10

11 2 0
                                    



"W-what?!"

I couldn't help but to ask with a slight high tone or really in a high tone?

I expected that he will hire me again but not as his secretary again. Not again, oh please!

"Yes. And you will start today." At ibinalik na rin niya agad ang mga mata sa mga papers na hawak niya.

Ganyan ba siya kakampante na papayag ako? Yes, trabaho na ang lumalapit pero baka hindi ko siya matagalan dahil sa pagiging masungit niya. Ni hindi man lang nya ako hinayaang makapagdesisiyon.

"S-sir." I want to reject this one but I can't.

"Yes, Ms. Joven?"

Gusto ko sanang sabihin sakanya lahat ng nasa utak ko pero walang lumalabas sa bibig ko, parang nawala nalang bigla ang dila ko. 

Inisip ko muna na kung hindi ko tatanggapin ang trabaho wala na akong alam na pwede ko pang applyan. Hindi rin agad ako makakaipon at makapagbibigay ng share para sa mga gastusin sa bahay. Kahit stable naman ang work ni Kuya at maganda ang sahod gusto ko paring makapagabot. Maganda rin ang takbo ng negosyo ni Mama pero gusto ko na ako na mismo bumibili ng mga kailanagan ko at hindi na ako nanghihingi pa.

"S-sir? Can I ask a question?"

Bigla niyang binitawan ang mga hawak na papers, tumingin saakin at sumandal sa swivel chair niya. Mas lalo kong nakita ang kagwapuhan ng lalaking nasa harapan ko dahil direkta siyang nakatingin saakin.

Kahit na nahihiya ako ay kailangan kong tanungin kung magkano ang salary ko monthly. Syempre kailangan naman talaga na bago ka tumanggap ng work kasama na doon ang pagtatanong ng sahod. May plano rin kasi akong magmasteral, kaya kailangan ko talaga magtrabaho dahil gusto ko ako na mismo ang magpa-aral sa sarili ko. Alam ko namang kaya akong pagaralin ni Mama lalo na ni Kuya pero syempre kailangan rin niyang mag-save para sa future niya.

"40,000 a month, I'm sure you can't resist my offer."

Bigla naman akong napatitig sakanya na may halong gulat. Masyadong malaki ang 40,000 para maging sahod ko. I mean, oo, executive secretary ako ng CEO pero alam kong hindi ko yun deserve dahil wala naman talaga akong alam sa pagiging secretary. Well, may experience naman ako, kahapon nga lang. 

"Sorry, Sir?"

"It's obvious that you will ask me about your salary. I just answered your question."

Am I that transparent? I asked myself in my mind.

Napalunok ako ng tumitig siya sa mga mata ko mismo, ang lalim ng titig niya, yung tipong pag hindi ka umiwas malulunod ka sa mga tingin niya.

Hindi ako nakapagsalita kaya siya na mismo ulit ang nagsalita.

"So, Ms. Joven. Are you going to accept my offer?"

Maya maya ay tumayo siya at lumapit saakin. Naamoy ko naman ang pabango niya, very manly. Hindi ako nakasagot dahil na-distract ako ng amoy niya at kagwapuhan niya.

"Your silence is screaming for an obvious answer."

Napatitig ulit ako sakanya at magsasalita na sana ng bigla niyang iabot ang kamay niya para makipag-shake hands.

"Welcome to my company, Ms. Joven."

Aabutin ko na ang kamay niya ng bigla niya itong ibaba dahilan para maiwan ang kamay ko sa ere. Napakurap ako ng ilang beses bago ibaba ang kamay ko. 

Nakaramdam ako ng sobrang pagkapahiya at pagkainis kaya ng pagtalikod niya inirapan ko siya at astang sinusuntok siya. Napatigil naman ako ng huminto siya at doon ko lang napansin na malaking salamin na pader pala ang kaharap namin.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon