18

3 1 0
                                    


Nanatili lang ako nakaupo sa puwesto ko nang lapitan ako ni Mr. Rusuello at umupo sa kaninang inupuan ni Sister Jody.

Bakas sa mukha ni Mr. Rusuello na napagod siya pero halata rin na nageenjoy siya.

Tinignan ko kung anong oras na sa wrist watch ko at quarter to 2 na. Hindi ko alam kung hanggang anong oras pa kami dito.

"Don't worry, we'll be home before 6."

"Okay po, Sir."

Ang tahimik naming dalawa parang nawala sa vocabulary ni Mr. Rusuello ang magsungit. Tumingin ako sakanya pero sa mga bata siya nakatingin habang nakangiti.

"Sir?"

"Yes?"

"Bakit ang lapit niyo sa mga bata dito?"

Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Matagal na akong tumutulong sakanila. Ang iba nakita ko na kung paano lumaki."

Nakakamangha na magaling na nga siya sa ingles pero mas magaling siya magtagalog. Nakaka-amaze siya. Mas pogi siya kapag nagsasalita ng tagalog.

"Bakit niyo naisipang tulungan ang orphanage na ito?"

Nagbago ang ekspresyon na makikita sa mata niya, kanina masaya ngayon parang biglang lumungkot. Bakit ko pa ba kasi tinanong?

"My father brought me here when I was 10 and that was the time I felt that I'm also like them. So, I made a promise to myself that when I graduated to college and when I'm able to make money I'll help this orphanage. Aside from my father who's already helping them I want to help them also but with my own money."

"Hindi ko kayo nag-gets, Sir."

Tumawa siya ng mahina at lumingon ulit saakin.

"I was also 10 back then when my mother cheated on us. She left us without saying a word and decided to live with her new husband and child."

Hindi ko aakalin na nago-open saakin ngayon si Mr. Rusuello lalo na at wala sa itsura niya ang pagusapan ang mga ganitong bagay. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

Parang si Papa lang pala ang mommy niya, pareho kaming niloko. Pero ang Mama niya ang nangiwan sakanila. Kami kasi ang nangiwan kay Papa pero hindi ba dahil sa ginawa ni Papa siya lang rin ang nangiwan saamin. Ang malala 13 years niya kaming niloko.

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil kahit ako hindi ko alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko ngayon. Parehas lang kami na nasasaktan ngayon ni Mr. Rusuello. Hindi man niya sabihin pero ramdam ko, nakikita ko sa mga mata niya.

"But her child and I are okay. We're able to see each other whenever we wants."

Kami kaya? Kung nakilala ko siguro 'yong anak sa labas ni Papa, magiging okay rin kaya kami?

"Good for the both of you po. Siguro kasing pogi mo rin, Sir."

Paglilihis ko ng topic ng beri beri light. Narinig ko nanaman ang tawa niya.

"She's a girl and already a woman."

"Ay. Sorry, Sir. Akala ko lalaki rin."

Pareho kaming natahimik at tumitig ulit sa mga bata.

"Sir? Kaya ba naisipan mo silang tulungan kasi nafi-feel mo rin 'yong pain nila? Kasi pareho kayong iniwan?"

"Exactly. I want them to feel the love and happiness even tho it wasn't from their true parents."

"Edi dapat pala, Sir. Ako rin binibigyan niyo ng love and happiness, hindi laging sinisigawan." Tumingin ako sakanya at nakitang nakatitig siya saakin na parang naguguluhan at the same time naa-amaze.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon