4

44 5 0
                                    


"Love is when you see a person's flaws as perfection."




Hindi ko alam pero feeling ko nasa paligid ko lang lagi si Salo Man. Kahit sa panaginip ko, siya, kapag naliligo ako at ipinipikit ko ang mga mata ko, siya padin. Lagi ko nadin siyang nasa utak.


Nasa kama ako at nagpagulong gulong. Kagigising ko lang at siya na agad ang nasa utak ko. Parang anytime mababaliw na ako dahil sakanya.

"Ano bang ginawa mo saakin at ayaw mong lubayan ang utak ko?! Nasalo mo lang naman ako! Ano yun? Inlove na agad ako nasalo mo lang?!" Sigaw ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si mama na hinihingal.

"Anak? Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?"

"Wala ma. Trip ko lang." Pagdadahilan ko. Ayaw ko namang malaman nya na sumisigaw ako dahil ayaw akong lubayan ng salo man na iyon.

"Next time naman anak mas lakasan mo kapag sisigaw ka lang ng trip mo! Binabantayan ko pa naman yung sinasaing ko at baka maging kakulay ni binay. B-binay? Yung sinasaing ko! Wait lang!" Loka loka talaga si Mama. Para siyang baliw na tumatakbo pababa.

Bakit ba kasi salo man? Anong ginawa mo saakin? Ginayuma mo ba ako? Kahit hindi na sana ng hindi ka na nagaksaya ng effort mo. Willing naman akong mabaliw sayo eh. Hihihihi.

Naligo na ako at bumaba para tumulong kay mama dahil aalis pa siya mamaya para magbenta sa costumers niya.

Naabutan ko si mama na nagluluto ng lunch naming dalawa habang sumasabay sa jingle ng isang commercial. "Pag 3 pataas magbonakid pre-school 3+, pag 3 pataas magbonakid pre-school 3+. Batang may laban..."

May pahand-hand gestures pa siyang nalalaman. "Ma. Awat na awat na!" Pagpipigil ko kay mama with matching acting pa na talagang pinipigilan siya. Pilit namang kumakawala si mama. "Sandali anak, ayan pa iyong isang commercial. 1, 2, 3, 4 every part of you I adore..."


 "Ma! Pati ba naman commercial ng rejoice?!"

"Ang ganda kaya anak."

 "Mas maganda pa ako."

 "Wag ka ng umasa anak, masasaktan ka lang." Natamaan naman daw ako doon. Paano ba naman kasi umaasa ako na malalaman ko din yung name niya at magkikita pa kami. W-wait. I have bright idea.

 "Ma. Gusto mo dalhan ko si Kuya ng lunch niya?"

 "Good idea anak. Pero bakit mukhang biglaan yang desisyon mo?" Naguguluhan na tanong ni Mama. 

Naku. Paano ba ito? Paano ko ba sasabihin na kaya ko gusto hatidan ng lunch si Kuya ay para makita ko ulit si salo man. "Ano ma, kasi diba ano, ano, si Kuya ano, promoted siya diba? Tama promoted siya kaya gusto ko siyang hatidan ng lunch."

 "Ah. Okay Tawagan mo na si Kyle para malaman niya at baka bumili pa siya ng lunch niya."

 "Okay po." Nilabas ko na ang phone ko at dinial ang number niya.Mga dalawang ring palang at sinagot na niya agad. 

"Hello? Bakit ka napatawag?"

 "Nag-lunch ka na ba? Dadalhan sana kita ng lunch mo." 

"Not yet. Mamaya pang 12 ang lunch break namin and as you can see wala pang 11:30." 

Halla! Kailangan kong agahan baka umalis si salo man at di ko na siya makita, siya pa naman ang pinunta ko doon. "Okay. Wait for me there. Okay?"

"Wag na. Pagpipyestahan ka lang ulit ng mga katrabaho ko dito."

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon