TRIGGER WARNING: PHYSICAL ABUSE

"Huy, Congrats! naka perfect ka sa exam." Sabi ni Cheska saakin habang inaabot ang papel ko.

Puro quiz kami ngayon dahil papalapit na yung exam namin. May mga nakilala naman na akong mga kaibigan katulad nina Cheska at Diana. Masasaya naman sila kasama, pero di ako gaano nag o-open sakanila. Sapat na ang presensya ko para sakanila.

Si Cheska at si Diana lang ang palagi kong nakakasama dahil mas maingay at active sila. Parati nila akong sinusundan at tinatabihan. Nagulo na nga ang seating arrangement namin dahil sakanila.

Nag lalakad kami sa may sidewalk. Papuntang coffee shop na pag mamay- ari ng mga magulang ni Che, maaga kami pinauwi ngayon dahil may mga meeting ang teachers kaya maaga kami na dismiss. Naisipan nila Che na mag review kami dito since next week na ang exam.

KKB kami kaya naman nag bigay na ako ng bayad. Nag order lang ako ng matcha milktea at ng fries at burger para di ako magutom. Nag text na din ako kay tita Irene na nag review kami kasama ang mga kaibigan ko, kaya di ako makakauwi kahit maaga ang dismissal

Gustong-gusto talaga naming tumambay dito dahil sa tahimik naka aircon pa, masarap pa ang mga pagkain at drinks. Afford na afford naming mga estudyante, nakaka discount din kami dito dahil kay Cheska.

"Inang 'to! Ang hirap naman.." sabi ni Cheska habang binabasa ang kailangan reviewhin para sa exam.

"I-highlight mo lang ang mga importante at ilipat sa papel. Para kapag binasa mo ay maalala mo 'to sa exam." Sabi ko sakanya habang iniinom ang milktea ko.

"Ah, yan pala ang technic mo? Kaya ba mataas ka sa mga exams? Alam mo sa totoo lang naiingit ako sayo. Dahil minsan ang effortless mo na e-ace mo yung mga quiz at exams. Kahit nga sa recitation, kahit hindi ka nag tataas ng kamay dahil nahihiya ka tinatanong ka nalang ng mga teachers nakakasagot ka padin. Samantalang ako, aral na nang nag aral dahil natatakot akong mawala sa star section. Hindi kadali sabihin kila mama na may isang subject akong mababa." Sabi sakin ni Diana.

Napatingin ako sakanya at nagkatinginan kami ni Cheska.

"Matalino ka din naman ah?" Sabi ni Cheska sakanya.

"I always try, try and try. I've never been natural. Unlike you. You don't care what your exams scores are. You don't even have any reaction when you look at your scores. Unlike me, i always hold my tears before checking my scores. Di naman mababa di rin mataas, average lang. Iniisip ko kung hanggang doon nalang ba ang "best" ko." Sabi nya at yumuko. Pakiramdam ko ay pinipigilan nyang hindi maluha.

"Siguro dahil ginagawa mo lang 'yan para sa parents mo. Pag masaya ka sa mga bagay na ginagawa mo ay maganda din ang kakalabasan." Sabi ko sakanya. Although maganda naman ang mga scores nya at kita ko naman na masaya sya doon pero hindi siguro na sasatisfy ang parents nya kaya siguro feeling nya hindi pa sapat ang efforts nya.

"Matalino ka, Diana. Magaling ka. Gawin mo lang ang best mo ay sapat na 'yon." Sabi ni Cheska sakanya at hinaplos ang likod nya.

"Bakit ganon? Lahat naman ginagawa ko para maging proud ang parents ko sa'kin pero nakikita lang nila ako as disappointment. Always comparing me to other kids. They don't appreciate me at all. All i want was to make them happy and proud." Sabi nya habang naka yuko, sabay hikbi.

"Masaya nga sila, masaya ka ba?" Napatingin sila sakin nang bigla akong nag salita.

"Always to the things you want and love, Diana. Always choose yourself and choosing yourself is not being selfish. Be gentle with yourself." Sabi ko.

"Take a rest but never give up!" Sabi ko at tumawa sya.

"Salamat sainyo. Napagaan nyo ang loob ko, sobrang laking tulong nito sakin." Sabi nya habang pinupunasan ang luha nya gamit ang panyo.

"Salamat sa pag open. Alam naming hindi ganoon kadali mag open." Sabi naman ni ko at niyakap sya.

Maya-maya ay natapos na din kaming gumawa ng reviewer bawat subjects. Tapos ni-review namin 'to saglit.

Hinatid lang nila ako sa sakayan ng jeep at sabay na silang nag lakad papalayo. Malapit lang ang bahay nila dito kayang kaya lakadin. Habang nag aabang ng jeep ay tumawag sa'kin si tita Irene.

[ Hello po? Pauwi na ho ako. Nag aabang lang ng jeep. ]Sabi ko sa telepono.

[ Huwag ka munang umuwi. Nandito ang papa mo...] Nanginginig ang boses nya at may naririnig din akong mag kakagulo sa background.

[ A-anong pong nangyayari? Bakit sya nandyaan?! May ginawa po ba syan- ]

sunod-sunod akong nag tanong kaso binabaan nya ako ng telepono. Kaagad akong nakaramdam ng hindi tama kaya umuwi parin ako kahit alam kong nandyaan sya. Hindi ko din naman alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama kay tita Irene.

Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now