"Luna!" Lumapit saakin sila Cheska at Diana.
"Dito kalang pala namin mahahanap! Ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ni Diana.
Naka yuko lang ako at hindi alam ang sasabihin.
"Natatakot ako.." sabi ko at nag takip ng mukha.
"Diana, sya yung nang bully sakin 2 years ago.. hindi ko alam kung bakit sya nandito. Natatakot ako baka gawin nya ulit sa akin yun. Hindi ko alam gagawin." Umangat ang tingin ko sakanilang dalawa habang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay ni Diana.
"What? She did that to you?" Nag tatakang tanong ni Cheska.
Kwinento ko ang mga nangyari noon. Kahit masakit tuwing naaalala ko, sinubukan ko parin sabihin ang lahat.
"That woman! Shes on my nerves!" Inis na sinabi ni Cheska.
" I think we should report it." Sabi ni Cheska.
"Ginawa kona, kaso wala din naman kaming... Akong napala." Sabi ko.
"Ako ang bahala sayo, Luna. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit nya. Hindi ako makapaniwala na kaya nyang gawin 'yon. Naging mag kaklase kami last year lang pero lumipat ako dito. I'm sorry for what happened to you. You did not deserve that." Sabi ni Diana at niyakap ako.
Pag ka tapos 'non ay dumiretso kami sa office. Late na kami at mukhang patapos na din ang meeting. Ang naabutan nalang namin is kung paano gagawin yung art clay.
Nakatulala lang ako buong meeting at para bang nawawala sa sarili. Hindi ko alam kung paano ako makaka survive dito lalo na kung alam kong dito din nya nag aaral.
Lumipas ang ilang araw na hindi naman kami nag kikita pero hindi parin mapanatag ang loob ko. Kahit lagi akong kasama nila Cheska at Diana ay feeling ko hindi parin ako ligtas.
Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yung tila bang may tinatakbuhan kang malaking problema.
Exam na namin, hindi ako ganoon nag review dahil sa tutuosin wala na akong gana sa pag aaral o kahit saang bagay. Tinake ko ang exam namin at ginamit lang ang stock knowledge ko. Kahit papano ay may mga natatandaan naman ako, hindi nga lang ako sigurado sa iba. Pero ayos na yon wala din naman akong paki sa kakalabasan ng resulta. Mayroon kaming isang linggong bakasyon pag ka tapos ng exam kaya nakapag pahinga ako. Di na din bumalik si papa dito sa bahay, iniisip nga ni tita na lumipat kami kung sakali pang bumalik yung kumag na yun.
Nasa bahay lang ako buong bakasyon. Sila Cheska at Diana naman ay pumunta sa mga kamag anak nila. Si tita naman ay may pasok parin so ako lang ang naiiwan dito sa bahay. Wala naman akong ibang gawin kundi matulog at mag Cellphone.
Maya maya ay naisipan kong mamalengke at mag luto ng hapunan namin ni tita Irene.
Namili ako ng mga ingredients para sa pag luto ng Sinigang na baboy. Nang matapos akong mag luto ay dumating si tita Irene galing trabaho. Call Center si tita Irene kaya minsan madaling araw sya aalis at uuwi na din ng gabi.
Nag kwentuhan lang kami sa hapag at pinag plaplanuhan naming mag outing dahil na promote sya sa trabaho kaya tumaas ng kaonti ang sahod nya. Wala naman kaming ganoon ka problema financially kasi dalawa lang kami at hindi naman ganon kataas ang kuryente at tubig namin, tapos yung groceries umaabot ng 1 buwan. Nag iipon din si tita Irene para sa pang college ko. Malapit na kasi akong grumaduate 2 years nalang. Simula dati pa ay U.P na talaga ang gusto kong kolehiyo, susubukan ko din makakuha ng scholarship para hindi ganoon kabigat sa bulsa ni tita.
Pag ka tapos namin kumain ay nag insist si tita Irene na sya na daw ang mag hugas ng pinag kainan namin since ako naman ang nag luto. Pag ka tapos non ay umakyat ako sa kwarto ko at naligo. Pag ka tapos non ay tinignan ko ang mga announcement sa G.C kung meron pang ipapagawa saaming mga officers. Tinignan ko din ang G.C namin nila Diana nag uusap sila at nag sesend ng mga pictures nila na nasa bakasyon.
Sila Diana ay nag family swimming. Sila Cheska naman ay nasa probinsya ng mga magulang nya.
Nanlambot ako bigla ng isend ni Cheska ang picture nila ng papa nya.
Nakakainggit. Kung matino lang si papa ay maayos kaya ang buhay ko ngayon? I mean, okay lang naman saaking mag isa kahit hindi naman ako totally na mag isa dahil kasama ko si tita Irene. Pero iba parin yung kompleto kayong pamilya no? Yung may nanay ka na mapapag sabihan mo ng mga problema mo at may tatay ka na nandyan para tulungan ka sa mga bagay bagay. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko mararanasan 'yon. Kaya kong mag isa, kakayanin ko.
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Ficção AdolescenteLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.