Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mga pagkaing nasa harapan ko. Kahit tignan mo palang parang mabubusog ka na. Ang ganda ng plating, halatang isang magaling na chef ang gumawa.
"Stop staring at the foods and start eating."
Nabawi lang ang atensyon ko dahil sa sinabi ni Mr. Rusuello. Inumpisahan na niyang kumain kaya ganoon rin ako. Parehas lang kami ng kinakain dahil yung tulad ng inorder niya ang inorder ko. Gusto ko man pumili ng iba hindi ko magawa dahil nakakalitong basahin ang mga pangalan nila. Nakakahiya kasing mapahiya sa harap ni Mr. Rusuello.
"You're already 22, right?" Pagkatingin ko sakanya ay nakatutok lang siya sa pagkain niya.
"Yes, Sir."
Hindi ko mapigilang hindi igalaw-galaw ang mga paa ko sa ilalim ng lamesa, naiilang kasi ako kahit hindi naman siya nakatingin saakin. Iba kasi ang dating ng presensya sya.
"How about you, Sir?" Bigla niyang ibinaling ang mga tingin saakin, diretso sa mga mata ko kaya agad kong iniwas mga tingin ko. Para akong hinihigop ng mga mata niya, masyadong malalim.
"What about me?"
"Ilang taon ka na po?" Masyadong madaldal ang bunganga ko, dapat talaga sigurong limitahan ko na ang pagdadaldal ko, nakakabawas ganda ata?
"Interested on me, huh?" nakita ko naman ang pag-ngisi niya at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Hindi lang pala pogi 'tong si Sir, mahangin rin.
"Wow, Sir! Asa ka, Sir!" Hindi ko napigilang ilabas ang nasa loob ng utak ko at nagsisisi ako kung bakit ko pa nai-voice out ang dapat na nasa utak ko lang.
Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagtawa ng kaunti. Pa-demure ba! Ang pogi pogi pogi ni Sir at nakakaasar na ang kapogian niya. Hindi naman na nakapagtataka na pagpasok pa lang namin dito kanina ay may mga ilang babae ang kumikilatis sakanya. Okay lang as long as hindi si Seventh ang kinikilatis nila.
"Marunong ka palang tumawa, Sir?"
"What do you think of me, a robot?"
"Kinda, Sir."
"I'm 29." Out of nowhere niyang sagot. Parang si Kuya lang, malapit na ring mawala sa kalendaryo ang edad.
"Parehas lang pala kayo ni Kuya, Sir."
"May Kuya ka?"
Marunong naman pala magtagalog si Sir pinahirapan pa ako kaka-english.
"Opo, Sir."
"I bet he has work?"
"Yes, Sir. Engineer po siya sa isang company, head po sa department nila."
"Nice."
Pagkatapos ng maikling usapan, itinuon ko na rin ang atensyon ko sa pagkain at sinimulan ulit lantakan. Maya-maya, nakaramdam ako ng pangangati ng lalamunan kaya nagtanong ako kay Sir kung anong klaseng pagkain ang kinakain namin.
"Excuse me, Sir. May prawn po ba 'to?"
"Yes. Why?"
"Allergic po kasi ako. Excuse me po."
Bakit kasi hindi ka man lang marunong magtanong kung anong meron sa kinakain mo, Kell?
Bago ako tumayo papuntang cr uminom muna ako ng tubig.
Pumasok ako sa isang cubicle at pilit na doon ilabas lahat ng nakain ko. Pero wala namang lumabas. Palabas na sana ako ng cubicle nang may marinig akong naguusap na mga babae kaya hindi muna ako lumabas at pinakinggan lang sila. Halata rin sa mga boses nila na mayaman sila.
"Like, omg! He's really hot!"
"I know right. Even he's wearing his tuxedo he's still pogi pa rin."
"Like, yes. What was his name ulit?"
"I forgot his first name pero I'm sure that he's Mr. Rusuello."
What?! Si Mr. Rusuello ang pinaguusapan nila? Wala namang kaduda-duda, siya naman kasi talaga yung tipo ng tao na paguusapan talaga. He got the looks, height, body, wealth, and brain but not the attitude... maybe? But he showed me recently his other side, the easy one. He's somehow talkative and that makes him more hotter. What I was thinking?
"But I don't like the girl he's with. She's not attractive kaya. She's just like one of those normal girls."
Nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko, ako ba ang pinaguusapan nila? Obviously, ako nga.
"Yah. Unlike us, she looks cheap."
Ay aba! Nahiya naman ako sa pagka-conyo nila. Naturingang mga mayayaman hindi man lang marunong ayusin ang mga dila.
Dahil sa asar, hindi ko mapigilang hindi lumabas at tarayan sila.
"Excuse me? Like yah? I might be look cheap but you both are look cheaper kaya. Like, omg! I'm more beautiful than you kaya."
Ginaya ko ang accent nila pati ang conyong pananalita nila. Nakakaimbyerna! Kung andito lang sila Aizel for sure nasa inidoro na mukha ng dalawang 'to.
"Self proclaim? Do you think he's into you? You're not that beautiful kaya and you two are not bagay."
"Really? Then do you think you're bagay with him?"
Lakas makalait ng dalawang 'to, kala mo kagandahan. Kapag nakita sila ng owl mahihiya mata ng owl sakanila.
"I'm more beautiful than you naman. You don't have the body and your pwet is not big!" Sabi naman ng isa. Hala sila. Grabe makalait!
Hindi ako papatalo lalo't alam kong may pwet ako! Mas lamang sila ng yaman pero mas lamang pa rin talaga pwet ko.
"Nahiya naman ako sainyo! Kayo nga wala na ngang pwet at dede wala rin kayong kagandahan sa mukha! Kala mo kung sinong magaganda! Nahiya naman daw si McDonalds sa kapal ng make-up niyo!"
Hindi ko mapigilang hindi sila taasan ng boses, napaka-yabang! May ilan na ring nakatingin saamin kaya kinalma ko ang sarili ko at nag-walk out.
Pagkarating ko sa table namin halos maubos na ni Mr. Rusuello ang pagkain niya.
"Are you okay?" Halata sa mukha niya na nagaalala siya.
"Yes, Sir." Hindi ko na itinuloy ang pagkain ko dahil baka mas lalong lumala ang allergy ko.
"You look... terrible."
Masinsinan niya akong tinignan hanggang mapako ang mga tingin niya sa leeg ko.
"Did you slap your neck?"
"Why would I, Sir?"
Ba't ko naman sasampalin ang leeg ko? Kung 'yong mga mukha nung dalawa kanina mas mabuti pa. Naaasar pa rin ako sa dalawang ulupong na 'yon. Masyado nila akong minaliit.
"Ah. Dahil sa prawn kaya po nagkaganyan leeg ko. Allergic po."
Tumango-tango naman siya. May tumawag sa phone niya at mukhang urgent 'yon kaya tumayo na kami para umalis. Nadaanan naman namin ang table ng dalawang ulupong kaya pinanliitan ko sila ng mata at kita naman sa mukha nila ang pagkairita kaya inirapan ako.
"Gold digger bitch!" Parinig ng isa na kamukha ni Barbie kapag nalublob sa inidoro ang mukha.
"Same as you, psycho!" Hindi ko napigilang hindi siya sagutin. Nakita ko naman na tatayo na sana siya pero pinigilan siya ng kasama niya.
Nang makarating kami sa office, diretso lang si Mr. Rusuello sa office niya at ako naman sa table ko.
Bubuksan ko pa lang sana ang PC nang biglang tumunog ang intercom.
"Go here in my office, now!" Pagalit niyang sigaw.
May nagawa ba ako? Parang kanina lang okay siya, ano ng nangyari ngayon?