17

3 1 0
                                    



Hindi ko alam kung paano ka haharapin mamaya si Seventh. Susunduin niya raw ako after ng work ko. Simula kagabi mas lalo pang naging sweet saakin si Seventh. Parang dati pangarap ko lang na mapansin niya ako ngayon sobra sobra pa.

Expect the unexpected ika nga nila. Maraming pwedeng mangyari na hindi mo inaasahan. Katulad nalang ng nangyayari saamin ni Seventh ngayon.

Ibinalita ko agad sa mga alagad ko na nagdate kami pero hindi ko na sinama sa kwento ko ang paghalik saakin ni Seventh. Ang mga loka-loka hindi nagkanda-ugaga. Naggroup call kasi kami at hindi matinag sa kilig si Dex. 

Tuwing naalala ko ang nangyari kahapon lagi nalang nagiinit ang mukha ko, siguro dahil sa kilig o sa hiya.

Napagplanuhan rin ni Mama na sa bahay daw dapat mag-dinner mamaya si Seventh. Kahit ayoko mas pinagpilitan ni Mama ang gusto niya. Si Kuya naman okay lang sakanya na nagd-date kami ni Seventh dahil may tiwala raw siya saaming dalawa.

"Ms. Javier, are you with me?"

"S-sir?"

"Check my schedule. Do I have meeting for this afternoon?"

Mahinahon pero may pagkakadiin sa bawat pagbanggit niya ng mga words. Siguro napapansin niyang lutang ako ngayon. Hindi niya naman ako masisisi, dahil kay Seventh kaya ako nagkakaganito.

Agad kong tinignan ang planner kung may meeting or kung may pupuntahan siyang event pero wala. Free siya para sa ngayong hapon. Kaninang umaga kasi dalawa ang meeting niya at magkasunod pa kaya for sure pagod siya.

"Accompany me later, then."

"Sige po, Sir. Pero saan po?"

"Why you have so many questions? You'll see later."

"Baka po kasi malayo. May importante po kasi akong gagawin mamaya."

"You are my secretary and I'm your boss so stop complaining."

"Yes, Sir."

Hindi naman ako nagrereklamo, nagtatanong lang. Baka kasi mamaya gabihin kami, susunduin pa naman ako ni Seventh.

Lumabas na ako sa office niya nang wala na siyang sasabihin at baka mamaya magalburoto pa siya.

Mga bandang 1 nang bigla siyang lumabas at ang hawak lang ay cellphone niya. Inayos ko na agad ang mga gamit ko dahil alam kong aalis na kami.

"Let's go, Ms. Javier."

"Yes, Sir."

Pagdating namin sa parking lot sa may passenger seat ulit siya dumiretso at binuksan ang pinto. Kahit naguguluhan ako pumasok pa rin ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatakot sa inaakto ni Mr. Rusuello. Napapaisip ako kung bakit iba ang mood niya kanina sa ngayon.

Kahit masungit at laging beast mode si Mr. Rusuello mahahalata mong gentleman pa rin siya. Sa tindig, pananamit, pananalita, paglalakad, mahahalata mo talagang may kaya at anak mayaman. Makikita mo sa aura niya na masungit at parang walang pakielam sa paligid pero andoon pa rin sa aura niya na marunong rumespeto sa babae at hindi tulad ng ibang lalaki na walang pake.

Ang manly niyang tignan, tipong may narating na at naabot na ang pangarap kaya siguro kahit ang mga empleyadong babae sa company niya pinagpapantasyahan siya. Kahit ang ibang babae na madadaanan namin napapatingin at napaptitig. Ang iba naman sinusundan pa siya ng tingin.

Sabi nga ng mga babaeng wais; We don't need boys, we need men. Siya 'yong perfect fit para sa pangarap ng isang babaeng wais.

Tuloy tuloy lang kami sa pagb-byahe at walang imikan. Siguro mga nasa 10 minutes na kaming bumabyahe.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon