" Hi! Group 4 ka? Ka groupo tayo!" Sabi nung babae sa likodan ko.
"Oo group 4 ako. Anong gagawin?" Tanong ko sakanya at ngumiti ng tipid.
Inikot nya ang upuan para maging circle kami.
"Ako nalang mag susulat sa manila paper." Sabi nya habang nag susulat sa 1/4 na papel.
"Ikaw nalang siguro mag research about sa topic tapos hatiin natin sa apat tig iisa tayo ng ieexplain at babasahin. Ano sa tingin mo?" Tanong nya sakin. Nakatingin lang sila sakin kaya medyo nailang ako.
"Oo, sige pwede na 'yon." Sabi ko. May reporting kasi kami sa Filipino, nag plano lang kami ng gagawin.
Naninibago ako sa sarili ko dahil bakit hindi ako komportable gumalaw.
Hindi naman ako dating ganto. Feeling ko pag gagalaw ako ay may masasagi akong babasagin, ganoon ang pakiramdam. Malaki din siguro ang naging epekto ng pang bubully sakin sa dati kong eskwelahan. Matagal tagal na 'yon pero pag naalala ko ay nanlalamig ang katawan ko at pinapawisan ako ng malamig.
Gustong gusto ko makahanap ng kaibigan para di kona maalala ang nangyari sakin noon at para may kasama din ako at karamay. Kaso ay natatakot padin ako mag tiwala sa iba. Sa panahon kasi ngayon ay mahirap nang makahanap ng mga kaibigan na totoo, sa highschool kasi ay uso ang pang babackstab at ayaw ko naman ng ganon kaya nag iingat ako.
"Add kita sa facebook ha, gagawa ako ng GC dun nalang din tayo mag usap." Tumayo na kaming lahat at binalik ang mga upuan namin sa dati.
Pagka tapos naming mag plano sa gagawin naming report ay nag announce ang teacher namin para sa botohan ng mga officers
Tinawag ang isa naming ka groupo kanina para mag sulat sa board ng mga nominees, Sarmieto pala ang surname nya nalaman ko nung tinawag sya ni ma'am. Matangkad sya kaya sya ang pinag sulat sa white board.
"Any nominees for Luna Eunice Lucero?" Tanong ni ma'am. Marami rami din ang nag taas ng kamay marahil ay nag huhula nalang sila kung sino ang magiging officers.
"Naks, dami nag taas ng kamay. Boboto kita!" Sabi ni Cheska
Nasama ako sa mga nanominate para sa mga officers at nanalo as Vice President. Ayaw ko din naman maging president dahil dagdag responsibilidad lang at mga gawain kaya okay na ako sa pagiging VP, pero may responsibilidad parin itong panalitihing maayos ang classroom.
Nag ring na ang bell para sa recess kaya naman nag si tayuan na ang mga kaklase ko para pumunta sa canteen.
"Sama ka? Canteen? Wala akong kasama e." Sabi ni Cheska sakin at nag pout pa.
"Pasensya kana, may baon kasi ako. Mahal ang pag kain sa canteen." Sabi ko sakanya at ngumiti lang. Gusto man syang samahan kaso ay tinamad din ako.
Dumating ang nga sumunod na araw at naging maayos naman ang school ko. Ngayong araw ay sabado kaya nag laba ako, maaga ako nagising ngayong araw dahil madami akong gawain tuwing sabado. Pag katapos ko mag laba ay nilista ko ang mga kailangan bilhin na school supplies. Naligo ako at nag bihis. Kaagad akong pumunta sa palengke at namili ng mga bibilhin, isasabay ko din ang pag bili ng ulam namin ngayong gabi. Kaming dalawa nalang sa bahay dahil si papa ay wala na mas okay na sakin na di ko sya nakakasama at nakikita.
Bumili ako ng mga manila paper, cartolina, pentel pens at bumili nalang din ako ng papel at ballpen para sa akin.
Pag ka uwi ko sa bahay ay nag handa na agad ako ng mga kailangan sa lulutiin ko. Hinugasan ko ang baboy at nag hiwa ng bawang hinanda ko nadin ang toyo at suka dahil mag luluto ako ng Adobong baboy.
Pag katapos ko mag luto ay nag handa na ako sa hapag.
"Kamusta school mo Luna?" Tanong ni tita sa hapag kainan.
"Okay lang naman po." Maikling sagot ko. Kaming dalawa lang ni tita ang laging mag kasama parati nya din ako tinatanong tungkol sa araw ko.
"Mag bibigay ako ng allowance mo ngayong linggo ha, iiwan ko nalang dyan sa lamesa. Maaga ako papasok bukas." Sabi nya bago tumayo sa hapag at nilagay ang plato sa lababo.
"may assignment kaba? Kamusta school nyo? Maayos kaba? May mga kaibigan kana ba?" Sunod sunod na tanong ni tita saakin. Alam kong gusto ako ni tita makahanap ng kaibigan para hindi ako magisa sa school. Gusto ko din naman 'yon pero hindi na kadali saakin ang humanap ng kaibigan na makakapag katiwalaan.
"Ayos lang tita, may classmate naman ako na kinakausap ako at maayos ang pakikitungo saakin. Binoto pa nga nila ako as VP eh." Sagot ko at ngumiti sakanya.
Pag ka tapos naming kumain ay nag hugas na ako ng plato at nag half bath.
Ginawa ko na din ang mga assignment at gaya nga ng na pag usapan namin sa groupings ay ginawa ko na.
Kinabukasan ay P.E namin kaya nag suot ako ng jogging pants at white na t-shirt. Ayoko nang bumili ng uniform dahil gastos lang naman. Kinuha ko ang pinapadalang bola saamin at umalis na sa bahay.
Pag ka dating ko sa room ay ang onti palang ng tao. Pumunta ako sa locker ko at nilagay ang mga libro at iba ko pang gamit. Nag lagay din ako ng extra t-shirts sa locker ko para may extra ako.
Nag simula na ang klase namin. Medyo kinakabahan pa ako sa report namin pero naaral ko naman na kaya reading ready ako.
Pag katapos ng ilang subject ay P.E na namin. Bago ako pumunta sa court ay nag hugas muna ako ng kamay. Habang nag huhugas ako ng kamay ay may narinig akong nag sasalita.
"Sigurado kaba? Nakita mo sya?" Rinig ko. Boses ito ng babae na parang familiar..
"I already told you Sheena. Im not sure pero nakita ko syang pumasok dito.." Kalmadong sabi nung lalaki.
Sinubukan kong sumilip. Dahan- dahan akong sumilip. Nagulat ako ng makita ang mukha ng babae, nanigas ang katawan ko na para bang nakakita ng multo. Dahan-dahan akong umatras papalayo.
Nagulat ako ng may ma-bunggo ako.
"Lucero! Hanap kana ni sir! Ang tagal mo raw di pa kami nakakapag start hinihintay ka namin!" Sigaw ni Sarmiento. Humawak sya sa balikat ko.
"Ayos ka lang ba parang nakakita ka ng multo?" Sabi nya. Kaagad ko namang tinakpan ang bibig nya at nag lakad na kami papalayo.
Nanginginig ako. Nanlalamig at hindi mapakali. Hindi ako makapaniwala na nandito din sya. After 2 years ay nag kita ulit kami. Pano nangyari 'yon? Nag transfer ba sya para sundan ako? Bakit.. bakit sya nandito? Malayo na tong school na to sa dati naming school.
Hindi ako maka focus ng maayos sa P.E namin. Nag flaflasback lahat ng nangyari sakin dati sa dati kong school.
"Miss, Lucion. Sigurado kabang ayos kalang? Mag break ka muna ng 10 minutes don sa bench." Sabi ni Sir. Kaagad naman akong pumunta sa bench di pading mapigilang isipin si Sheena.
Nanlalamig ang katawan ko lalo at nag simulang manginig ang mga kamay ko naiiyak ako na hindi maintindihan.
Pumunta ako sa C.R mayroong hugasan ng kamay doon. Doon nalang ako nag hilamos ng mukha para ma hismasmasan. Ano bang nangyayari sakin? Nahihirapan ako huminga nanginginig ako na gusto kong umiyak. Hindi ako mapakali.
May kaklase naman ako na nag hugas rin ng kamay kaya umakto ako na ayos lang.
Pinipigilan ko maiyak at manginig. Gusto ko nalang umalis doon pero para bang napako sa sahig ang mga paa ko.
"Miss, ayos kalang? Namumutla ka." Sabi nung babae sabay turo sa bibig ko.
"A-ayos lang.." maikling sabi ko.
"Oh, eto. Candy pang pa kalma." Nilahad nya ang mga kamay nya saakin at ngumiti.
Agad ko namang kinuha iyon at ngumiti. Umalis din sya maagad lag katapos noon.
YOU ARE READING
Until Our Next Eclipse
Teen FictionLuna Eunice Lucero, a student in high school, was subjected to bullying and abuse. Her mental health is impacted by that. She had likewise been betrayed and despairing. Until she met someone who gave her newfound hope and enabled her to heal.