Chapter 34: Patrick's Confession

21.6K 187 66
                                    

Nakatingin kami sa isat isa ngayon ni Warren. Andito siya ngayon sa harap ko without his coat on. Gusto kong tumakbo sa kanya para yakapin siya pero para saan pa? He just admitted na sila na ni Maxene. Pinunasan ko ang mata ko. Ang alam ko lang gusto ko ng umalis dito.

"S-sorry sa pagpasok dito. Aalis na ako." Naglakad ako paalis sa kanya "Siya nga pala congrats. You make a lovely couple"

Hahawakan ko na sana yung door knob nun kaso pinigilan ni Warren yung braso ko.

"We need to talk"

Huminga ako ng malalim. I miss his voice pero kailangan ko tong iresist. Humarap ako sa kanya.

"Wala na tayong dapat pang pagusapan. Narinig ko na ang dapat kong marinig. Tama na yun."

"Kailangan kong magexplain"

"EXPLAIN?!!!" Tumaas na ang boses ko at nagbrebreak na siya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko "PARA SAAN PA ANG PAGEEXPLAIN NA GAGAWIN MO? PWEDE BA LAYUAN MO NA AKO? HINDI KO PARIN KASI HANGGANG NGAYON TANGGAP NA INIWAN MO AKO SA ERE KUNG KELAN MAHAL NA MAHAL NA KITA? ANG TANGA KONG IPAGKATIWALA SAYO YUNG PUSO KO. TSK, YOURE JUST LIKE THE OTHERS. SA UMPISA LANG TAPOS PAGNAGSAWA NA IIWANAN KA NA. NAGTAPANG-TAPANGAN PA AKONG PUMUNTA DITO KAHIT ALAM KONG DI AKO NABABAGAY, KASI UMAASA AKO NA PIPILIIN MO AKO KAHIT KITANG KITA KO NA MAS PINILI MONG HAWAKAN YUNG KAMAY NIYA KESA LAPITAN AKO"

"Ray,Im so sorry. Please undestand me..."

"UNDERSTAND? AKO BA NAIINTINDIHAN MO? ANO BANG MERON AKO? WALA. DI TULAD KAY MAXENE. ANG PINANGHAHAWAKAN KO LANG EH YUNG SINABI MO DATI NA MAHAL MO AKO" 

Napahinto ako sa pagsigaw sa kanya at tinitigan ko yung mga mata ni Warren.

"Tama, dati na pala yun. Mabilis rin pala magbago yang nararamdaman mo o di kaya simula palang awa lang naramdaman mo sakin? huh? Ang gaga ko kasi. I dont want to curse you pero SHIT NAMAN WARREN? TAMA NA" niyakap ako bigla ni Warren wala akong magawa kundi suntukin suntukin yung dibdib niya. "Tama na please? pwede ba? Masakit na eh. Maawa ka naman sakin kahit ngayon lang"

"Sssshhhh" He's stroking my hair at napatigil na ako sa pagsuntok sa kanya. Nakaluhod na ako ngayon wala na akong lakas gusto ko lang umiyak ng umiyak. Lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap niya sa akin.

"Bakit pinaabot mo pa sa ganito? Pwede mo namang sabihin sa akin nung tinanong kita nung nasa bahay tayo diba? Ganun ba talaga kahirap yun para sayo?" Puro tanong na lang nasabi ko. Wala na akong gana magalit. Mahal ko pa rin tong taong to. Mahal na mahal.

"Oo ang sagot ko. I love you. Mahal na mahal kita hindi dahil yun ang gusto mong marinig nung araw na yun kundi yun ang nararamdaman ko. Gusto ko lang sabihin sayo na I am lucky to met you. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napapasaya pagkasama kita at kung gaano kita namimiss pag wala ka sa tabi ko. One thing that always come into my mind when I see you is that... I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up..."

Napakalas ako sa pagkakayakap niya nung marinig ko mga sinabi niya.

"Those lines, para kay Maxene yan"

Ngumiti siya "Nope. Its for you. Kanina nung nakita na nasa likod ni Maxene alam kung sakto na yun ang oras para sabihin sayo ang lahat. Kaso di mo na tinapos yung mga sinabi ko. Nakita kong tumakbo ka kaya sinundan kita dito"

"Panong magiging sa akin yun eh kitang kita ko kung paano mo tignan nun si Maxene."

"Pero kung nasa pwesto ka ni Maxene kitang kita mo din na ikaw ang tinitignan ko at hindi siya. Let me tell you what I said nung tumakbo ka."

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon