Feeling ko ang lutang ako nung natutulog ako. Ang gaan ata ng tulog ko kahit puyat kasi ang gumising sa akin ay tawag sa cellphone.
"Hmmm, Hello?"
(Good morning, FOR!)
Natanggal ang antok ko at tinignan yung cellphone ko.
Si Warren yung natawag.
"Warren"
(FOR. Goodmorning! Bangon na. May pasok kayo ngayon.)
"Cleareance na lang yun eh" yinakap ko si Wael na nasa gilid ng kama. "Wait anong tawag mo sa akin?"
(FOR!)
"Sino si For Aber?"
(Yung girlfriend ko!)
Napa-bangon ako sa kama. Girlfriend? Sinong girlfriend? Eh ako girlfriend nito eh. Tyaka Ray ang nickname ko hindi For. Naman. Problema ba to ulit? Akala ko si Maxene langbabae nito sino si For.
".............................." di ako nagsalita
(For?)
"Sino bang For yan? Naiinis na ako ha! Ako kaya girlfriend mo! Nakalimutan mo na ba yung kagabe? Si Warren Gabriel Villaroel ba to?" Napapataas na yung boses ko dahil sa inis.
Long Pause tapos biglang tumawa yung taong kausap ko sa kabilang linya.
(Ikaw si For, Ray) Patawa-tawa siya nung binabanggit niya yan tapos biglang nagseryoso "(You are For. You are my Forever)
Natulala ako bigla. Ang korny ni Warren eh. Gusto kong tumawa ng malakas pero ngiting-ngiti lang ako na parang tanga ang kaya ko lang gawin. Kinikilig kasi ako. Ang aga namang kakiligan ng ganito.
(Uyy. Ray are you okay?) medyo nagwoworry na yung boses ni Warren nun.
"Ha? Ano. Oo"
Tumawa na naman si Warren
(Speechless ka no?)
"Hindi no"
(Wag mo nang itanggi. Halata naman eh)
"Tse. Hindi naman talaga"
(Weh Di nga?)
"Oo sabi. Bakit ba kasi yun ang naisip mo?"
(Eh kasi diba ayaw mo nung honey, sweetheart, mahal, cupcake, baby kaya yan na lang. FOR. Cute no? Simple lang)
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?