Na-miss din kita Diana." Sabi ko sakanya at ngumiti.

Hindi dapat ako papasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko, kaso may pinaki suyo yung adviser namin. Malapit na din kasi ang event namin kaya nag plaplano na kaming mga officers kung anong booth ang gagawin oh kung ano ang mga gagawin sa event. Nakapag plano na kami na may horror booth, marriage booth, at may pa perform yung taga music club. Wala naman sana akong planong sumama dahil tinatamad ako kaso kailangan kong tumulong dahil isa ako sa nga officers. Parang gusto ko na ngalang mag kunwari na may sakit para di maka attend.

"Luna, Horror booth tayo sa Foundation Day!" Sabi ni Cheska

"Wag ka mag alala kami kasama mo di kayo mag kikita nung Sheena na 'yun." Sabi naman ni Diana.

"Ayoko sumama, parang masama pakiramdam ko." Sabi ko sakanila sabay hawak sa lalamunan ko.

"Luna, alam naman namin kaya ayaw mong sumama kasi alam mong everytime pwede kayong mag kasalubong ni Sheena. Alam naming natatakot ka at na trauma kaya ayaw mo syang makita. Pero Luna, wag mo silang hayaan na pigilan ka sa mga bagay na gusto mong gawin. Halimbawa, gusto mo talaga pumuntang Foundation Day kaso natatakot ka na baka mag kita kayo." Seryosong sabi ni Cheska.

"Wag tayo mabuhay sa takot, Lumaban tayo." Pahabol naman ni Diana.

Tama sila, dapat kaya kong lumaban, hindi papatalo. Kahit papano ay may mga taong nag mamahal saakin. Nandyan si tita Irene at sila Diana at Cheska. Masaya ako na nakilala ko sila kasi kung wala sila baka wala na din ako ngayon.

"Sige, sasama na ako." Sabi ko sakanila.

Agad naman lumiwanag ang mga mukha nila.

"Yun oh! Yan ang gusto ko! Dahil dyan mang lilibre ako ng milktea!" Sabi naman ni Diana.

"Jusko teh! Alas otso palang ng umaaga maawa ka naman." Sabi naman ni Cheska.

Natawa nalang ako sa mga ginagawa nila habang inaayos ko ang projector na gagamitin mamaya sa meeting. Katulad nga ng napag usapan ay nanlibre si Diana kumain lang kami sa may karenderya na malapit.

Simula nang malaman kong nasa school na nag aaral si Sheena ay pakiramdam ko lagi ay hindi ako safe, na kahit bigkasin lang ang pangalan nya ay umiikot ang sikmura ko. Mas lalong ayoko ng presensya nya, nakakasuka. Hindi ko alam paano malalagpasan 'to. Pero isa lang ang natutunan ko, lumaban.

Pag ka tapos namin kumain ay nag bayad na kaagad si Diana. Bumalik ulit kami sa school para sa pag plaplanuhang booth.

Napag isipan namin na mag lagay din ng mga food stalls para pag nagutom o nauhaw ang mga Estudyante ay may mabibilan sila.

"Miss Lucero, makikisuyo sana ako sa'yo kung pwede mong basain yung mga basahan, ipangpupunas kasi sa mga stalls." Sabi sakin nung lalaki. Kaagad ko naman sinunod kaya pumunta ako sa mga hugasan ng kamay kaso yung iba walang mga sabon o mahina ang tubig kaya pumunta nalang ako doon malapit sa canteen.

"Dito lang pala kita makikita." Natigilan ako sa pag lalaba ng mga basahan ng biglang may nag salita sa likodan ko.

Lumingon ako sa salamin sa harapan ko at nakita si Sheena na nakatayo sa likodan ko kasama ang 2 lalaki, yung isa hindi ko kilala.

Lumingon ako sakanila at hindi ko alam ang gagawin. Ito na nga ang kinakatakot ko. Yung maulit nanaman ang nangayari saakin noon. Nanlalamig ang buong katawan ko at hindi na maintindihan ang nararamdaman.

Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now