18

4 0 0
                                    

"Nakapag take kana?" Tanong ni Sol.

Andito kami ngayon sa kwarto ko. Ako ang nasa kama at sya ang nasa sahig. Nag latag lang si tita ng foam doon.

"Sabay tayo nag take, Sol." Sabi ko sakanya habang nag cecellphone.

"Ikaw ang panget mo ka sleepover no?" Sabi nya nagmamaktol na parang bata.

"Ano nanaman ba yon? Do your own work." Sabi ko sakanya at tumalikod ng higa sakanya.

"Ah, manood tayo movie!" Sabi nya at tumalon sa kama ko ng paulit ulit

"Sige na, sige na!" Pag pupumilit nya.

Kaagad naman akong tumayo at inayos ang T.V. maliit lang T.V ko sa kwarto dahil ako lang naman ang gagamit.

Binuksan ko ang cabinet na puno ng mga C.D

"Oh, ayan mamili ka." Sabi ko at umatras para makapili sya ng pipiliin na C.D

"Uy! Eto Eerie nakakatakot." Sabi nya at nag kunwari parang kinakalabutan ng ibinigay sakin ang C.D

Nang iilagay kona ang C.D ay bigla syang nag salita.

"Luna, parang may kulang..." Sabi nya at ngumiti sakin.

Pumunta kami sa kusina para mag luto.

Nilabas lang namin ang popcorn at sa cabinet at fries sa freezer.

"Ako na mag luluto." Pag prepresinta nya.

"Wag na, masira mo pa bahay namin eh." Sabi ko naman at hinawakan na ang kawali at nilagyan ito ng mantika.

Una kong niluto ay popcorn dahil hindi nito kailangan ng madaming mantika. Tyaka ko isinunod yung fries.

Pag ka lagay ko ng fries ay nag si-talsikan ito dahil galing pang freezeer. Napaatras ako ng matalsikan ako sa kamay.

"Aray.." sabi ko ng mahina.

Agad namang napatingin si Sol sakin na gulat.

Natawa naman ako dahil puno pa ng popcorn ang bibig nya at nanlaki ang mata.

"Sige, ubusin mo yang popcorn. Pag akyat natin sa taas wala na tayong kakainin." Sabi ko sakanya habang nakahawak sa kamay ko pinipigilan matawa.

Kaagad nyang kinuha ang kamay ko at itinaas ang sweater ko para hugasan ang kamay ko sa lababo.

Kinabahan ako dahil baka makita nya ang mga marks ko.

Kaagad kong binawi ang kamay ko at sinabing

"Okay lang ako! Di naman ganon kasakit eh, ang O.A amputiks." Sabi ko at pinunasan ang kamay ko ng tuyong basahan.

Bumalik ako sa pag luluto. Ang hirap mag luto pag may patay gutom sa tabi mo.

Kukuha pa sana sya ng popcorn ng paluin ko ang kamay nya.

Bago kami umakyat ay nag hugas muna sya ng mga pinag gamitan namin.

Pinatay nya ang ilaw at binuksan ang aircon. Baka daw kasi pag pawisan sya sa takot, kapal talaga ng mukha.

Tumabi na sya sakin sa kama at nag lagay lang kami ng maliit na study table sa kama at doon namin nilagay ang mga pag kain at drinks. Kakasimula palang ng movie ay nag kumot na sya ng comforter.

"Ah! Tangina mo erika!" Sigaw nya sa pinapanood namin.

"Ayaw ko na, Luna. Mama ko!" Sigaw nya.

Hindi ko sya pinapansin at tuloy padin sa panonood.

"Manahimik ka nga dyan, magising pa si tita Irene sayo eh." Sabi ko naman sakanya.

Agad naman syang umayos ng upo.

"Kaya ko 'to!" Bigkas nya.

Nag tuloy tuloy lang ang movie ng sa makatulog ako, ilang beses ko na din napanood tong movie na to kaya hindi na ako masyadong natatakot.

Tanghali na ako nagising baka siguro napuyat ako.

Pag gising ko ay wala na si Sol sa tabi ko. Nakaligpit na din ang hinigaan nyang foam.

"Umalis na sya.." sabi ko habang nakaharap sa ceiling ng kwarto ko.

Nag ligpit ako ng hinigaan ko at nag suklay bago bumaba.

Habang pababa ako sa hagdan ay may narinig akong nag tatawanan.

It was Sol and tita Irene.

"Grabe nga po nakakatakot yung pinanood namin kagabi, buti hindi kayo nagising. Pasensya ho." Sabi ni Sol.

"Ano kaba ijo ayos lang, kahit rin naman ako ay napapasigaw pag nanonood ng mga horror horror na yan." Nalipat ang tingin sakin ni tita Irene ng makita nya ako.

Nagluluto sila ng tanghalian.

"Oh, ayan na pala sya." Sabi ni tita Irene

Tumingin naman sa gawi ko si Sol at lumiwanag ang kanyang mukha.

"Hi, Luna. Nag luluto kami ng tanghalian, sinigang. Favorite mo daw." Sabi ni Sol.

Tinutulungan nya si tita mag hiwa ng mga kung ano-ano

Habang si tita naman ay nag tatanggal ng mga kangkong

"Akala ko umalis kana e." Sabi ko sakanya

"Di ako aalis ng hindi nag papaalam, Luna." Sabi nya at nagpatuloy sa pag hihiwa.

Habang si tita Irene ay nag luluto ay ako naman ang naghuhugas ng mga pinag gagamitan nila. Habang si Sol naman ay nag aayos na ng hapag.

"5 minutes, luto na to." Sabi ni tita Irene.

Pag ka tapos naming kumain ay nag prisinta si Sol na mag hugas ng plato.

Pag ka tapos nyang makapag hugas ay nag paalam na din sya kay tita Irene na uuwi na sya.

"Thank you for having me here tita." Sabi Sol.

"Alis na ako luna, mag ingat ka ah. Tawagan mo lang ako pag may problema."

Until Our Next Eclipse Where stories live. Discover now