"You will never know the true value of a moment until it becomes a memory. Make the most of the moment cos you never know what you have until it's gone." ~Kavana Lewis
Sunday ngayon at nagaabang ako ng jeep para makauwi na. Kagagaling ko lang sa simbahan. Every sunday akong nagma-mass para maglaan ng oras kay Papa God. Nakakapagod palang tumayo sa gitna ng araw. Hindi literally na sa gitna ng araw kaya wag kayong ano diyan! Madami akong kasama na nakatayo at nagaabang ng jeep. Malalim akong nagiisip dahil sa napaginipan ko nanaman yung nangyari dati kagabi. Bakit ko kaya napaginipan ko nanaman? May paparating ng jeep kaya pinara ko na 'to. Nagmamadali akong tumkabo para may maupuan sa jeep. Kaso kung minamalas ka naman talaga, ikaw na nga pumara ikaw pa nawalan ng upuan. Mga bastos! No choice ako, kahit babae ako sumabit ako sa jeep.
Gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako naguumagahan at ngawit na ngawit na ako. Medyo feel ko na sana ang pagsabit ko dito sa jeep dahil sa hangin kaso naalala ko polluted pala ang hangin. Maya-maya napatingin ako sa likod ko habang umaandar ang jeep, ang iba nagtataka kung bakit ako nakasabit sa jeep samantalang babae ako. Sa pagharap ko bigla ba namang may plastic na nakipag-face to face sakin. Badtrip! Tinanggal ko yung plastic na nakasimangot. Sakto namang malapit na ako sa kanto ng village namin. Pagkapara ko inabot ko na yung bayad sa ibang pasahero. Habang naglalakad ako papuntang bahay kung minamalas ka nga naman may asong ewan ko ba kung saan nanggaling. Ayun, tinahulan ako, hindi ko nalang pinansin dahil ayokong makagat kaso sumusunod kaya tumakbo na ako at ayun hinabol ako. Buti malapit na ako sa bahay kaya nakapasok agad ako at sinara agad ang gate. Naloka ako doon, bulldog pa naman din yun, oo! Bulldog!
Pagkapasok ko ng bahay wala akong naabutan sa loob kaya umakyat na agad ako. Magbibihis na muna ako bago ako kumain ng umagahan. Habang nasa kama ako at nagpapahinga bago bumaba hindi ko maiwasang malungkot dahil sa panaginip ko kagabi. Pinipilit kong hindi isipin at maalala kaso bigla bigla nalang papasok sa isipan ko. Nami-miss ko na si Papa pero hindi ko din maiwasang magalit sakanya. Sinayang niya ang pamilya namin. Naiintindihan ko naman si mama kung bakit hindi niya pa magawang patawarin si Papa. Masyadong masakit ang ginawa niya kay mama. Napagisip-isip ko ng bumaba dahil kumalam na ulit ang sikmura ko.
Nakangiti akong bumaba ng bahay para mag-umagahan, ayoko rin kasing isipin nila mama kung anong problema ko kapag nakasimangot akong bumaba. Nakakaasar naman kasi yung panaginip ko kagabi, lakas maka-nightmare. Ewan ko ba kung bakit napaginipan ko nanaman yung pangyayaring iyon. Naloloka ako kapag iniisip ko nga yung mga nangyari noong bata palang ako tapos mapapaginipan ko pa? Aba! Hanep naman!
Pagka-baba ko, naabutan ko si Kuya na naka-upo sa salas habang nagbabasa ng isang libro habang nagkakape. Si mama naman nasa may kusina habang nagaayos ng mga binebentang cosmetics products. Yes! Nagbibenta si Mama, napagtapos niya si Kuya dahil sa pagbibenta, nakatulong din ang pagbenta ni Mama ng kotse niya dati para sa puhunan niya, naubos kasi ang savings ni mama sa bangko dahil sa pagbabayad namin dati sa tinitirahan naming apartment. At kung tatanungin niyo kung saan kami nakatira ngayon syempre sa bahay. Chaaarrr! Bahay 'to ni mama na pinamana sakanya ng mga magulang niya. Huli na kasi ng malaman ni mama na may pinaman pala sila Lolo at Lola sakanyang bahay, nagulat na nga lang kami na may lawayer nalang bigla na naghahanap kay mama. Pareho na kasing patay Grandparents namin sa side ni mama.Nag-apply naman si mama dati sa iba't ibang company iyon nga lang hindi siya natatanggap. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng pinagapplyan ni mama wala man lang ni isa ang tumanggap sakanya, nakagrduate naman si mama sa course na Human Resource. Sa nakikita ko naman ngayon kay Mama masaya siya sa pagbibenta ng mga cosmetics, marami rin kasi siyang nakakasalamuhang tao at nagiging kaibigan.
"Oh Kell, halika rito at kumain ka na. Pasensya at naka-kalat ang mga paninda ko rito sa mesa. Maupo ka na, ipaghahain na kita." Nataranta naman si mama sa pagkuha ng pinggan, baso, kutsara at tinidor, pati nadin sa pagsandok ng kanin at ulam. Kaya mahal na mahal ko si mama dahil kahit busy sya nagagawa niya padin kaming alagaan ni Kuya.
"Nakakatuwa ka naman Ma, naaaligaga ka sa pagasikaso sakin, para ka tuloy may bisita niyan." Natatwa kong sabi kay Mama. Natawa narin si mama dahil mukhang na-realize niya ang inakto niya kanina.
"Aba syempre, mahalaga ka sakin anak kaya nagkaganun ako."
"Anong connect? Palusot ka pa Ma. Nakakaloka ka Ma ha. Anong tinira mo? Yung katol sa kwarto mo 'no? Sabi ko naman kasi sayo ma wag ka ng magsindi na katol at para hindi mo nadin masinghot. Ayan tuloy!" Natatawa kong sabi kay mama. Isa sa mga rason kung bakit mahal na mahal ko si mama, kaya niyang makipagsabayan sa trip ko, naguusap kami na parang magbarkada lang at ang turingan namin parang magbestfriend.
"Grabe ka naman nak, nung isang gabi yan lang yung natira ko. Iba naman kagabi. Wag kang masyadong mapanghusga anak saakin kung anong natira ko, hindi kita pinalaking ganyan."
" Ano ngay natira mo kagabi Ma?"
"Yung zonrox na may hinalong downy. Oh diba sosyal? Na-afford ka nadin hindi 'yong puro katol nalang." And with that, napatawa ako ng malakas habang kumakain. Ewan ko ba dito kay Mama, lakas mangtrip. Pareho kaming tumatawa ng biglang nag-ring phone niya.
"Sandali lang anak at mukhang si Dora yung tumatawag saakin. Mukhang magga-gala nanaman kami."
"Pakamusta mo ako Ma ha?" Pagbibiro ko pa.
"Sure! Iyon lang pala, kung gusto mo pati narin kay boots." Sinagot na ni mama yung tawag at kinuha na 'yong mga paninda niya at bag niya. Narinig ko pang sumigaw siya kay Kuya ng; "Kyle! Ihanda na ang helicopter, mamasyal ako kasama sila Dora, nakakapagod mag-gala ng puro lakad lang kami." narinig ko naman ang sagot ni Kuya habang tumatawa. " Ma! Tumigil ka nga! Ni pedicab wala ka nga, helicopter pa kaya?". Tawa lang ako ng tawa dito sa kusina habang kumakain, lakas din talaga maka-goodvibes ni Mama.
Tinapos ko na ang pag-kain ko dahil maghahanap pa ako ng trabaho. Syempre bukas, sunday ngayon e. Yes, fresh graduate ako. Pareho kami ng course ni Mama, Human Resource. Kung si Kuya gradute sa course na civil engineering at board passer pa siya ako naman Human Resource ang kinuha ko. Sobrang saya nga ni mama dahil umaasenso si Kuya sa buhay niya. Nakabili na ng sariling sasakyan at may plano na siyang magpatayo ng sariling bahay niya. Well, maganda naman ang trabaho ni Kuya sa isang company at mataas ang sahod niya kaya kayang-kaya niya ang mga gastusin niya sa pagpapatayo ng isang bahay.
Tumayo na ako at naghugas ng mga pinagkainan ko. Maglilinis pa ako ng bahay. Inumpisahan ko sa salas. Habang inaayos ko ang mga photo album sa ilalim ng center table sa salas. Hindi ko mapigilang hindi buksan ang isang photo album. Mga pictures namin na buo, lahat kami nakangiti at mukhang masaya. 12 years old palang ako dito sa picture at 19 naman si Kuya. Kung titignan mong mabuti ang picture masasabi mong perfect family kami pero hindi. Walang perpektong pamilya.
Hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Nakakalungkot isipin na ang buo naming pamilya wala na, nasira na. Ang hirap lumaki na tanging mama lang nagpapalaki sayo though hindi nagkulang si mama sa pagpapalaki saamin ni Kuya. I miss my papa but I hate him, hindi mo na maalis saakin ang magalit sakanya after what he did to mama, to us, to his family.
I can't stop myself from crying. For the nth time I feel broke again. If I just can turn back the time... If I only have a time machine...
