Ano ng nangyari kay Sol? Pumunta ako sa classroom nila kanina at sinabi ncmga kaklase nya na absent sya.
Chat ako ng chat sa Instagram pero hindi naman sya nag rereply.
Ilang araw na syang ganito.
Nag aalala na ako. May nararamdaman akong hindi tama na feel ko ay may nangyayari sakanya na hindi maganda.
Kinabukasan ay pumunta ako sa bahay nila bago pumasok sa school para bisitahin sya.
Nag door bell lang ako ng bumugad sakin ang kasambahay nila.
"Magandang hapon po, ako po si Luna kaibigan ni Sol ah, pwede ko po ba matanong kung nandyan si Sol?" Tanong ko sa kasambahay nila.
"Ay pasensya na ho, umalis po sila nila ma'am Eleine kaninang umaga. Di ko po alam san nag punta eh." Sagot naman ng kasambahay.
"Ah, sige po salamat." Sabi ko at nag lakad papalayo.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya, pero alam ko na sasabihin nya sakin ang problema nya pag ka gusto nya.
Buong araw ay sya parin ang nasa isip ko. Ayaw nya na ba ako maging kaibigan? Iiwan nya din ba ako tulad ng ginawa ng iba sakin? Ah, basta. Bakit ko pa iniisio yon? Hindi ako iiwan ni Sol, kilala ko yon. Di yon mag papaalam nang hindi nag papaalam.
Instagram: @doremifaSol sent you a message.
@doremifaSol: Ayos lang ako Luna, nag kasakit ako nag pa check up kami kanina kaya wala ako. Pero baka bukas makakapasok na ulit ako :)
Kaagad kong kinuha ang phone ko sa bedside table ko nang makita ko na nag message sya.
Lumiwanag ang mukha ko at parang nawala ang mga pinag overthink ko.
@cresentluna: Hi, Sol! I miss you so much!!!!! Kaya pala hindi ka nakapasok nag ka sakit ka :( Get well soon, kita kits bukas iloveyou!!!!
Hindu na sya nag reply pag ka tapos non. Baka nag pahinga na.
Kinabukasan ay nag handa na ako para pumasok sa school nang biglang mag chat di Sol sakin.
@doremifaSol: Here, outside :)
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at dumiretso papalabas.
Nakita ko sya doong nakatayo at sinisipa ang maliliit na bato sa lapag.
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Teen FictionLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.