11

11 1 0
                                    



Isang oras mahigit na ako nagaantay dito sa coffee shop dahil napagdesisyunan namin ni Aizel na magkita, well, pinilit lang niya talaga ako. Pero dahil sa group chat namin sinabi ni Aizel na magkita kaming dalawa sumama na yung iba kong mga alagad since sunday naman ngayon.

Madami ng mga pogi ang nakiupo sakin pero wala pa rin sila. Charot! Bale maraming pogi na ang dinaanan ako pero wala pa rin talaga sila.

Kaya ayokong umaalis kami dahil for sure ako lang lagi mauuna sa meeting place na pinagusapn namin.

Maya maya pa, dumating na ang isa sa mga alagad ko.

"Sorry, Kell. Traffic kasi." Si Jess na sinusuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri. Traffic? For sure nakatulog 'to sa jeep at nailagpas tsaka bumalik papunta rito.

Hindi rin nagtagal sunod-sunod na ang dating ng mga alagad ko.

"Pangit mo parin, Kell." Sabay irap ni Dex. Ang nagiisang bakla sa mga alagad ko.

"Baka naman. Ako nga crush ng crush mo." Sabay irap ko sakanya at tumawa. Marami pa siyang sinabi na hindi ko maintindihan.

Pare-pareho kaming naiinip dahil sobrang tagal niya.

"Baka naman nagbigti na dahil hindi pa rin siya pinapansin ng Kuya mo?" Sabi ni Lea na pinakaslow sa mga alagad ko.

"May girlfriend na Kuya ko."

Nakita ko naman ang pagkabigla sa mga mata nila. Hindi pa rin nila alam?

"For real?!" Gulat na tanong ni Jess.

"Yah. Di niyo alam?"

"Nope. Wala kang nakikiwento pati na rin si Aizel." Lea with her innocent look.

"Paano na ang kinabukasan ko? Buntis ako!" Echoserang bakla 'tong si Dex. Hindi mo gaano makikita sa kanya na bakla siya. Pero mapapadalawang isip ka. Hindi niya kasi gaano binabalandra ang pagiging bakla niya. Lalaki pa rin naman siyang manamit yun nga lang laging naka-tuck in ang polo niyang lagi ring bulaklakin.

"Mabibigla na sana kami kaso wala kang matres! Pilingerong bakla 'to!" Pambabara naman ni Jess.

"Mas maganda naman sayo." Balik na pangaasar naman ni Dex.

Hindi naman na bago sakin ang mga kaartehan nila sa pangaraw araw na gawain. Minsan nga napapaisip ako kung anong kamalian ang ginawa ko para bigyan ako ng mga kaibigang ganito.

Natagil lang kami sa tawanan ng biglang may magsalita.

"Ang papangit niyo pa rin." Aizel said.

"Ba't ang tagal mo? Kung alam niyo lang na saktong sakto ang dating ko dito tulad ng pinagusapang oras." Inis kong sabi.

"'Wag ka ng magreklamo diyan. Andito na nga kami." Sabi naman ni Lea at inirapan naman ako ng mga alagad ko. 

"Dahil ikaw ang late, ikaw ang manlilibre samin ngayon." Pumapalakpak na sabi ni Dext.

Nagulat kami dahil sa biglaang pagtayo ni Aizel. "Tara na, tayo na diyan."

"Hep! Hep! Manlilibre ka pa!" Hinihila ni Dext paupo si Aizel. Kahit kailan talaga mukhang libre 'tong si Dex.

"Kaya nga! Kaya nga tayo na diyan!" Minsan hindi ko rin talaga maintindihan kung anong trip nitong si Aizel sa buhay.

Lahat kami naguluhan sa sinabi niya at nahalata niya yun sa mga mukha namin.

Umirap siya saamin at parang nanghinayang na naupo ulit.

"Alam kong pangit kayo pero wag niyo naman ipahalata na mga slow rin kayo. Magla-lunch tayo pero kung ayaw niyo okay lang para tipid." Bigla nalang siyang tumayo at lumabas ng shop.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon