"I believe that everything happens for a reason. People change so that you can learn to let go, things go wrong so that you appreciate them when they're right, you believe lies so you eventually learn to trust no one but yourself, and sometimes good things fall apart so better things can fall together". – Marilyn Monroe
Para akong baliw ngayon sa hitsura ko, nagwawalis sa salas habang sisinghot-singhot pa. Yung photo album kasi pinaiyak ako. Dapat talaga sa mga photo album na ganoon sinusunog o tinatapon kaso mahal na ang photo album ngayon kaya tiis tiis muna.
Habang patuloy padin ako sa pagwawalis at pagsisinghot biglang may nagsalita sa likod ko. O to the M to the G! Minumulto ba ako o di kaya'y minamaligno? Halla! Me is so takot na! Chos!
"Umiiyak ka ba Kell?" Tanong ni Kuya. Multo? Aba! Ang pogi naman palang multo nito.
"Hindi Kuya. Ba't naman ako iiyak? Nagpa-practice lang ako, baka sakaling mag-artista nalang ako kapag wala akong nahanap na trabaho. You know, I'm so pretty kasi, we need to accept the fact that I'm so pretty talaga. Yung role ko kasi kunwari ay katulong na inaapi at umiiyak habang nagwawalis." Para na akong baliw sa mga pinagsasasabi ko kay Kuya, ang conyo pa.
"Oh. Okay. Before I forgot, merong hiring bukas sa company na pinagta-trabahuan ko. Try to apply baka makuha ka naghahanap ka pa naman din ng work." Parang wala lang kay Kuya kung sabihin niya pero napakasaya ko na. Magkaka-work na ako!
"May utang akong isa sayo Kuya, lilibre kita sa una kong sahod." I said excitedly.
"Sabihin mo nalang saakin yan kapag tanggap ka na. Manlilibre? How sure are you that you'll be hired tomorrow?" Peste talaga 'tong Kuya ko, imbes na suportahan ako e. Tumalikod na sya kaya itinuloy ko na ang pagwawalis nang bigla nanamang magsalita si Kuya na paakyat na sa kwarto niya, for sure tatawagan na naman niya yung nililigawan niya or girlfriend na niya.
"Before I forgot again, hiring will start at 9 am... Sharp." Alam talaga ng Kuya ko na hindi ako early bird kaya medyo hinuli niya yung word na "sharp".
Okay, magkaka-work na ako. Well, hindi pa naman sure na matatanggap ako bukas pero may plano na ako, dadalhin ko yung ibang paninda ni mama sa work if ever na matanggap ako at doon magbibenta.
Andito na ako sa kwarto ko ngayon, tapos nadin kami kumain ng gabihan at tapos nadin ako maghugas ng mga pinggan. Kinakabahan ako na natatae, ewan ko ba. Excited kasi ako para bukas. Sana matanggap na ako, para naman makatulong ako sa gastusin dito sa bahay.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng company na pinagtatrabahuan ni Kuya. Hindi naman kami magkasabay na pumunta dito kasi maaga ang start ng work nya samantalang ako 9 ang start ng hiring dito.
Nagtanong na ako kung saan ang side ng mga applicants, pagkarating ko nga sa sinabing side ang daming maga-apply, nakakapanghina tuloy kasi feeling ko hindi ako matatanggap sa dami ba naman kasi ng mga gustong mag-apply for sure madami ang magagaling diyan.
Maya-maya, inisa isa na kaming tawagin, habang lumalabas ang ibang applicants na nakasimangot at mukhang nalulumo hindi ko talaga maiwasan na hindi kabahan. Paano kung hindi ako makapasa?
"Kell Javier?" Bigla akong napatingin sa nagtawag ng pangalan ko. Medyo kinabahan ako kasi siya yung kanina pa lumalabas doon sa pinto kapag tumatawag na ng next applicant.
"Ye-yes?" I asked nervously.
"You're the next." She said while smiling at me. She's so beautiful in her innocent face.
