Ilang linggo na rin simula ng matanggap ulit ako sa trabaho at grabe rin akong pahirapan ni Mr. Rusuello. Maya't maya kung mag-utos. Uupo pa lang ako doon rin tutunog ang intercom. Hindi ko alam kung nananadya ba itong si Mr. Rusuello o talagang trip niya lang ako. Minsan naman susubo pa lang ako o di kaya'y hihigop ng kape doon siya bigla-biglang lalabas at sasabihing may meeting kami kahit wala namang nakalagay sa schedule niya.
Napapaisip talaga ako kung bakit ang sungit niya pero ikinadagdag naman yun sa kapogian niya. Kung gaano kasi siya kapogi ganoon rin siya kasungit.
"Let's go." Rinig kong utos niya. Hindi ko man lang namalayan na nakalabas na siya at heto ulit ako, clueless kung saan kami pupunta.
"Yes, Sir." Hinablot ko nalang agad ang bag ko kahit alam kong may mga naiwan akong ibang gamit ko sa table ko.
Dire-diretso lang sya hanggang sa makarating kami sa parking lot, nagulat nalang ako ng huminto sya sa may pinto ng front seat at buksan iyon.
Napamaang nalang ako at halata sa mukha ko na nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang talaga ako o nananaginip. Baka may ibang kasama?
"Ms. Javier?"
Napalingon ako sakanya at mukha ngang nasa reyalidad talaga ako ngayon at wala sa panaginip o imahinasyon ko.
"S-sir?"
"Are you just going to stand there?"
Dali-dali naman akong lumapit sakanya dahil nataranta ako baka sermonan nanaman niya ako. Pagkaupong-pagkaupo ko feeling ko nawalan na agad ako ng hininga pero hindi nakaiwas sa paninigin ko ang pagngisi niya ng mabilis. Ang pogi niya! Mas pogi siya kapag nakangiti although pogi sya kapag nakasimangot at seryoso pero mas pogi siya pag nakangiti.
Pinaandar na rin niya agad ang sasakyan at itinuon ang atensyon sa daanan. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sasakyan niya kahit ilang beses na akong nakasakay dito. Malinis masyado at mabango, amoy na amoy niya. Oo na! Ako na ang taksil! Pero kay Seventh pa rin ako. Kahit naman siguro lumayo ka dito kay Mr. Rusuello maaamoy mo pa rin sya.
"Ms. Javier? I'm talking to you."
Sa sobrang kalandian ng utak ko hindi ko na napansin na kinakausap pala ako ni Mr. Rusuello.
"I'm sorry, Sir."
Narinig ko naman siyang bumuntong hininga. "I was asking you if you're the only child."
"H-huh?"
"Do I need to repeat myself again?"
Nakakagulat lang kasi na bigla bigla nalang siyang magtatanong na walang kinalaman sa trabaho. Ngayon lang kasi siya nagtanong na may kinalaman saakin. Hindi kasi siya paladaldal unlike Seventh na halos ata pati pag-tae niya, ikwento niya sakin. Speaking of Seventh, I can say na medyo may improvement na samin. Charot!
"No, Sir. Dalawa po kami." Pagkasagot ko ay tumingin ako sakanya at nakita kong tumango-tango naman siya.
"You're the youngest?"
"Yes, Sir."
"I see. How about your parents? What they do for living?"
Hindi naman ako na-inform na may pagka-chismoso pala 'tong si Mr. Rusuello.
"Business woman po si Mama." Maikling sagot ko. Si Mama lang naman talaga ang magulang namin, siya ang tumayong Nanay at Tatay saamin ni Kuya. Gusto ko man malaman kung nasaan na si Papa, kung kamusta na siya, kung anong estado na ng buhay niya pero hindi ko magawa, natatakot ako, natatakot ako na baka andoon na siya sa babaeng nabuntis niya, na baka sila masaya habang kami naging miserable, na baka wala na siyang pake saamin, na baka wala na siya.
Natigil lang ang kaartehan ko ng magtanong nanaman siya.
"How about your Father?" Napatigil naman ako, hindi ko alam kung sasagutin ko siya o mananatiling tahimik nalang.
"I don't have a father, S-sir."
Pigil ang pag-iyak ko. Iniiwasang pumikit dahil baka bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Masakit pa rin hanggang ngayon kahit sobrang tagal na ng nangyari. Lumaki ako ng walang Tatay at isa iyon sa mga babungungot ko.
"Maybe it's too late to say this but accept my condolence."
Bigla atang umurong mga luha ko pati na rin ang mga uhog ko dahil sa narinig ko. Sino ba may sabi sakanya na patay na ang Tatay ko?!
"E-excuse me, S-sir?"
"I said accept my sincerest condolence." Napalingon naman siya saakin habang naka kunot-noo.
"My father is still alive, Sir... maybe?"
Nakita ko naman ang pamumula ng tenga niya na dahil siguro sa kahihiyan.
"O-oh. Sorry. I thought he's already dead."
"Okay lang po, Sir."
Matinding katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse, yung tipong para kang nanunuod ng horror movie. Pati paghinga wala kang marinig.
Bilang isang magandang dilag, ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Sir? May meeting po ba? Wala naman po kasing nakalagay sa shedule niyo."
Hindi niya sinagot ang tanong imbes ay ngumiti lang saakin. Wtf?! Ang pogi niya talaga pero mas pogi si Seventh pero ang pogi talaga ni Sir. First time niyang ngumiti saakin at feeling ko nabuntis na ako.
Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sakanya dahil parang may anghel na biglang bumagsak. Napansin naman niyang nakatitig ako sakanya kaya tumikhim siya at binalik ang seryosong ekspresyon sa mukha.
Hindi nagtagal ay bumaba na siya sa kotse at hindi lang 'yon, pinagbuksan pa niya ako. Feeling ko tuloy isa akong prinsesa, prinsesa nga lang ng bahay namin.
Sumunod lang ako kay Sir hanggang makapasok kami sa isang restaurant na sosyalin nga talaga. Mukhang may meeting nanaman siya na hindi ko alam.
Hihilain ko na sana ang upuan para makaupo nang pigilan niya ako at siya mismo humila non para saakin hanggang sa makaupo ako. Umupo naman siya sa tapat ko.
Nakakapagtaka lang dahil table for two lang talaga kami umupo. Napatulala naman ako dahil sa naisip ko. Iniling iling ko ang ulo ko para mawala ang iniisip ko pero mukhang mago-overnight ata ito sa utak ko.
"What do you want to eat, Kell?" Bigla niyang itiniklop ang menu at inabot sa waiter tsaka niya sinabi ang order niya.
Tama ba narinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko mismo? Asan na si Sir Rusuello? Bakit parang biglang bumait 'tong Mr. Rusuello na nasa harapan ko ngayon?
"Hindi na po ba natin aantayin ang ka-meeting niyo?"
"Who says that we're here for a meeting?"
"Pardon, Sir?"
"Don't you get it, Kell? We're here because we'll be having our lunch."
"Just the two of us, Sir?"
Bakit ko pa ba tinanong yan? Natural, oo!
"Absolutely! I thank gods, you've finally got it."
Nakita ko naman ang pag-ngiti ng waiter samin.
Ngumiti naman siya habang umiiling. May ganito palang side si Sir? 'Yung hindi rin pala siya laging seryso. At mas lalong nakakadagdag sa kapogian niya ang pag-ngiti niya.
Bakit ka ba biglang ganyan, Sir?
