15

9 0 0
                                    

"Sol, ayoko, ano ba please hindi ako matapang, hindi ko kaya harapin ang problemang 'to Sol, sige na." Pag mamakaawa ko sakanya.

Kasalukuyan kaming naka tayo sa labas ng caferia.

"Luna, kasama mo 'ko, hindi mo haharapin to ng mag isa. hindi pwedeng ganito nalang, I don't want you to live in fear. I want you to live your life Luna, please. Let me.." sabi nya at tinanggal ang pag ka hawak ko sa uniform nya.

Tumakbo sya sa loob ng caferia at kumuha ng upuan.

"Everyone please pay attention!" Sigaw ni Sol.

Nanonood lang ako mula sa may glass mirror ng pintuan ng canteen.

"I want to reach out everyone. I know we all know what's circulating in the whole school right now about the issue of Luna Eunice Lucero. I wanted to tell you guys to stop spreading humors. Yes, the issue is not real. I am not saying this because she is my friend but its a fact. Di sya ganoong tao. Luna was nice, disente syang babae at hindi nya magagawa ang mga binibintang nyo sakanya. I have proofs na hindi si Luna ang nasa video at lalong hindi nya pineke ang pang bubully sakanya noon. Kung hindi kayo naniniwala we have a medical record to show you. We're gonna report this and tell everything to the principal. Please stop believing the things that doesn't have facts or evidence. We're going to find and sue who spread the rumors, thank you all for listening." Sabi ni Sol

Nakatingin lang ako sakanya mula labas ng cafeteria.

Hindi ako makapaniwala na may isang tao ang nag lakas loob na tumayo para sakin.

Pag ka labas nya ng cafeteria ay tumingin sya saakin at ngumiti. Tinanggal nya ang jacket nya at pinatong sa ulo ko. Nang nakita ako ng mga tao ay nag bulungan sila kaya tumakbo kami ni Sol papalayo doon.

"Ayos ka lang?" Tanong si Sol.

Hingal na hingal sya.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Salamat." Sabi ko sakanya. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at napaiyak.

"Iiyak mo lang lahat, Luna magiging maayos ka din." Sabi nya at hinaplos ang likod ko.

"Salamat kasi nadyan ka. Maraming salamat dahil nag lakas loob kang tumayo para sakin. Salamat at hindi moko pinabayaan tulad ng ginawa nila sakin. Salamat at naniwala ka."

Pumunta kami ni Sol sa school at kinausap ang Principal. Nalaman kong kaibigan pala ng tatay ni Sol ang principal kaya kagaad namang pinatawag sila Sheena,Diana,Cheska at ang 2 lalaki kasama ang mga magulang nila.

"Sobrang laki po ang problema na kakaharapin ng mga anak ninyo dahil ito ay bullying at pag kakalat ng hindi naman totoong impormasyon. Malaki din po ang parusa nyo, maaring hindi grumaduate ang mga anak nyo sa High School."

"No! Hindi naman kasi totoo ang mga bintang nyang babae na yan! Sir, nandito na po tayo noon." Pag mamakaawa ni Sheena.

Hindi nag sasalita sila Diana at Cheska, nakayuko lang sila.

"Hindi po ako yung nasa video. Hindi ko din po niloko yung pang bubully nila sakin noon." Sabi ko at binigay ang medical record ko.

"Kung totoo yon edi bakit walang nangyari?!" Sigaw nya at napatayo.

"Alam mo kung bakit walang nangyari noon? Kasi binayaran ng nanay mo ang school." Seryosong sabi ko.

Wala syang masabi at tumingin sa paligid.

"How dare you accuse me like that?! Im not that kind of person you little bitch!" Sigaw ng nanay nya.

"Mrs. Dizon that's enough!" Sigaw ng principal.

Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now