7

26 3 0
                                    

  "Only those who dare to fail greatly can ever achieve greatly." 
―Robert F. Kennedy   



Palabas ako sa isang kilalang company at nag-try mag-apply dahil may hiring daw sabi ni Seventh. Yes, ganoon na kami ka-close para i-inform niya ako kung may alam siyang company na nangagailangan ng empleyado. Mahigit tatlong buwan nadin simula nang magka-kilala kami pero masasabi kong close na talaga kami bilang magka-ibigan. Hindi ko nga alam sa kaniya kung nararamdaman niyang may gusto ako sa kaniya o pinagsasawalang bahala nalang niya.

Alam niyo yung feeling? Yung pinipigilan mo yung sarili mo na mas ma-fall sa isang tao para hindi masira pagkaka-ibigan niyo?

Nasa labas na ako ng company at nag-aantay ng taxi para dumiretso sa isang coffee shop nang may tumawag saakin.

"Kell!" Ba't andito si Seventh? May imi-meet kaya?

"Oh Seventh? Anong ginagawa mo dito? May imi-meet ka?"

"Wala, pinuntahan talaga kita dito besides, lunch break na namin at 12 na. Kamusta pala ang paga-apply mo? Tanggap ba?"

"Oo!" Nagtiti-tili at tumalon-talon pa ako pagkasabi. Yung tipong batang excited na excited.

"Really?! I'm so happy for you!" Sabay yakap at buhat na nya sakin. Kung iisipin at titignan mukha kaming couple pero hindi, gusto ko man mangyari yun pero mukhang malabo.

"Let's go, I'll treat you. Mag-celebrate tayo dahil may trabaho ka na din sa wakas."

"Parang baliktad, diba ako dapat manlilibre dahil ako ang natanggap sa trabaho?"

"Ayaw mo ata? Pero okay na din yun para makatipid ako."

"Ito naman, hindi mabiro. Saan ba tayo kakain?" Nauna na akong sumakay sa sasakyan niya habang siya tatawa tawa habang iiling-iling.

Pagka-start niya ng engine nagtanong siya kung saan ko gusto kumain at sinabi kong okay na ako sa Mang Inasal para extra rice pero tinawanan lang niya ako.

"Anong mali sa sinabi ko?" 

"Wala. Takaw mo talaga." Sabay gulo ng buhok ko. 

"Wag naman yang buhok ko Bes, ang tagal kong kinulot yan."

"Maganda ka naman na kahit straight o di kaya walang arte yang buhok mo."

"Sinasabi mo lang yan dahil tanggap na ako sa trabaho."

"Ba't ang galing mo manghula?"

"Ang sama mo!" Sabay hampas sa braso, katulad nga ng sabi ko libreng chansing na din ito.

"Huwag mo namang himasin braso ko Bes. Pahalata ka naman masyado." Pinaghahampas ko ang loko, ang galing kasing manghuli.

"Kapag tayo nabunggo baka di na tayo magkatuluyan, bahala ka diyan." Hala siya mga bes.

"Saan ka humuhugot ng lakas para sabihin yan?"

"Sayo." Tumingin siya saakin sabay kindat. Iba talaga yung dating ni Seventh kahit ang liit na bagay ang gawin niya iba yung hatid na kilig saakin.

Mga ilang minuto din nakarating na din kami sa Mang Inasal at agad na pumila sa counter. Makikita mo na ang ilang mga babae ay napapatingin sa kasama ko, naka-white na long-sleeve polo na itinupi hanggang siko, naka-pants na itinupi sadulo at naka-rubber shoes. Kung si kuya pumapasok ng naka-black shoes si Seventh hindi. Yung parang pormahan ba kapag pumapasok sa opisina.   

Yung babaeng nasa counter naman kung makatitig kay Seventh parang ngayon lang nakakita ng poging anghel. 

"Good Afternoon, Sir! May I take your order?" 

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon