Pinatakbo ko ulit ang motor ko papuntang dun sa malaking Jollibee na pinuntahan namin ni Elise nung birthday ko. Nung araw na yun akala ko di matutuloy ang lakad namin, di ko kasi alam na susunduin pala ni Warren si Elise sa school nila. Tinamaan ako ng konsensya. Mali tong gagawin ko. Kaso naisip ko bahala na. Last na naman eh. Tyaka pwede bang kahit isang araw kahit dun sa birthday ko lang maging masaya naman ako?
Di ko na kasi alam kung ano ba ang pakiramdam ng maging masaya.
Sinundo ko siya nun. Halatang-halata na ayaw niya naman akong samahan pero I'll do it my way. Gusto ko siyang kasama eh. Kaso akala ko yung saya na gusto kong makuha eh ako lang pala ang sisira. Eh pano ba naman tuwing birthday ko naaalala ang mga bagay na magpapasira ng araw ko. Iniisip ko bakit pa ako nabuhay. Wala naman akong silbi. Ang masaklap nga lang nun kasama ko si Elise nung naramdaman ko ulit lahat ng kalungkutan at galit napinipilit ko nang itago.
"Ba't nagagawang iwanan ng tao yung mahal niya sa buhay?"
Yan ang tanong na hanggang ngayon di ko parin nasasagot. Kung mahal ako ni mama bakit siya nagpakamatay? Kung sinabi ni Ray na kahit paano ay minahal niya din ako eh bakit niya ako iniwan? Tinanong ko ng gnun si Elise at ang sagot niya sakin ay dahil baka "sinasaktan" sila kaya kailangan na nilang lumayo. Biglang nagbago ang mood ko. Kumawala sa akin ang galit na akala ko hindi na akong kayang lamunin pa. Napaiyak na ako at nagsisigaw. Pag naaalala ko yun, hindi lang ako sa sarili ko naaawa pati kay Elise. Nung sinabi ko sa kanya na wag niya akong iwan alam ko naman ang isasagot niya sa akin eh. Ewan ko nga bakit lumabas yun sa bibig ko. Tanga lang. Doon ko naramdaman na ginagago ko si Warren. I need to get back to my old self again kaya yinaya ko na si Elise nun na kumain. Pinangako ko sa kanya na babalik na kami sa dati. Sa isip isip ko nun mahirap ata na gawin yun. Ayoko naman makipagplastikan kaso pag naiisip ko na nauna si Warren at mahal siya ni Elise gustong gusto kong magparaya.
Just this night.
I want to be her guy.
Actually yung place na yun ay ang lugar ng 7th birthday ko. Yun din ang lugar na huli kong nakitang masaya si Mama. Sabi niya sa akin, kami lang daw ni Papa ang mga lalaking mahal na mahal niya. Nung namatay si Mama, bumalik ako agad dun. Araw-araw nga eh, kasi dun alam kong masaya ang alaala na iniwan ni Mama sa bahay wala akong maalala kundi yung pagalalsing niya at pagkukulong sa kwarto. First date din namin ni Ray nun nung aminin ko sa kanya kung gaano kahalaga yung lugar na yun para sa akin. Sabi niya gusto niya daw din lagi pumunta dun kasi mukhang masaya. Pag natritripan namin tatambay kami dun at titingin ng mga batang cute. Sa kanya ko din natutunan na masarap pala isaw-saw ang french fries sa ice cream. Nung nagbreak kami matagal akong nakabalik dun. Simula nun pag pumupunta ako dun laging pangdalawahang tao yung inoorder ko. Yung sa akin at yung kay Ray. Narealize ko lahat ng taong kasama kong nagpupunta dun umaalis. Siguro kaya dito ko narin dinala si Elise para sure akong after nun, mawawala na rin siya.
Nasa loob ako ng Jollibee ngayon. Pumunta ako sa counter at umorder.
"Sir Pat!" bati sa akin ni Ces
Ngumiti ako sa kanya
"Yung order niyo po ba wait lang"
"Wait. Cokefloat lang gusto ko" Ewan ko kung bakit yan lang gusto kong kainin. Yan kasi order ni Elise nun eh kaya gusto ko din itry.
"Talaga sir?" takang taka si Ces nun.
"Oo"
Binayaran ko at kinuha yung order ko at umupo. Inalala ko pa yung mga nangyari noon.
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?