Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(

24.1K 156 84
                                    

Friday na ngayon.

Friday the 13th.

After ko pumunta kela Warren, tatawagan ko dapat siya kaso may natanggap akong message galing kay Patrick.

From: Monster

Save this number. Be ready. Friday. 5pm,


Napaka-formal niyang magtext naman. Wala na ata akong kawala sa date na yun after school yun eh. Hindi ko na nireplyan. Bakit niya ba ako ginawang pre-valentine date? Siguro sa 14 may date na siya. Pinagtritripan na naman ata ako nun. Shemai. (=____________=) Mali kasi tong ginagawa namin. Paano pag nalaman ni Warren? Anong iisipin nun? Eh di na nga daw siya magseselos ng basta-basta eh. Kaso di naman basta basta si patrick diba?


Im totally spacing out. (@___________________@)

Eh kasi bawal akong umattend ng PE class namin at baka mabinat ako. Andito lang ako sa classroom at naguubos ng oras. Si lola gumawa pa kamo ng excuse letter. Hays gusto kong maglaro para mapawisan eh.


"Okay ka na ba?"

Pag lingon ko sa may pinto. Si Charles papalapit sa akin.

"Yep, okay na naman."

Umupo siya sa silya sa tabi ko. "Good. Ray para dun sa summer training sabi daw ni coach menard mas maganda kung kukuha tayo ng teams sa ibang schools para maging less yung expenses natin yaka yung makakalaban natin makukunan pa natin ng bagong techniques diba? Ano sa tingin mo?"

"Maganda nga yan. Kailangan nating palawakin ang depensa at opensa natin diba?"

"Yup, tyaka tinawagan ako nila kuya nico baka magkaruon ng sports clinic next school year."

"Tumawag sayo si kuya nico?"

"Yep, alam mo naman siya ang captain ng basketball last year"

"Ah. Oo nga pala" akala ko pinagsasabihan na naman si Charles na balikan ako

"Sa kanya ko nga din nabalitaan na someone's courting you"

Tumingin ako sa kanya akala ko anong magiging reaksyon niya kaso nakangiti siya sa akin. Good friends na nga siguro kami.

"No, he's not courting yet"

"Ganun ba? Baka pinapahirapan mo?"

"Bakit pinahirapan ba kita?" iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Aba naman Ray bakit ka nagtatanong ng ganun?

"Nope. Siguro nung simula pero parang hindi din. Ewan."

Pinilit kong tumawa "Tinitest ang kita kung hanggang saan ka tatagal"

"I know. Yung bago. Sana makilala ko siya. He must been very lucky to find someone like you"

Tumingin ako sa kanya. Kitang-kita na sincere siya. Si Charles at ako. Alam naming hanggang dito na lang kami. Minahal namin dati ang isat isa, nagkasakitan tapos nagkabati. Isa lang pinagpapasalamat ko, pwede kaming magusap ng ganitong mga bagay na totoo kami sa isat isa.

"Si Monica? how is she?"

"Siya? busy sa ballerina practices niya. Balita ko may gagawin daw na musical show ka-merge ang isang school. Hmmm, St. Benedict ata yung name."

St Benedict? Yun yung school nila Warren at Patrick ah?

"Kayo kamusta?"

"Going strong. Alam mo pagkasama mo talaga yung taong mahal mo ng buong puso parang okay lang kung anong mangyari. Kuntento ka na sa buhay. Parang ako pag kasama ko siya"

"Ahhh." Wala na akong maramdamang sakit. Wow. Akala ko itong scene na to ang kakatakutan ko pag nagkaayos na kami ni Charles but no. I'm okay at it "Wag mo na pakawalan yun. Ang ganda ganda kaya ni Monica tapos ang bait pa."

Tumingin sa akin si Charles "Oo naman no! Kaya ikaw pag sinaktan ka nung bago mo aba isumbong mo kagad sa akin"

"Bakit?"

"Liligpitin natin yun. HAHAHAHAHA"

"HAHAHAHA. Ayaw mo kaya yung mga ganun"

"Tama, Idol ko si Kuya Nico eh. HAHAHAHA"

"HAHAHAHA"


I miss these. Katulad lang ng dati.


Di ko namalayan uwian na pala. Sabi sakin ni Charles sabay na daw kaming umuwi tutal magcocommute lang siya ngayon dahil wala siyang dalang kotse at may practice pa si Monica. Eh ako naman bawal magpasundo kasi si Sasha ay si Xy may date. Nako, antagal nilang umamin na sila na ha?


Palabas na kami ng gate nung may tumawag sakin di kasi ako nakatingin sa may unahan kasi kausap ko pa si Charles about sa mga koala na dinodrawing niya na para sa akin di proportion ang mga kamay na sa kanya naman ay proportion naman.


"Ray!"

Paglingon ko walang iba kundi si Warren

O_____________________________________________________________________O

Gulat na gulat ako niyan habang yung mukha ni Warren yung nasa baba.

^______________________________________________________________________^

Pinilit ko nalang tuloy ang mukha sa baba habang patakbo papunta sa kanya

""""""^__________________________________________________________________^


"Warren, anong ginagawa mo dito? Magaling ka na ba?" hinawakan ko yung noo niya. Nako sana di na niya nakita si Charles. Wag ka namang magselos oh. Wala lang to.

"Ayos na ako. Gusto ko lang sana ipaalala yung date natin bukas" binaba niya yung kamay ko tapos hinawakan, "Si Charles yun diba?"


Whaaaaat? Nakita niya pa?????

Nako. Please. Ayoko ng gulo.

T_____________________________________________________________________T


"Charles! Pare!" Tinawag ni Warren si Charles.

Lumapit si Charles sa amin tapos inextend ni Warren yung kamay niya "Warren nga pala, someday ni Rachel"

(>/////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////<)

Bakit ba kasi sanay na sanay siyang ipakilala ang sarili niya na Someday ko?

Inabot ni Charles yung kamay niya at nagshake hands sila "Ahh. Charles Pare kaibigan ni Rachel"

"Nice to meet you" ^__________^ nakangiti pa niyan si Warren

"Ikaw din pare. Sinusundo mo ba si Rachel?  Nagusap lang kami sa paghahanap ng school para sa summer training ng varsity namin"

Whew. Hindi ko na kailangang magexplain kay Warren diba? Ramdam na ba ni Charles na etong kaharap niya ngayon ang bago ko? Sana please.

"Oo sana dude. Ako na maghahatid sa kanya. About sa summer training count us in. I'm from St. Benedict. Ako na kakausap sa coach namin," ngumiti si Warren


Ako naman O____________________________________O

Lost!

Pero ayos na to diba? Okay na kaming lahat?


"Salamat Pare. By the way sa school niyo hineheld yung ballerina practices right? Andun yung girlfriend ko."

"Oo, woah. Sa tingin ko labas tayo minsan with your girl and mine" Tapos inakbayan niya ako

(>//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////<)

TUNAAAAAAAAAAAAWWWWWW.

Napangiti si Charles at hindi ko alam kong dahil sa offer ni Warren o dahil sa mukha kong ang pula pula.

"No problem Pare. I'll tell her. Pano ba yan una na ako?" Tumingin siya sa akin "Ray see you tom" Tumingin ulit kay Warren "Pare sige, nice meeting you ulit. Ingat kayo"

"Sige Pare"

"Babay Charles"


Umalis na si Charles nun.

Si Warren hinawakan niya yung kamay ko at pinisil.


"Are you Okay?"

Humarap ako kay Warren at pinisil yung right cheek niya.

"Tinakot mo ko dun!"

"Why?"

"Akala ko kasi-"

"Akala mo magseselos pa rin ako?"

"Oo"

"HAHAHAHAHAHA. Slight. Pero nung nakita ko yung mukha mo na nagaalala naisip ko wala naman akong dapat ikaselos"

"Buti alam mo"

"Kasi you will never hide anything from me right?"

Nagulat ako sa sinabing yun ni Warren. Sorry kasi I am hiding something from you pero it doesnt mean that I dont love you kasi kailangan ko lang ilihim yun. Pero hanggang kelan? Parang hindi ako mapakali ngayon tapos may kumakabog pa sa dibdib ko. Shemai.


"Ray? Are you Okay?"

Nag-nod na lang ako.

"Tara ihahatid na kita, may basketball practice kami ng 6pm eh. Its already 5:30"


5:30??? Edi ba pupuntahan ako ni Patrick ng 5 pm? lumingon lingon ako sa paligid? Walang motor. Mga nagkalat lang na sasakyan. Sumakay na ako sa kotse ni Warren. Hindi ko naman siguro kasalanan diba? Eh kasi naman wala siya. Lagot daw ako eh. Naman :(((


Pagbaba ko sa kotse ni Warren, hinatid niya ako hanggang gate.


"Hindi ka ba mabibinat sa pag-attend dun sa practice?"

"Hindi pero para siguro makasigurado pengeng yakap mula sayo" nag-gesture siya ng malaking yakap.

"Sapok gusto mo?"

"Bakit ka ganyan? Noong isang araw lang okay ka naman dun sa Yakapsule?" nag-paawa look siya.

"Huuy. Someday may sakit ka nun no? Mukhang ayos ka naman ngayon eh"

"O sige. Iba na lang"

"Ano?"

"Kisspirin???"

"Villaroel!"kukurutin ko na sana siya kaso tumakbo siya papunta sa kotse niya.

"Joke lang naman future eh"

"Halika dito!"

"Wait. Stop. Sige aalis na ako. malalate na ako sa practice eh" bubuksan niya na yung pinto ng kotse niya nun

"Maswerte ka, Mag-ingat ka ha?"

"Opo boss!"

Papasok na ako ng gate nung tinawag niya ako ulit:

"Future"

"Oh?" Paglingon ko. Hinalikan ako ni Warren sa may noo tapos tumakbo ulit sa kotse niya.

"Hey!"

"Bukas. 1pm. Susunduin kita. Okay? Babay!" Sabay sakay sa kotse niya.


"Babay" yan na lang nasabi ko ng pabulong.



Kailangang i-look forward yun diba? Valentines day. Valentines date ko si Warren. =))))

Sinong hindi masaya? Awts kailangan ko na palang ihanda ang mga isusuot ko mamaya na ako magpapalit ng uniform. Papaakyat na sana ako sa kwarto ng may narinig akong nagdoor bell. Pagpunta ko sa gate saktong pinatay yung engine nung kotse.


"Someday! May nakalimutan ka ---"


O_____________________________________________________________________O


Si Patrick nasa harapan ko.

"Oh bakit naka-uniform ka pa? Nakalimutan mo bang pre-valentine date kita?" Nako badtrip ata siya buti di ko makita mata niya naka-shades eh.

"Ah kasi sabi mo 5pm eh bakit ngayon ka lang. Tyaka asan yung motor mo?"

"Hindi mo ba nakikita na kotse yung dala ko? Tyaka weird 4:30 pa lang nasa school niyo na ako. Nakita ko pa ngang sinundo ka ni Warren at ang lakas lang ha? Dumidikit pa sayo yung si Charles"


WHAAAAAAT? Eh asan siya nun?


"Asan ka ba?"

"Nasa tapat ng school niyo. Di mo ba to nakita?"

Umiling ako.

"AISH! Tara na nga nasasayang oras eh" hinila niya ako palabas ng gate namin.

"Teka." napahinto ako "Yung helmet"

Lumingon siya sakin "Weird ka talaga. Sa tingin mo kailangan mo ng helmet sa pagsakay sa kotse?"

"Eh kasi magagalit ka diba pag di ko yun dala?"

Lumapit siya sa akin

"Okay. Ayan. Chill na ako" Huminga siya ng malalim "Makisama ka lang sa akin yun lang requirement ko ngayon"

"O-kay" tapos hinila niya ako papunta sa black with red prints niyang kotse.


Sumakay siya sa loob ng hindi man lang binubuksan yung pinto ng kotse para sa akin. Naman. Oo nga pala Monster tong kasama ko. Tsk Tsk ano namang aasahan ko diyan? Hinayaan ko na lang at pumasok ako magisa dun sa kotse. Ako na rin nagkusa sa seatbelt ko na ayusin buti pa dati si Warren yun agad inalala niya. Bakit ba kasi ako nagpapadala sa takot ko dito sa mokong na to? Dapat di na ako sumama. Magiging malas ata ako.


Hay.


"Patrick, Sa tingin ko kailangan natin tong sabihin kay Warren" hindi ako nakatingin sa kanya nun.

"Bakit?"

"Ano kasi feeling ko mali tong ginagawa natin"

"Dont worry.. Last na to. Tyaka please wag natin yan pagusapan ngayon. This day is special for me. Gusto lang kita makasama sa araw na to Okay?" malungkot yung boses niya nun

Tumingin ako sa kanya.

"Pat-"

Lumingon sa akin si Patrick "Tyaka hindi kita type no?! Hahaha. Ang weird weird mo. Gusto ko lang itry maka-date ang isang weird"

"Tse" Inirapan ko siya. Akala ko naman seryoso yung mokong na yun. Shemai. Hindi pala type ha? Eh bakit ako dinala mo dito? Sana yung type mo na lang na weird din. Arggggh.


Wala nang nagsalita ni isa sa amin. Badtrip. Gusto ko nang bumaba sa kotseng ito. Saan ba kami pupunta? Mag gagabi na ah.


Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Nung nagising ako nakahinto lang yung kotse namin sa tapat ng bangin pero may harang naman eh. Kitang kita yung city tapos ang gaganda ng mga bituin. Asan si Patrick? Ayun nasa labas ng kotse at nakaupo sa hood. Is he smoking? First time kong makita siyang mag-smoke. Mukhang malalim ang iniisip niya eh. Lumabas ako at lumapit sa kanya.

"Pat-*cough*-rick" Napatingin si Patrick sa akin pano ba naman ang lakas niyang bumuga.

"Oopps Sorry" tapos hinagis niya yung sigarilyo niya.

"Bakit tayo andito?" tumabi ako sa kanya

"Bakit nagagawang iwan ng tao yung mga mahal niya sa buhay?" nakatingin lang sa malayo si Patrick.

"Ha? " Ano ba namang tanong yun.

"Bakit kung sino pa yung mahal nila yun pa yung tinitiis nila? Hindi ba nila alam na mahirap at masakit maghintay? Tsk. Bakit sila ganun? Wala naman akong kasalanan ah?" yumuko si Patrick tapos tinaas niya yung mga paa niya at tinago yung mukha niya sa tuhod niya.

"Patrick Okay ka lang ba?"

Lumingon sa akin si Patrick "Ikaw katulad ka ba nila, iiwan mo rin ba ako?" nakatingin lang siya sa akin nun yung mga matang yun alam na alam ko yun. Those sad eyes nakita ko na yan.

"................" Wala akong masagot sa tanong niya. iiwan? bakit?

Ngumiti siya kaso its a painful smile "Sino ba naman ako para di mo iwan? Im not Warren"


Bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam ng sitwasyon namin ngayon. Bakit ang lungkot na makita si Patrick na ganito? Parang ang laki-laki ng problema niya. Gusto ko siyang tulungan kaso paano?


"Ikaw, anong magiging dahilan mo bakit iiwanan mo ang isang tao?" nagtatanong na naman siya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Sagutin mo naman siya Rachel. Bakit nga ba?

"kasi kailangan nilang umalis?" ang tanga lang ng sagot ko. Nako masasabihan na naman ako ng weird nito.

"Bakit nila kailangang umalis?" aba hindi niya tinawanan yung sagot ko.

"Kasi.. s-iguro sina-saktan s-ila" Ano ba naman yung mga naisip ko. Tama naman diba? Ako kay Charles kaya ko siya iniwan kasi sinasaktan niya ako pag nakikita ko sila ni Monica kahit na on the first place ako talaga ang iniwan ni Charles.


Tumingin sa akin si Patrick yung mata niya ngayon hindi lang lungkot may galit na rin. Natakot ako bigla lalo na nung tumayo siya at naglakad palayo sa akin. Sumigaw siya  ng malakas tapos humarap sa akin. Ibang iba na to sa Patrick na nagtatanong sa akin ng malungkot etong Patrick na to ngayon parang punong puno ng galit.


"PUTANG INA! SINASAKTAN? ANONG TINGIN NILA SA AKIN NUNG INIWAN NILA AKO MASAYA?! GAGO PALA SILA EH. TANG INA. SABIHIN MO SAKIN ELISE, BAKIT PARANG ANG DALI DALI NILANG GAWIN YUN SAKIN? PUTANG INA LANG. ALAM KONG GAGO AKO PERO HINDI BA NILA NAISIP NA KAYA KO DING MAGBAGO. SHIT. PAKSHIT." umupo siya sa harap ko at habang tinatakpan niya yung tenga niya.

Nilapitan ko siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naalala ko na lang yung bagay na ginagawa sa akin ng mama ko pag sobrang iyak ako ng iyak nung bata ako. Pinikit ko yung mga mata niya.

"Sabi nang mama ko pag malungkot ka daw ipikit mo yung mata mo at isipin yung mga bagay na magpapasaya sayo. Isipin mo yung tao na gusto mong makasama. Isipin mo siyang nakangiti sayo" naiiyak na rin ako kasi naaalala ko yung masasamang nangyari sa akin.


Niyakap ko siya.

I froze when Patrick hugged me back.

Mahigpit Sobrang higpit.

Naramdaman ko na lang may tumulong luha sa uniform ko.


"Please wag mo din akong iwan. Please Elise ha?" nanghihina ako sa mga sinasabi ni Patrick ngayon. Wag siyang iwan? ha? Hindi ko masagot yung sinabi niya. Anong isasagot ko? Diba sabi niya last na to? I can be his friend naman eh kaming dalawa ni Warren can be his friend.


Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin tapos tumingin siya sa akin. Malungkot na naman yung mga mata niya ngayon.


"Hindi mo kaya. Alam ko na naman ang sagot, bakit ko pa tinanong" Tumayo si Patrick tapos pumunta sa kotse. "Tara nagugutom na ako"


Ha? Anong nangyari?

Alam na niya ang sagot?

Hindi naman ako nagsalita ah?

Ano ba tong inaasta ni Patrick?

Parang di ko pa talaga siya kilala.


_______________________________________________________________________________

COMMENTS PLEASE.

PS: Maan Dela Cruz

Natawa naman ako dun sa WARAY for Warren and Rachel Loveteam at PATAY for Patrick and Rachel Loveteam =)))

Saan ba kayo kampi? WARAY O PATAY?

HAHAHA =)))

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon