"Diana, ayos kalang?" Tanong ni Cheska kay Diana.
Mga ilang araw nang ganito si Diana. Hindi nag sasalita, masungit at iritable.
Hindi sya kumibo nang tanungin sya ni Cheska.
"Pine-pressure ka parin ba ng parents mo?" Mahinang tanong ni Cheska dahil baka may makarinig dito sa cafeteria.
"Kung hindi ka komportable sabihin samin ay ayos lang. Basta lagi mong tatandaan na andito lang kami sayo Diana. Mahal ka namin, kaibigan mo kami at dadamayan ka namin sa kung anong problema pa yan." Sabi ko naman
"Ano ba? Ang dami nyo namang sinasabi! Oo ayos lang ako!" Sigaw nya at nag lakad papalayo.
Nag tinginan kami ni Cheska. Napatingin din saamin ang ibang tao sa cafeteria. Nakakahiya.
Pag ka tapos ng recess at nag quiz kami sa sumunod na subject.
"And the highest is Lucero, Luna Eunice, please give an applause." Sabi ng teacher namin at kaagad naman silang nag palakpakan.
"Galing talaga ng bestfriend ko!" Sabi ni Cheska habang pumapalakpak.
Pagka-tapos non ay nag tuloy tuloy lang ang araw ko hanggang sa nag uwian na.
"Wala nang balita kay Sheena?" Tanong ni Cheska.
"Hindi ko alam Che, wala na akong balita sakanya at di ko na din sya nakikita dito sa school. Hindi nya na ako ginugulo." Sabi ko kay Cheska habang inaayos ang mga gamit ko.
"Diana, sabay tayo uuwi dib-" hindi pa natapos si Cheska sa sasabihin nya nang biglang nag walk-out si Diana.
"Ano bang problema nun?" Tanong ni Cheska sakin.
"Hindi ko alam, baka may pinag dadaanan lang hayaan muna natin. Bigyan natin ng oras." Sabi ko sakanya habang nag lalakad.
Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko si tita Irene na nag hahanda ng hapag. Nag mano ako sakanya at tinulungan sya mag lagay ng mga plato at mga gagamitin pa sa pag kain.
Pag ka tapos naming kumain ay ako ang nag hugas ng pinag kainan namin. Pag ka tapos non ay nag half bath ako.
Habang gumagawa ako ng assigment ay biglang may lumabas na notification sa lockscreen ko.
Instagram: @doremifaSol started following you.
Kaagad kong binuksan ang instagram ko at nakita kong tinag nya ako sa pinost nyang picture namin nung nasa studio kami.
"With my talented cutiepie doggo"
Kaagad akong nag reply sa ig story nya.@crescentluna: kapal ng mukha mo eh yang mukha mo nga yung mas mukhang hayop sa'tin!
@doremifaSol: galit na galit, tingin nga ng mukha.
@cresentluna: i blo-block na kita bye!
@doremifaSol: WAG! SORRY NA! PLX WAG KANA MAGALET SAD NA AKO OH LOOK :(
@cresentluna: munggago.
@doremifaSol: 143 :)
Hindi ko na sya ni replayan at ginawa ko na ang mga assigments ko. Pag ka tapos non ay nag pahinga na ako.
Kinabukasan ay nagising ako ng 8am nag almusal lang ako ng pandesal at ng hot chocolate. Habang umiinom ako ng tubig ay may note na nakasabit sa pintuan ng ref.
"Hindi ako makakauwi. Wag mo na ako antayin. Dito na din ako kakain ng hapunan kaya mag luto ka ng sapat lang para sa'yo. Patayin mo ang kalan after mong mag luto at i double check kung naka lock ang pinto at gate. Wag mo din kalimutan diligan ang mga halaman. May iniwan akong allowance mo buong linggo naka lagay sa sobre sa taas ng ref, mag ingat ka. I text mo lang ako kapag may problema. I love you. "
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Novela JuvenilLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.