Nag-aabang ako ng taxi na masasakyan ko pauwi sa harap ng Company ni Mr. Rusuello nang biglang may humintong sasakyan sa harap ko na sobrang pamilyar saakin.
Bumukas ang pinto sa may driver seat at hindi ko mapigilang hindi mamangha sa taong naglalakad papalapit saakin. Si Seventh.
Gusto ko mang ipakita na kunwari di ko siya nakita para naman chix ako ng konti hindi 'yong pagkakita ko palang sakanya halos maglaway na ako.
Ang gwapo niya sa suot niyang jogger shorts na black at grey vneck shirt, tapos naka-sunnies pa. Ang hot niya.
"Kell! Are you going home?"
"Oo. Ito naman, di mo na ako kailangang sunduin." May pakaway-kaway pa ako ng kamay sa harap niya.
"No. Actually, may hinatid lang ako malapit dito."
Babae kaya 'yon?
"Hindi man lang ako sakyan para naman kiligin ako." Pabulong kong sabi.
"What?"
"Wala. Kako, ba't di ka pa umuwi?"
"Nakita kita kaya naisipan kong ihatid ka pauwi."
"Ha?"
Kahit narinig ko ang sinabi niya hindi ko mapigilang hindi tanungin ulit baka nabingi lang ako.
Ngumiti naman siya at doon ko lang napagtanto na mas gwapo pa pala siya kesa sa inaakala ko.
"Iuuwi na kita kako." Tumatawa niyang sabi.
"Sa bahay mo? Aasawahin mo na ako?" Kinikilig kong tanong.
"Someday. But for now, sa bahay niyo muna."
Hindi ko mapigilang hindi sumigaw sa kilig ng walang boses pagkatalikod niya para pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Para akong nanalo sa lotto kahit hindi naman ako tumataya.
"Sino 'yong hinatid mo?" Hindi ko mapigilang hindi siya tanungin dahil baka mamaya babae tapos pinopormahan pala siya.
"One of my friends." He said with a smile still his eyes were on the road.
"Babae?"
Bakit ba ang dami kong tanong? Masama ba? Hindi naman diba? Curious lang naman.
"Yep."
Kumirot bigla 'tong puso kong maharot. Nakakaasar na bukod saakin may iba pa siyang hinahatid. Pero kaibigan lang naman daw niya pero kahit na.
"Okay."
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa bintana, naaasar ako kay Seventh.
Hindi sapat ang pagpapakilig niya sakin kanina para hindi ako magselos. May feelings rin kaya ako, hindi ako bato.
"Are you jealous?" Napalingon ako sakanya at halatang seryoso ang mukha.
Hindi kaya ako nagseselos. Promise. Selos na selos lang.
"No."
"Really?"
"Yes."
Kailangan kong panindigan ang sagot ko kahit sa loob loob ko gusto ko ng hampasin si Seventh dahil sa paghatid niya sa kaibigan niya.
"Okay." Bigla nalang siyang ngumisi na mas nakapagpaasar pa sakin.
Hindi ko napigilan ang bibig ko dala siguro ng emosyon.
"Oo na! Nagseselos na ako!" Pagkatingin niya saakin bigla nalang siyang ngumiti ng sobrang laki.
Alam naman ni Seventh na gusto ko siya dati pa. Hindi naman niya inilalayo ang sarili niya saakin. Minsan nga napapaisip ako na baka gusto niya rin ako kasi nagbibigay siya ng motibo. Pero baka false hope lang naman talaga? Baka talagang asumera lang ako?
