16

5 1 0
                                    



Nasa loob na kami ng mall at palakad-lakad lang, naghahanap ng pwedeng gawin. Well, hindi ako naboboring kahit kanina pa kami ikot ng ikot dahil siya naman ang kasama ko. Kahit na tumayo lang siguro kami dito sa loob ng mall ready ako as long as siya ang kasama ko.

"Movie?" Bigla niyang tanong habang nakangiting tumingin saakin.

Simple lang ang suot niya, rugged jeans na maong tapos nakapolo na puti, at white rubber shoes. Samantalang nakadress lang ako at nakaflats. Ang lakas pa rin ng dating niya. Hindi ko naman alam kung kanino siya nagmana ng kagwapuhan, kung sa mama ba niya o papa. Wala naman kasi siyang nababanggit about sa family niya.

"Y-yah. Sure."

Pumunta na kami agad sa bilihan ng ticket at tinignan kung anong mga showing na movies. Pareho naming napagdesisyunan na The Fault In Our Stars ang panuodin since pareho naming idol si Shailene Woodley. Bumili pa muna kami ng mga pagkain bago tuluyang pumasomsa loob ng sinehan. Maraming tao na sa loob kaya hirap kaming makahanap ng mauupuan.

Sa may bandang taas kami nakaupo. Hindi pa nags-start ang movie kaya daldalan lang kami ng daldalan.

"Kung alam mo lang kung gaano kasungit si Mr. Rusuello."

"How old is he?"

"Ka-age lang ni Kuya."

"Medyo bata pa pala."

"Yep. Pero parang matanda na kung magalit. Ang sungit niya, sobra." Pagiinarte ko kay Seventh. Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko at nagtatanong rin.

"Anong pangalan niya?"

"Isipin ko lang. Sanay kasi ako na Mr. Rusuello lang kaya nakalimutan ko na first name niya."

Tumahimik ako at inisip ng inisip kung ano bang first name niya.

"Aero! Aero Rusuello!" Tumango tango naman siyab bilang sagot.

Maya-maya nagumpisa na rin ang movie. Una palang ang bigat na sa feeling ng movie para saakin. Ako yung nahihirapan sa sitwasyon niya, laging may dalang oxygen.

Tuloy tuloy lang panunuod ko hanggang sa umabot na sa part kung saan tinawagan ni Gus si Hazel habang nasa Gas station sila.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon