6

36 4 0
                                    

 "Beauty is whats underneath the make- up not something created by the make- up."




"H-ha? T-tayo? As a c-couple?" Nauutal kong tanong.

"Kidding." Nakangiti niyang sabi. Grabe siyang magpakilig pero grabe din siya manakit.

Masakit kaya diba? Yung moment na sinabihan ka ng taong gusto mo na kayo nalang pero biro lang pala. Napaasa ka ng bongga.

Ngumiti ako sakanya para naman hindi halatang apektado ako. "Sus!" Wala na akong ibang masabi. Parang may bumara sa lalamunan ko.

Wala kaming imikan at tuloy tuloy lang ako sa pagtungga ng San Mig. Naubos ko na yung dalawa kong kinuhang San Mig kaya kumuha ulit ako ng tatlo.

Napatingin saakin si Seventh at mukhang nagulat dahil malakas akong uminom ngayon. Hindi naman talaga ako umiinom, hanggang isang bote lang ako ng San Mig pero dahil medyo nasasaktan ang echosera kong puso  mukhang mapaparami ako ng inom.

"Malakas ka palang uminom?" Ano ba yan! Medyo nakakahiya pero tutal napahiya naman na ako sa sarili ko. Okay na. Assume pa kasi Kell.

"Hindi." Tipid kong sagot at tuloy tuloy lang ang inom ko na parang umiinom lang ako ng tubig.

"Dahan dahan lang baka malasing ka."

"Okay lang." Okay. Balik sa katahimikan.

"Kell, yung phone mo nagri-ring." Sabi ni Seventh. Nakapatong kasi yung phone ko sa may table kaya di ko napansin kung may tumatawag, masyado kasing occupied yung utak ko at dahil parin kay Seventh.

Napatingin naman ako sa phone ko at kinuha ito para sagutin. 

"Excuse me, sasagutin ko lang." Ngumiti siya bilang pagsasabi na okay lang.

Lumabas naman ako ng bar para sagutin yung tawag at para magkaintindihan kami ng Kausap ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag and to my surprise si Aizel ang tumatawag.

"Hello Bakla? Ba't ka napatawag?"

"Nag-start na ba yung party ni Baby Kyle?"

"Yes. Kanina pa. Makakapunta ka ba?"

"Hahabol ako. Tatapusin ko lang 'tong mga papers na isu-submit ko bukas. Wait for me there okay?"

"Okay. Ingat ka sa pag-commute." I ended the call para matapos na niya agad yung mga papers.

Bumalik na ako sa loob ng bar at itinuloy ang pag-inom ko. Andoon padin si Seventh na mukhang walang balak umalis. Napatingin naman siya saakin pagka-upo ko.

"Sinong tumawag?" Napatingin din naman ako sakanya. Interested huh?

"Si Aizel. Friend ko." Napatango naman siya. ba't ganun? Kahit pagtango ang pogi padin?

"Fresh graduate ka diba?" Pag-uumpisa niya.

"Ba't mo alam? Stalker ka no?"

"Sa pogi kong 'to? Admirer kamo."

Ayan nanaman siya sa pagpapakilig. Nakaka-asar naman! Ayan tuloy, bumilis nanaman tibok ng puso ko.

"Hindi ka rin pala mayabang no?" Pagbibiro ko.

"Oo naman. Pogi at hot din." Ay! Ang yabang talaga! Pero totoo naman kasi. Tyaka talaga namang may ipagmamayabang siya.

"Edi ikaw na." Natawa naman siya kaya nahawa nadin ako. Nakalimutan ko na ngang nag-assume ako.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon