TRIGGER WARNING PHYSICAL ABUSE/ SELF-HARM
"Anong nangyayari dito?!" Pag bukas ko ng pinto naabutan ko si papa na hawak hawak ang kwelyo ni tita at habang si tita naman ay naka upo na sa sahig at umiiyak. Nakita ko din ang bote ng alak na dapat nyang i hahampas kay tita.
Kaagad akong lumapit kay tita at tinulungan sya.
"Wala ka talagang kwenta! Wala kang puso! Bakit mo ginagawa it-" hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng dumampi ang kamay nya sa pisngi ko.
Tumingin ako sakanya pabalik at tinitigan sya ng masama. Tumingin din ako sa gawi ni tita Irene. Umiiyak sya sa gilid at may pasa sa bandang gilid ng labi.
"Ang kapal mong bumalik at mag pakita pa dito?! Pag katapos ng mga ginawa mo sakin?! Ha?! Anong klase kang ama!" Sigaw ko sakanya. Galit at takot lang ang nararamdaman ko ngayon.
"Wala kang respeto! Dapat una palang hindi na kita tinanggap!" Sigaw nya sakin habang dinuro ako ng darili nya.
"Hindi ko ginustong mabuhay! Binuhay nyo'ko.. kung tutuusin hindi ko gugustuhing mabuhay lalo na sa ganitong... Sitwasyon..." Lumapit si tita Irene sa akin at sinubukan akong hatakin papalayo.
"Bakit kaba ganito saakin? Ano bang kasalanan ko.." Tumitig lang ako sakanya habang umiiyak. Nanginginig na ako sa takot at galit.
"Gusto mo malaman? Ha?!" Sigaw nya sabay tumawa ng sarkastiko.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang nanay mo, Luna." Sabi nya at biglang humagulgol.
Natigilan ako sa mga salitang binitawan nya. Ano raw? Kasalanan ko kung bakit namatay si mama? Paano?
" Buong pag sisisi ko na nabuhay ka. Dapat hindi kana lang nabuhay. Sana ikaw nalang ang namatay at hindi sya. Mahal na mahal ko sya. Pero dahil sayo! Nang dahil sayo.. nawala sya."
Tumingin ako kay tita na nasa tabi ko hawak hawak ang palapulsuhan ko. Nakatulala lang sya marahil nasaktan sa mga sinabi ni papa.
"Hindi ko din naman ginusto yon. Sanggol lang ako, wala akong alam! Kaya bakit mo sinisisi ang bagay na wala akong ka alam-alam..." Sabi ko at humagulgol. Hindi na kinakaya ang mga nangyayari.
Biglang nag lakad si tita sa kusina at kumuha ng kutsilyo.
"Umalis ka dito!" Sigaw nya kay papa at tinutukan ito ng kutsilyo. Napatigil ako sa pag iyak dahil sa gulat.
"Tita hindi natin kailangan umabot sa ganito sige na please,.. hindi ka ganito." Sinubukan kong pakalmahin si tita.
"Tangina, ano?! Aalis ka o' tutuluyan kita?!" Sigaw ni tita at nanlikisik na ang mga mata nito. mas lalo pang nilapit ang kutsilyo kay papa. Ngayon ko lang syang nakitang ganito.
Nagulat din si papa sa ginawa ni tita at napalunok ng malalim.
Kaagad naman lumabas si papa sa pinto.
"Wag na wag kanang mag papakita dito?!" Nabitawan ni tita ang kutsilyo at napaluhod sa sahig. Sinalo ko naman sya at niyakap. Umiiyak lang kaming dalawa dahil sa nangyari. Ang sakit sakit..
Hindi ako makatulog dahil feeling ko hindi ako safe kahit nandito ako sa loob ng kwarto ko. Baka bumalik sya at saktan pa ulit kami.
Ang pag kakaalam ko lang kaya nya ako sinisisi sa pag kamatay ni mama dahil namatay si mama nung ipinanganak ako. Kaya dati palang ay ayoko na nag bi-birthday ko. Lumaki ako at si tita Irene na ang kasama ko pag laki. Sya na ang tumayong nanay ko. Sobrang swerte ko sakanya dahil itinuring nya ako biglang totoo nyang anak. Kahit na hindi sya nag karoon ng anak noon. Binibigyan nya ako ng regalo pag ka birthday ko at paulit ulit na pinapa alala saakin na hindi ko kasalanan ang mga nangyari.
I don't want to do this anymore.. I'm slowly losing hope. What is the purpose of living anyways? Why do God created humans, humans are cruel and disgusting.
Nakatitig lang ako sa sharpener ko sa desk. I feel... Numb..
Atleast kahit sa konting panahon ay nakaramdam ako, kahit masakit pero wala pa ito sa sakit na nararamdam ko ngayon. Wala akong maramdaman maliban sa lamig ng blade sa pulsuhan ko..
Kinabukasan ay kailangan kong pumasok dahil may meeting kaming mga SSG officers. Pinaglutuan lang ako ni tita ng meatloaf at noodles at kumain na din kami. Tahimik lang si tita Irene habang nasa hapag kami, nakakapanibago.
"Kamusta na ho yung sugat nyo? Ginamot nyo na po ba yan?" Tanong ko sakanya. Nakatingin yuko lang sya sa kinakain nya.
"Ayos na ako, Luna. Salamat." Maikling sagot nya at binigyan nya lang ako ng tipid na ngiti.
Alam kong hindi sya okay pero alam ko kailangan nya ng oras at ng pahinga.
Bago ako pumasok ay tinignan ko ulit yung pisngi ko kung namumula pa.
"Alis na po ako. Mag ingat po kayo, kung pwede lang hindi ako pumasok ngayon para mabantayan kayo, baka bumalik pa sya mamaya." Sabi ko kay tita. Hinawakan nya naman ang kamay ko.
"Kaya ko ang sarili ko, Luna." Sabi ni tita at ngumiti sya saakin. Kitang kita ko ang kalungkutan sa mga mata nya.
Sumakay ako ng jeep papuntang school. Natutulala ako at madaming iniisip.
"Hi Luna!" Sigaw ni che, kaya naman napatingin ako sa direksyon nila. Nakita ko din si Diana na kumakaway saakin. Kaagad naman akong lumapit sakanila. Sinubukan ko umakto ng maayos na para bang walang nangyari.
"Kamusta kayo?" Tanong ko sakanilang nakangiti.
"Ayos lang ikaw?" Tanong ni Cheska.
"Ayos lang din. Bakit nyo ako tinawag? Tyaka bakit hindi kayo naka uniform?" Tanong ko sakanila.
"Kami nga dapat ang mag tatanong nyan dahil may art tayong gagawin ngayon na i-didisplay dito sa school tyaka ay meeting ng mga SSG officers ngayon diba?" Nakakunot ang ulo nilang dalawa at tila nag tataka.
"Shocks, nakalimutan ko. Sorry.. mag papalit nalang ako. May damit naman ako sa locker ko." Sabi ko sakanila. Nawala sa isip ko na may gagawin nga pala kaming art ngayon kaya pinag P.E uniform kami.
Sinamahan ako ni Diana sa C.R mag palit at si Cheska naman ay nauna na sa office dahil may aayusin pa sya sa projector.
Pagka tapos kong mag palit ay lumabas na din ako sa C.R dala-dala ang paper bag na nilagyan ko ng damit.
"Tara, okay nako. Babalik ko lang 'to sa locker ko." Sabi ko kay Diana. Habang nag lalakad kami ay nag kwekwento lang sya ng mga kung ano- ano ng bigla kaming napatigil sa pag lalakad.
"Oh, hi! Sheena! Dito ka na rin pala nag aaral? Oh my gosh you should've informed me!" Sigaw ni Diana at lumapit kay Sheena para yakapin. Nakatitig lang si Sheena saakin at ngumisi. Hindi ako makagalaw, parang nakapako ang mga paa ko sa sahig. Nanlamig ang katawan ko.
"Oh this is Luna, my friend and Luna, this is Sheena my old classmate in South Grace National High School." sabi ni Diana. Kaagad nag bago ang expresyon ni Sheena at ngumiti saakin.
"Nice to meet you, Luna. I hope we get along well." Sabi ni Sheena at inabot ang kamay nya saakin para mag shake hands.
Dahan-dahan akong umatras papalayo.
"Uh, Luna are you okay?" Tanong ni Diana.
Tumakbo ako nang mabilis ng mabilis. Dirediretso lang akong tumakbo at hindi ko alam saan ako pupunta basta tumatakbo lang ako. Feeling ko ay nasa likodan ko lang sya. Mabilis ang pag tibok ng puso ko, hindi ko namalayang lumuluha na ako.
Napunta ako sa may Puno na may upuan malapit sa canteen. Umupo muna ako at napahawak sa dibdib ko hindi makapaniwala sa nakita.
Natatakot ako na baka gawin nya din saakin ang ginawa nya noon. Parang nag balik ang pakiramdam ko noon.
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Teen FictionLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.