"My gosh, Luna! Ang intense ng nangyari sayo! Hindi ko alam na ganon na pala ang nangyari sayo inutusan ka lang naman. Sorry at wala kami nung panahon na pinag tulungan ka nila. I'm really sorry, Luna." Sabi ni Diana na guilting-guilty.

"I'm sorry too, Luna. I wasn't there when you needed us the most." Pahabol naman ni Cheska.

"Wala kayong kasalanan, at hindi nyo naman ginusto ang nangyari, at na sumbong na sa guidance. Natutuwa ako at may naniniwala na saakin."

Totoo, masaya ako kasi may tao nang naniwala sakin tulad nila Tita Irene, Diana at Cheska.

Onti-onti na akong nag kakaroon ng pag-asa.

Ilang linggong hindi pumasok si Sheena, akala ko panaman ay susugod ang nanay nya sa Guidance Office para ipag tanggol ang anak nya. Ano kayang nangyari sakanya.

Ilang linggo din naging panatag ang loob kong pumasok at sinabi ko din ay tita Irene ang nangyari. Agad syang nag alala saakin at tinanong ako kung gusto ko daw bang lumipat ng school. Kaso ay hindi naman ako makakalipat dahil patapos na rin naman ang pasukan.

Papunta ako kila Diana sa Milktea shop na pinupuntahan namin. Naisipan kasi ni Cheska na mang libre.

Pag ka pasok ko sa Milktea shop ay bumugad sila saakin at isang pamilyar na mukha saakin. Sya yung nakasama ko sa Guidance.

"Uy! Ayan na si Luna, pakilala kita." Sabi ni Diana.

"Luna, this is Sol. Sol si Luna." Nakangiting sabi ni Diana.

"Ah, Sol..." Sabi ko at nakipag shake hands.

"You are really familiar.." sabi nya.

"Nag kita tayo sa Guidance noon yung may bukol ka sa ulo 'non haha..." Sabi ko at tumawa ng sarkastiko.

"Ikaw nga gulo gulo buhok mo at may sugat pa sa tuhod eh paiyak kana nga non haha..." Sabi nya at tumawa din ng peke.

"Diana, Cheska.. ilayo nyo sakin tong frenny nyo ah bibigwasan ko 'to!" Sabi ko at aamaba pa ng suntok.

"Kayong dalawa! Di pa kayo ganon mag kakilala pero mukhang di na kayo mag kakasundo ha!" Sigaw ni Cheska saamin.

Nag order lang kami ng makakain at nag simulang mag kwentuhan.

Pag ka tapos non ay nag simula na kaming mag lakad lakad sa park, maayos naman ang mga nangyayari kaso badtrip lang tong si Sol! Ubo ng ubo.

"Inang 'to nag kakalat kaba ng virus dito?" Inis kong sinabi.

"Inamo mukha mo nga mukha ng virus eh" sabi nya habang umuubo.

Agad ko naman syang hinabol para kotongan.

"Ikaw nakakailan kana ngayong araw! Eh mas mukha ka ngang virus kesa sakin!" Sigaw ko sakanya habang hinahabol sya.

"Sol! Luna! Ano ba kayo?!Madapa kayo dyan! Susmaryosep!" Sigaw ni Cheska sa malayo.

Natapos kami mag habulan at pagod na pagod.

"Oh! Tubig." Alok si Sol

"Ayoko mahawaan mo pa ako ng virus mo! Ubo ng ubo ampotcha." Sabi ko habang hinihingal at inirapan sya.

"Ayan, habol ka kasi ng habol eh." Sabi nya habang umiinom ng tubig.

"Wow ha! Kung hindi lang kasi pasmado yang bunganga mo edi sana hindi kita hinabol! Duwag kapa!" Sabi ko at inirapan sya

"Amputa, sinong hindi tatakbo eh kalaki laki mong virus!" Sabi nya at tumawa ng malakas. Napatingin din ako kila Diana at nakita kong pinipigilan nila ang tawa nila at si Cheska ay muntikan pang mabuga ang tubig mula sa bibig nya.

"Ikaw!" Sigaw ko at sinugod sya habang naka upo sa gater ng kalsada.

Habang papunta ako sakanya ay natalisod ako ng bato sa daan. Napa higa ako kanya, agad naman nya akong sinalo. Napatingin ako sa mga mata nya. Brown eyes, at makapal na kilay.

"Hala Luna!" Kaagad namang lumapit si Cheska para tulungan akong maka tayo.

"Di ka na nga mukhang virus tanga tanga kapa." Pang-aasar nya.

"Bigwasan kita dyan eh." Sabi ko habang pinapagpagan ang pantalon ko.

" 'di sana gawin mo yan sa mga nangbubully sayo." Walang emosyong sinabi ni Diana habang tumatayo.

"Tara na." Maiksing sabi ni nya.

Nag ka tinginan kaming dalawa nu Cheska at nagulat din sya sa sinabi ni Diana. Napayuko nalang ako at agad namang hinaplos ni Sol ang likod ko.

"Na bully ka pala? Sorry ha.. pasensya kay Diana. Simula dati ay may ganyan na syang pag uugali." Sabi ni Sol.

"That's so insensitive..." Sabi naman ni Cheska at napa takip ng bibig.

"Hayaan nyo na, baka may problema lang." Sabi ko at ngumiti sakanila ng tipid.

"Amputcha sino yung mga nangbubully sayo?! Bibigwasan ko!" Sabi ni Sol habang naglalakad kami papalayo.

"Abangan natin sa gate, Sol!" Sigaw naman ni cheska.



Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now