8

19 3 0
                                    



Pasuray-suray akong pumasok sa loob ng company kahit first day ko sa trabaho, hindi ko lang kasi talaga makalimutan yung nangyari kahapon. Feeling ko na-turn off sakin si Ikapito. Nakakaiyak man pero kailangan kong tanggapin na nangyari talaga iyon kahapon. 

Pumunta ako sa information desk para sabihin na ako iyong bagong employee. Nakakapagtaka ay lalaki ang nasa information desk and he's quite handsome  pero mas pogi parin si Seventh ko.

"Hi, good morning." I greeted him and smiled at him. 

"Good morning, Ma'am. What can I do for you?" Like, hell no! He has the set of perfect white teeth. Plus point for me!

"Bago akong empleyado dito..."

Hindi pa ako tapos magsalita ng agad niya sinagot yung tanong ko.

"Yes, Ma'am. Mr. Rusuello informed me to lead you to his office as soon as you arrived."

Para namang VIP ako, bagong empleyado lang naman ako. Iba sya, iba!

"Thank you!"

"No problem, Ma'am."

"Kuya, will you please drop the formality?"

"Sure, Ma'am I mean...?"

"Kell." Iniabot ko sa kaniya ang kamay ko para makipag-shake hands.

He's Dexter, by the way.

"This way, Ma'am."

Sumunod naman ako sa kaniya and habang naglalakad kami papunta sa elevator hindi ko mapigilang hindi ilibot ang mga mata ko sa loob ng company, ang bongga kasi. Sosyaling company ites! Ka-level nito iyong company na pinagta-trabahuan ni Kuya.

Iyong elevator nila mga bes, iba! Lakas makasalamin pati yung flooring. Paano kaya yung mga babae naka-pencil skirt like me. What?! Bigla akong napatingin kay Dexter kung nakatingin ba sya sa baba pero diretso lang ang ang tingin niya. Dahil sa curious nga talaga ako tinanaong ko na siya.

"Dexter, pwede magtanong?" Bigla naman siyang tumingin saakin at ngumiti. God! I saw his perfect set of white teeth again.

"Sure, what is it?"

"Paano yung mga empleyadong babae na naka-pencil skirt tulad ko na sumasakay sa mga elevator, nakikita yung mga ppanloob nila?"

"No, Ma'am."

"Ha? Bakit hindi?"

"Because this one is the only elevator has this kind of flooring."

Ang labo, nasagot niya ba tanong ko? Hindi naman.

"Why and pwede bang magtagalog ka?"

"Para sa mga VIP lang itong elevator na ito and para sa CEO natin."

"Ganern? Daming arte! Bakit ako nakasakay dito kung para lang pala sa mga VIP 'to?"

"I don't know, Ma'am. I'm just following the order of Mr. Rusuello."

Ba't kaya ako napasama rito? Nakakapagtaka.

Nang makarating kami sa floor ng office ni Mr. Rusuello naunang pumasok.

"Good morning, Sir. Ms. Javier is here."

"Let her to come in."

"Yes, Sir."

Lumabas si Dexter at sinabing pumasok na ako pero bago pa siya maka-alis tinanong ko muna kung masungit ba si Mr. Rusuello.

"Just go in and check it for yourself."

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon