23

9 1 0
                                    

Sol's POV:
Nagising ako ng may maramdaman akong masakit sa katawan ko. Ilang araw na akong may lagnat at bumabalik parin ito.

Dumiretso ako sa banyo at sumuka.

Pag katapos kong sumuka ay mag flu-flush na sana ako ng makita tong may dugo ito.

Flinush ko ito at nag hugas ng kamay at bibig.

Pumasok ako sa loob ng office nila mama.

"Ma, nag suka ako ng dugo. I think we should go to the doctor na."

Kaagad naman kaming sumakay sa kotse at tinatawagan na ni mama si papa.

[ We're on the way in the hospital in san Lorenzo. Just meet me there. I already called Mr. Salvation, your friend.. I told him that we'll be there in minutes. ] Sabi ni mama at binaba ang telepono.

"Are you alright anak? Ano pang masakit sayo?"

Mabilis akong mag karon ng pasa sa katawan netong mga nakaraang araw.

Pag dating namin sa hospital ay sinabi ko lang ang mga naramdaman ko these past few days.

Nag blood test na din kami dahil sabi ng doctor ay sign daw ito ng leukemia.

Nandito lang kami sa labas ni mama nag aantay sa sasabihin ng doctor.

Pinauwi muna kami at sinabing kailangan ulit mag take ng mag take ng dugo sakin para masabing may leukemia talaga ako.

Nasa loob ako ng kwarto at sinabi ko kay mama na mag papahinga muna ako. Pag upo ko sa kamay ay nakita ko ang regalo sakin ni Luna na painting nya noong graduation namin. We look so happy.

Sana ay wala akong sakit para makasama ko pa sya habang buhay. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nag karon ako ng sakit.

Makalipas ang ilang araw ay palala ng palala ang sakit ko. Palagi akong maputla at madalas ding nag kakaron ng fatigue.

Bumalik ulit kami sa hospital para sa Bone marrow test ko.

Pag ka tapos ng test sakin ay sinabi ng doctor na mag pahinga lang daw muna ako at bumalik kami next week para sa complete diagnosis.

Instagram: @cresentluna sent you 56 messages and 12 missed calls.

@Crensentluna: Sol bakit hindi ka pumasok?

@Cresentluna: Sol ano ng nangyayari sayo?

@Cresentluna: Pumunta ako kanina sainyo wala namang tao sabi ng kasambahay nyo ay umalis kayo.

@Cresentluna: Iniiwasan mo ba ako? Bakit hindi kana pumapasok

@Cresentluna: pag may problema ka mag sabi ka sakin ah? Ayokong nag lilihim ka.

@Cresentluna: I miss you na Sol :(

Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now