14

6 1 0
                                    



Nagmadali akong pumasok sa office ni Mr. Rusuello dahil nararamdaman kong mala-dragon nanaman siya ngayon.

Kinakabahan man ay mas minabuti ko ng tanungin kung anong problema.

"Bakit hindi mo sinabi na may lunch meeting tayo with Mr. Valiente?!"

Ramdam ko ang galit niya dahil ang diin ng pagkakatagalog niya. Ito na nga ba ang ayaw ko, ang magkamali sa trabaho ko.

"Wala po tayong meeting sakanya, Sir."

"Kung wala bakit siya tumawag at sinabing mahigit dalawang oras siyang naghintay sa meeting place?!"

Nakaramdam ako ng kaba dahil nararamdaman kong galit siya, galit na galit.

Ang alam ko wala kaming meeting with Mr. Valiente, wala rin akong nakita na nakalagay sa planner niya kanina.

"Sir, wala po talaga."

"Did you check your planner?" He asked with anger.

"Yes, Sir."

Nangangatog na ang mga tuhod ko sa takot. Namamawis na rin ang mga kamay ko.

"Since when the last time you checked your planner?"

"K-knina po bago tayo mag-lunch." Mababakas na rin sa boses ko ang takot.

"Get that fcking planner, now!" Nagulat ako sa lakas ng pagkakasigaw niya lalo na nang inihampas niya ang kamay nya sa lamesa na naglikha pa ng mas malakas na ingay sa office niya.

Dali-dali akong tumakbo palabas para hanapin ang planner pero hindi ko makita, ilang beses ko na ring tinignan sa bag ko pero wala.

Namomroblema na ako at sinasabayan pa ng takot na baka tanggalin niya ulit ako sa trabaho.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi ko talaga mahanap, naiiyak na rin ako.

Napatayo agad ako ng matuwid dahil sa lakas ng pagsara ng pinto. Feeling ko nahulog na amg matres ko pero hindi 'yon pwedeng mangyari dahil magkakaanak pa kami ni Seventh.

Paglingon ko ay ang mukha ni Mr. Rusuello na sobrang galit ang sumalubong saakin.

"I told you to get that goddamn planner!"

"S-sir... K-kasi... po..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya na hindi ko makita ang planner niya. Patay na ako nito, paano ang iba niyang appointment sa ibang araw? 

"What?!"

"I think I forgot the planner at your car or... at the restaurant?" Napayuko nalang ako nang makitang mas naging nakakatakot ang mukha niya.

Bakit ba kasi ang tanga tanga ko?! Mas inuuna ko ang pakikipagtarayan sa dalawang ulopong kanina kesa isipin ang planner?!

"What?! Are you that irresponsible when it comes to your work?!"

"N-no, Sir." Nag-iinit na ang mga mata ko hudyat na naiiyak na ako. Tuloy lang ako sa pagyuko dahil nahihiya ako sa nagawa ko, sa katangahan ko.

"Then why you didn't know where that planner is?!"

"A-ang alam ko po n-nasa bag ko lang po."

"Kung nasa bag mo, bakit wala?!"

Buti nalang kami lang ang tao dito dahil kung hindi kanina pa ako napahiya. Hindi naman siya ganito magalit dati pero ngayon para siyang halimaw dahil sa dilim ng aura niya.

"B-baka po h-hin-"

"Enough with your reasons! Just go and find that fcking planner! Stupid!"

Umalis na siya at naglakad hanggang makarating sa office niya at doon uli ay isinara niya ng malakas ang pinto

Stupid?! Ang sakit marinig na galing pa sa iba na tanga ako, alam ko naman na yun, kanina ko pa inamin sa sarili ko na ang tanga ko dahil sa nangyari. Tagos sa puso at buto na marinig na tanga ako. Hindi ko naman ginusto na ang nangyari. Siguro nga hindi ako bagay sa trabaho na 'to. Ginagawa ko naman ang lahat para makaya ang binigay niyang trabaho. Alam naman namin parehas na hindi ito ang gusto kong trabaho lalo na at wala akong experience sa pagiging secretary niya.

Tuloy-tuloy ang pagiyak ko dahil sa katangahang nagawa ko. Kaya siguro ganun katindi ang galit niya dahil napaka-importante ni Mr. Valiente. Baka dahil sa katangahan ko nawala siguro ang isa sa mga kliyente niya o di kaya'y isa sa gusto niyang maging partner sa iba niyang business.

Wala na akong pake sa itsura ko kahit na mukha pa akong gusgusin dahil ang nasa utak ko lang ngayon ay ang planner.

Inayos ko na ang bag ko at paalis na sana nang mapabalik ako ng tingin sa upuan ko. Iyong planner! Nakaipit sa upuan ko, hindi ko alam kung paano nangyari pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nawala ang planner. Mas lalo akong naiyak dahil sa tuwa.

Basta basta ko nalang inilapag ang bag ko at kinuha na ang planner. Wala akong paki kahit na ilang beses na akong natapilok kakatakbo makarating lang sa office ni Mr. Rusuello. Nang makarating ako wala ng katok-katok na nangyari, binuksan ko na lang agad ang pinto.

Biglang napatingin si Mr. Rusuello sa pinto, sa hawak ko at sa mukha ko. Halatang nagulat siya dahil sa pagpasok ko ng walang permiso.

"Sir. I found the planner!" Tuwang tuwa kong sabi habang itinataas ang planner. Agad ko namang tinignan kung may meeting ba siya kay Mr. Valiente pero wala talaga.

"Wala po talaga kayong lunch meeting with Mr. Valiente. Baka nagkamali lang po siya?"

Biglang kumunot ang noo niya at halatang naguluhan. 

"Are you sure?"

"Yes, Sir." Mababakas sa boses ko na tuwang tuwa ako.

Inilabas niya ang cellphone niyang mansanas at agad na may tinawagan. Hindi niya ako pinalabas at hinayaan lang na makinig sa usapan nila.

"Hello, Mr. Valiente? No... We were not supposed to meet... Yes... We don't have any meeting... No, it's okay... Yeah.. Did your secretary already check it? Of course, Mr. Valiente... Let me ask my secretary..." Tinakpana niya ang speaker ng phone niya at humarap saakin.

"Ms. Javier? Do we have an appointment with Mr. Valiente on this week?"

Tinignan ko agad ang schedule ng meeting nila kung meron dahil mahirap na baka magkamali ulit.

"Yes, Sir. Tomorrow at 12 pm."

Baka nagkamali lang si Mr. Valiente at ang akala ay ngayon ang meeting nila ni Mr. Rusuello?

Ibinalik na ulit ni Mr. Rusuello ang atensyon sa cellphone niya at tumango tango pa. Natapos ang usapan nila at ibinaling na ni Mr. Rusuello ang tingin saakin o sa mukha ko talaga.

"Wash your face."

"Excuse me, Sir?"

"Did you look at yourself in the mirror?"

Natauhan naman ako at alam kong nakakahiya na ngayon ang pagmumukha ko. 

Humarap na ulit siya laptop niya at parang wala na agad pakielam sa paligid niya. Hindi pa ako umaalis at nanatiling nakatayo.

Alam ko namang hindi siya magso-sorry pero nagbabaka-sakali pa rin ako na baka magsorry siya. Malay ko kung bumalik na agad ang mood niya.

Mukha na akong engot na nakatayo lang malapit sa pinto niya at pakiramdam ko hindi niya alam na nasa office niya pa rin ako. 

Nangangalay na ako kaya tumikhim ako at doon ko nakuha ang atensyon niya. Tinignan naman niya ako ng may pagtataka sa mukha niya, nagtataka siguro dahil bakit nasa loob pa ako ng office niya.

"Why are you still here?" Kunot-noo na tanong niya.

"I'm waiting for something  that I want to hear po,Sir." Nakangiti kong sabi.

"What? Get out and go back to your work."

Nakakaasar! Bakit ba ganito pa naging boss ko? Major turn on na sana kung hindi siya masungit kaso wala talaga.

Nakanguso akong lumabas at bahagya siyang inirapan.

Pagkaupo ko sa upuan ko hinanap ko agad ang salamin ko. Nagulat ako sa itsura ko. Kalat ang mascara sa mukha ko dahil sa pagiyak pero nakakahiya talaga na nakita ako ni Mr. Rusuello na ganito ang ayos ko.



Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon