3

53 5 0
                                    

"Love is like war... Easy to start, difficult to finish and impossible to forget."


Nanghihinayang talaga ako sa nangyari kanina. Siguro isa na iyon sa mga nasayang na pagkakataon sa buhay ko. Me is so nanghihinayang talaga. I texted Nicole and Aizel since sila lang naman lagi ang free. Masyadong occupied ang utak ko dahil sa pesteng kagwapuhan ng lalaking iyon nang may makabangga ako.

"Ouch!/Aray!" We both said ng nakabangga ko.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo Miss!" Pagalit na sabi ng nakabangga ko. 

"Sorry, sorry talaga." Pagpapaumanhin ko. Hindi ko naman talaga sinasadya. Peste kasi yung lalaking yun, masyadong lumalandi sa utak ko.

"Sorry? Matutuyo ba niyan yung nabasa kong damit ngayon?!" Nakakaimbyerna 'tong babaeng 'to ha! Nagsorry na nga ako ang dami pang satsat.

"Look Miss, nagsorry na ako. Hindi ko naman talaga sinasadya." Mahinahon ko pading sabi kahit sa loob loob ko gusto ko na siyang ilampaso dito sa sahig ng mall.

"Ang sabihin mo sindaya mo 'yon kasi inggit ka saakin kaya binangga mo ako at saktong  may hawak akong drinks kaya nabasa ako, gusto mo kasi akong mapahiya right?" Nakataas kilay niyang sabi saakin at sa mayabang na tono. Itong impaktang 'to talaga! Ako inggit? Ibuhos ko kaya sakanya 'yang drinks niya, lakas ng apog nito. Pinapainit talaga niya ulo. Broken na nga ako, chaar lang!

"Hoy! Para sabihin ko sayong babaeng retokada, hindi ako inggit sayo! Ano naman sa tingin mo ang ikaiinggit ko sayo? Yang ilong mong halatang pinaretoke? Yang cheek bones mong daig ang bola ng tennis dahil sa laki? Yang lips mong feeling pouty pero makapal naman talaga at wow ha?! Nag-red lipstick ka pa talaga?! O yang dede mong sobrang laki na kulang nalang lumuwa na diyan sa damit mo dahil sa laki pero pinaretoke mo din? Tss!" Hinigal ako doon ah, pero serves her right. Kapal naman talaga ng mukha niya. Mas makapal pa sa make-up niya.

Halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa mga sinabi ko. "You bitch!" Lalapit pa sana ito saakin at mukhang susugudinn na ako pero naunahan ko siyang lapitan siya. "Well, nice make-up ha? Saang party ka magpe-perform? Daig mo pa ang clown sa sobrang kapal ng make-up mo." And then I smirked at her. Mas nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi na siya naka-imik kaya dinaanan ko na siya.

Naloka ako doon ha? Sana naman last na 'yon, yung maka-encounter ako ng clown na mayabang.

Naglakad na ako sa mall para pumunta sa coffee shop na napgdesisyonan naming puntahan. 

Sa lahat ng mga lalaking nakakasalubong ko puro mukha ni Salo Man yung nakikita ko.  Argh! Bakit siya padin kasi iniisip ko?!

Nakarating na ako sa coffee shop, agad ko naman silang nakita dahil sa ingay ng bunganga ni Aizel. Nagtatawanan at nagkekwentuhan sila ng mapansing nakalapit na pala ako sa table nila.

"Hey Kell! Bat ka natagalan?" Nicole asked.

"Ikaw ba naman kasi makasalubong ng retokadang clown!" Halata sa mukha nila ang pagkalito.

"May nakaaway akong clown!" Paglilinaw ko, tignan mo nga naman 'tong mga 'to.

"As in clown?!" Pagsigaw ni Aizel kaya napatingin saamin yung ibang costumer.

"Sa sobrang kapal kasi ng make-up niya. Sabihin ba namang inggit ako sakanya kaya ko siya binunggo?!"

"Wow ha? Kapal naman niya, sino ba yan? Iharap mo nga saakin 'yang clown na yan!" Hays, Aizel, ano ba ang dapat kong gawin sa bunganga mo? Napakaingay!

"Aizel, lower down your voice." Pagsasaway ni Nicole.

"Ano ba ang nangyari?" Pagtatanong ni Nicole, buti pa ito kayang babaan ang boses. So ayun, kinuwento ko yung nangyari.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon