Trigger warning: languages
"Hala yan yung babae?"
"Oo teh, sya yung nasa video!"
"Grabe, kahit ano gagawin para lang sa pera tsk."
"Ey! Luna! Pakitaan mo naman kami ng the moves mo!"
"Pokpok."
"Ang landi naman kahit sino pinapatulan!"
"Hindi ako makapaniwala na kaya nyang pekein yung bullying no? Pwes eto totohanin na natin haha."
"Lakas ng loob nyang pumasok grabe kung ako yan nakapag pakamatay nako"
Pag pasok ko ay ibat ibang salita na ang bumungad sakin. Simula sa mga classmate ko hanggang dito sa canteen. Hindi ko alam san ako pupunta, binaba ko ang tray ko at lumabas sa canteen. Pumunta ako sa C.R at don nag tago. Gusto ko nang umuwi.
"Luna..." Narinig ko ang boses ni Sol galing sa labas.
"Ano nanaman ba 'yon Sol?! Umalis kana! Oo na ako na yung malandi ako na yung nasa video oo!" Sabi ko habang umiiyak.
"Luna, i know you're not okay. But i know hindi totoo yung mga accusations na binibintang nila sayo." Sabi ni Sol sa labas ng C.R
"Gusto ko lang ipaalam sayo na may kakampi ka. Hindi ka mag isa sa laban na to at i rereport natin to. Sasamahan kita." Sabi nya, at narinig ko ang mga yapak nyang papaalis.
Kaagad naman akong lumabas sa C.R kinuha ko ang bag kk sa classroom at dumiretso akong umuwi.
Pag bukas ko ng pintuan ay naabutan ko si tita Irene na nanonood ng T.V
"Tita...." Bungad ko sakanya at umiyak
Nagulat naman sya at napatayo. Kaagad syang lumapit sakin.
Tinaas nya ang long sleeve ko para tignan ang palapulsuhan ko.
Nang makita nya ang pulsuhan ko na walang bagong sugat ay niyakap nya ako.
I think i traumatized her. Whenever i cry she always check my wrist.
Buong mag hapon ay natulog lang ako para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. I feel... Betrayed.
Nagising ako nang mag kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Luna, kakain na." Tawag sakin ni tita Irene.
"Pasensya kana, yan lang muna ang ulam nati ngayon. Nag ka problema kasi sa trabaho ko. Nag hahanap na ako ng bagong papasukan ko, nabalitaan ko kasi na mag tatangal daw ng empleyado e' hindi ko na nga alam saan pa ako kukuha ng pang gastos para bukas. May natira pa ba sa allowance mo?" Tanong ni tita Irene.
"Meron pa naman po." Maiksing sagot ko.
" Hindi nga pala kita natanong kanina about sa nangyari." Sabi ni tita habang sinasandukan ako ng kainin at ulam.
"Ayos lang p-" hindi na ako natapos sa sasabihin ko ng may narinig kaming sumisigaw sa labas ng bahay.
"Irene! Lumabas kayo dyan!" Sigaw ni papa
"Ano ba Simon?! Anong oras na nag i-iskandalo kapa dito!" Sabi ni tita.
Nasa likodan nya lang ako.
"Tita, pumasok na po tayo. Tumawag nalang po tayo ng baranggay." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya papasok.
"Subukan mong kaming saktan lalong lalo na si Luna wala akong pake kahit mag kamatayan man tayo!" Sigaw ni tita at dinuro si papa
"Wow, mukha kang angel na binaba sa langit, Irene. Kaya mas pinili kita kaysa kay Amor." Sabi ni papa na may hawak pa na bote ng alak.
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Teen FictionLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.