19

7 1 0
                                    


"Bakit hindi mo sinabi saakin na kayo ang may ari ng company na pinagt-trabahuan ni Kuya and at the same time pinagt-trabahuan mo rin?"

Sabi ko ng may pagkabigla at pagkaasar. Nasa loob kami ng sasakyan at papunta na sa bahay para ihatid ako. Hindi ko pa nasasabi sakanya na ini-invite siya ni Mama na mag-dinner sa bahay ngayon.

"Does it matter?" He asked calmly.

"Yes. It does."

"Okay, okay. Tatay ko may-ari ng company na pinagt-trabahuan namin ng Kuya mo."

"Kung ikaw pala ang anak bakit nasa engineering department ka?"

"Gusto ng Tatay ko na ako ang pumalit sakanya, kaya imbes na sundin siya, Civil Engineering ang pinili kong course. Mas gusto ko maging engineer kesa maging may ari ng kumpanya."

Bangag ba 'tong si Seventh? Maraming tao ang gustong magkaroon ng company pero siya ayaw niya?

"Hindi ba parang mas maganda na ikaw na ang may-ari ng sarili niyong company? Bakit ayaw mo?"

"Because it wasn't my passion and being a CEO doesn't fits me. Besides, I love my work. I'm contented being an engineer."

"Sabagay. Bakit pala kayo magkakilala ni Mr. Rusuello?"

"We already met before."

"Bakit tinanong mo siya saakin noong date natin kung kilala mo naman pala."

Nagkibik-balikat lang siya bilang sagot. Bago ko pa kami makarating sa bahay napagdesisyunan kong tanungin siya kung pwede ba siyang mag-dinner sa bahay.

"Seventh?"

"Yes?"

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang tanong. Si Mama naman may gusto nito, well oo ako rin naman.

"Si Mama kasi."

"What about Tita?"

"Sa bahay ka raw mag-dinner ngayon."

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya, baka hindi pumayag or baka may importante siyang gagawin. Naka-kain naman na siya dati sa bahay, ilang beses na nga pero ngayon iba, kasi nagd-date na kami. Hindi tulad dati na pupunta siya ng bahay para tumambay or di kaya bumibisita.

Naalala ko pa noong unang pumunta sa bahay si Seventh kasi may kailangan siyang ihatid kay Kuya na mga papers. Puring-puri siya kay Mama. Para ngang nakakita ng artista si Mama nang makita niya si Seventh. Doon rin nalaman ni Mama na siya 'yong crush ko na naik-kwento ko sakanya paminsan-minsan. Basta simula noong pumunta siya ng bahay, gustong-gusto na siya ni Mama.

"Sure." Masaya niyang sabi. Hindi man halata sa mukha ko na masaya ako dahil sa pag-payag niya pero sa loob-loob ko nagdidiwang na ang mga cells ko dahil pumayag siya.

Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa bahay, andoon na rin ang sasakyan ni Kuya. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Seventh at inalalayang lumabas ng sasakyan.

I thanked him sweetly.

Pagkapasok namin sa bahay, amoy na agad ang mga niluto ni Mama. Pinaupo ko muna si Seventh sa sofa at umakyat para magbihis.

I decided to wear a short but not really short and a white printed shirt.

Pagkababa ko andoon pa rin si Seventh na nakaupo pero this time kausap na niya si Mama. Pareho silang napatingin saakin pagkababa ko. Lumapit ako kay Mama at nagmano. Nagyaya na si Mama na pumunta na ng kitchen para kumain.

Wala pa sa table si Kuya kaya tinanong ko si Mama pagka-upo namin.

"Asan si Kuya, Ma?"

"Nasa dirty kitchen. Let's wait for them before we eat." Nakingiti niyang sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon