Tandang- tanda ko pa yung unang araw na nagkakilala kami. Di ko alam kung yun na ba yun pero alam kong iba. Parang di ako mapakali, namamawis pa yung kamay ko nun sa paghawak nung payong pero di ko narin alam kung pawis nga ba yun o tubig ulan. Isa lang ang sigurado ko alam kong kinakabahan din siya nun…
January 9 – Coffee and Cakes
Palabas na ako ng Coffee and Cakes dala yung mga pinamili ko. Nagsimula n pumatak ang ulan nun. Kailangan ko nang makasakay sa sakayan ng bus at baka biglang lumakas yung patak. Habang binubuksan ko yung paying ko.
“Miss, pwede Bang makisabay sa payong mo? Wala kasi akong dala eh.”
Napatingin ako sa isang lalaking matangkad na maputi at may maamong mukha. Halatang nahihiya siya na tanungin yung mga bagay na yun. Pero kung magnanakaw to? Kailangan kong makasigurado na hindi to masamang loob kahit na ang amo ng mukha niya para gumawa ng masamang bagay.
“Ahmm, Mister okay lang kung di ka magnanakaw.”
Napangiti siya sa sinabi ko at dun nasabi kong di nga siya masamang tao.
“Tulungan na kita.” Sabay abot sa mga pinamili ko
“Wag na. Magaan lang naman to.”
“I insist. Hindi ko yan hahayaang mabasa.”
“Okay.”
“Hmm, isang request lang pwede bang lumapit ka sakin? Ikaw din ayokong mabasa. Don’t worry walang anumang sort of any weapon ako sa loob ng jacket ko.” Ngumiti na naman siya. Matutunaw na ako eh.
Lumapit ako sa kanya at sinabit niya sa akin yung suot niyang jacket habang yakap yakap niya yung mga pinamili ko. Ang dikit namin sa isat isa. Nakaakbay na siya sa akin at ramdam ko na yung mabilis na tibok ng puso niya. Hawak-hawak ko yung paying nun matangkad siya kasi kelangan ko iangat unti yung payong.
Nagsimula na kaming maglakad at sigurado akong kinakabahan nga siya. Na-iilang na tuloy ako. Parang ang layo layo tuloy ng sakayan ng bus. Walang nagsasalita sa amin. Nung patawid na kami. Yung security guard ng Coffee and Cakes ay may sinisigawan.
“Sir, Sir, Sir Warren!!!”
Lumingon yung lalaking katabi ko na nakikisukob sa payong. Lumapit na sa amin yung sekyu.
“Sir, kayo po mayari nung red na kotse diba? Kailangan po kasi iusog kasi dadaan yung kotse ni Mam Suarez kung hindi madadali po eh. Pasensya na sir”
May kotse siya? Eh bakit papunta din siya sa terminal ng bus. Tumingin na sa akin yung lalaki na tnawag nung sekyu na Warren tas tumingin ulit dun sa sekyu.
“Manong babalik na din po ako saglit lang.”
Umalis na yung sekyu nun eh ako nakatitig pa rin sa kanya. Anong nangyayari?
“Miss Sorry kung nagsinungaling ako sayo. May sasakyan nga ako. Di ako masamang tao. Ahmm. kasi… baka mahirapan ka kaya kita tinulungan. Pasensya na.” Nakahawak na siya nun sa batok niya at din a makatingin sa akin.
“Ayos lang” Yun na lang sinabi ko tas ngumiti.Halatang hiyang hiya siya sa ginawa niya.
Naka-tingin na siya sa akin nung sinabihan ko siya ng “Salamat sayo. Warren tama? Hmm. Una na ako. Bye” Sabay kuha sa mga pinamili ko.
Paalis na ako nun nung nagsalita siya ulit.
“pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”
“Ha?”
“Ah baka Makita kasi kita ulit dun sa shop at baka kailangan mo ulit ng tulong”
“Ganun ba? Rachel ang name ko. Bye”
Patalikod na ako nung sinabi niyang “Ihatid na lang kaya kita diba?”
“Wag na Warren. Hassle yun kasi maulan. Malayo pa tirahan ko”
“Ah ganun ba? Sige. Mag-ingat ka”
“Sige. Salamat ulit.”
Tumatawid na ako nung sumigaw siya ng
“Sa totoo lang gusto ko talagang makilala ka kaya kita tinulungan. Sana magkita pa tayo sa susunod. Aantayin kita Rachel”
Diretso-diretso na ako nun pero alam kung tinitignan niya pa rin ako hanggang makarating sa terminal ng bus. Basang basa siguro siya sa ginawa niya.
Nakakatuwa na may ganun pa pala sa mundo. Its something sweet to remember. Sana nga magkita pa kami. Thank God I found someone who made me smile that day.
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?