Chapter 44: His heart.

19.8K 140 62
                                    

One day after the sports camp parang di parin ako makausap ng ayos. Sino ba ang taong nasa matinong pagiisip? Wala na diba? Bumalik na lahat sa normal pero ako parang naiwan sa tagaytay. 

Mali, naiwan yung puso ko sa tagaytay. :'(

Alam kong wala na sa akin yung necklace. Yung puso na may name ko. Tinapon ko na. Kaso mukhang di sinambot ni Warren. Sa totoo lang hinihintay ko siyang tawagan niya ako. Text or chat man lang. Kaso wala. Totoo na ata, wala na kami.

Eh bakit di ko matanggap?

"Shit" napayakap ako kay Wael ng sobrang higpit ng maramdaman kong baka umiyak na naman ako. 

Ang tumatakbo lang sa isip ko ngayon eh bakit ganun? Di man lang kami nagbigyan ng chance. Chance na magusap ng maayos. Na linawin ko sa kanya na yung sa amin ni Patrick ay wlang ibig sabihin. Na mahal ko siya at mamahalin ko siya ng sobra sobra.

Sa totoo lang naiisip ko, bakit yung mga taong mahal nila yung isat isa ang kailangan pang maghiwalay? Bakit yung kanila yung sinisira ng tadhana? Yung sinusubok na pagsasama?

"Insan, ok ka lang ba? Kakain na?" katok ni Sasha.

"Oo insan, mauna na kayo. Maliligo muna ako"

Mahahalata nila na mugto ang aking mata kaya kailangan kong maligo at magapply ng concealer. Alam ko naman na aware na sila Lola at Sasha. Siguro sinabi na ni Kuya Nico. Si Papa kaya alam na niya? Kailangan kong umayos. Tama si Patrick, puso lang ang masakit sa akin. Hindi excuse yun para di ipagpatuloy ang buhay.

Aantayin kong mamanhid ako sa sakit.

Hindi parin kami naguusap ni Kuya Nico. Siguro kasi ayaw niyang lalo akong masaktan sa mga sasabihin niya. Tama na siguro na iniwan na ako ni Warren at wala na kami ngayon.

Lumabas ako ng kwarto at kumain magisa. Nung matapos na ako pumunta ako sa may duyan. Gustong gusto ko lang mapagisa. Malayo sa iba. 

Gusto kong makapagisip.

Makapag-isip sa mga bagay na pwedeng mangyari.

Linapitan ako ni Lola.

"Apo alam kong di ka okay? Bakit di mo sabihin kay Lola?"

"Nako lola wala po ito lilipas din to"

"Alam kong tungkol yan kay Warren. Anong nangyari?"

"Yun po ba wala yun lola"

"Rachel, apo. Bakit di mo sabihin?"

Napatingin ako ng matagal sa mata ni Lola. At sa tingin ko ang mga mata niya ay magiging mata din ni Mama kung andito lang siya at nabubuhay. Napayakap ako sa beywang ni Lola na nakatayo sa harap ko.

"Lola, ang sakit po kasi. Ang sakit sakit. Mahal niya daw ako pero iniwan niya ako. Bakit ganun lola? Mahal ko din naman siya eh. Bakit po kami nagkakasakitan ng ganito?"

Unti-unti nang tumulo ang luha ko. Akala ko matutuyuan na ako kagabi kaso hindi pa pala. Siriwa pa ang sugat masakit pa din. Malalim at kumikirot.

"Apo, alam kong may dahilan si Warren sa ginagawa niya. Halata namang nagsisisi na siya sa kasalanan niya kaso gusto niyang lumayo sayo kasi sa tingin ko ayaw niyang makikita mo pa lang siya masasaktan ka na"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon