5

34 5 0
                                    

 "Do not compare love in your past, it may lead you to a cross roads where you do not know what to do or where to go."   




Andito ako ngayon sa kwarto ko at parang baliw na kinikilig. 5 days na kasi mula ng magkakilala kami ni Seventh at hindi padin maalis saakin yung kilig. Pati nadin yung spark na ako lang ata ang nakaramdam kasi hindi naman siya nag-react man lang.

Para akong teenager na pinansin ng crush niya. Hindi ko alam kung bakit ganun kalakas ang epekto niya saakin. In love na ba ako? Ano 'to? Love at first sight? Pero hindi naman yun malabong mangyari. Pero hindi kasi ganito yung naramdamn ko sa dating mga nagustuhan ko. Hindi ako ganito kakilig, hindi rin ako ganito kapag iniisip ko siya.

Masyadong na-occupied ni Seventh ang utak ko kaya hindi ako makapag-isip ng maayos, pati rin kanina habang nagdi-dinner kami nila Mother Dear at Kuya. Napuno ko na pala yung pinggan ko ng kanin at ang weird kasi lamon lang ako ng lamon na wala man lang ulam. Ganang gana pa ako kumain. Tinanong pa nga ni Mama kung gusto ko daw ba ng ulam at ang sabi ko;"Kagwapuhan palang ni Seventh ulam na."  Wala naman kasi ako sa sarili nung sinabi ko yun kaya hagalpak ng tawa si Kuya.

Nakakahalata na nga si Kuya na gusto ko si Seventh. Totoo din nemen kese. Kell! Yang dila mo bumabaluktot nanaman. Seventh naman kasi ba't kasi ganito ka magpakilig kahit wala ka namang ginagawa?!

Birthday na bukas ni Kuya at excited na ako ng sobra. Inimbitahan daw kasi ni Kuya si Seventh at hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung anong isusuot ko bukas. Gusto ko sanang bumili ng bagong dress kaso sayang sa pera. Nagkalkal ako sa cabinet ko kung may mga nakasabit pa bang matitinong dress ko and so far may nakita naman ako. Isang tube dress na hindi lalagpas sa tuhod ko. Simple lang siya pero eleganteng tignan, ito pa ata yung sinuot ko nung debut ni Nicole.

Sinukat ko siya dahil baka hindi na kasya saakin at tama nga ako, hindi na ako makahinga sa sikip. So I tried the blue one. At sumakto naman siya. Ito na ang isusuot ko sa party ni Kuya.

Natatawa nga ako kay Kuya dahil ayaw niyang gumastos para sa birthday niya pero dahil makulit kami ni Mama napapayag namin siya. Dahil party nga, nag-renta si Kuya ng isang bar na para lang saamin. For sure madami siyang inimbitahan dahil ang nirentahan daw niyang bar ay isa daw sa pinakamali dito so ibig sabihin madami talaga. Baka inimbitahan din niya yung mga dati niyang ka-batchmates at baka hindi lang mga ka-department niya ang inimbitahan niya.

Napag-isipan ko ng matulog pero hindi talaga ako makatulog, paikot ikot ako dito sa kama. Hindi ko alam kung epekto ba 'to ni seventh o sadyang hindi lang ako makatulog.

Halos isang oras na akong nakapikit pero ang diwa ko buhay na buhay padin kaya kinuha ko ang laptop ko para mag-fb muna. Habang nagi-scroll ako sa newsfeed ko may napansin akong picutre ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali si Seventh 'to. Gusto ko sanang pusuan kaso baka makahalata siya kay ni-like ko na nalang. Friends pala kami? Pero ba't hindi ko siya napapansin dito sa fb dati?

Nakatitig lang ako sa picture niya dahil ang pogi pogi niya. Kaka-change lang niya ng DP niya pero ng dami dami ng likes at comments. Famous pala si Bes.

"Ba't kasi ang hot mo Seventh ko? Ko? Pagmamay-ari ba kita? Hindi diba? Ayan tuloy ang daming nagkakagusto sayo." Kausap ko na 'tong dp niya. Nababaliw na ata ako. Sinave ko muna yung pic niya dito sa laptop ko at ginawa kong wallpaper para naman tuwing bubuksan ko 'tong laptop ko mago-good vibes agad ako.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon