Hello Loves!
Maagang update. :) Please do leave some comments! :"D Please? =3=
Thank you sa mga nakakaintindi sa akin at sa takbo ng story na ito. Kayo naaaa! I love youuu all!
Happy Reading!
Much love,
Raiiinn <3
_________________________________________________________________________
Dahil hindi na nagsalita pa ulit si Patrick eh pinasya ko na pumasok na sa CR at maligo.
Kahit kelan talaga palpak ako sa pagprotekta kay Patrick kasi ako lang ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas ako ng CR. Gaya ng naiisip ko umalis na nga si Patrick.
Lumabas ako ng bahay para tignan si Patrick. Wala na nga yung motor niya.
Hindi ko alam kung pano ako hihingi ng sorry sa kanya.
Mukhang masama ang panahon ngayon ah. Ang dilim kasi ng ulap.
Kinuha ko ang aking cellphone at tinaatawagan si Patrick kasabay nun eh kumain na rin ako ng tanghalian kasi late ang gising ko.
Tinatawagan ko at tinetext si Patrick nung may humintong taxi sa tapat ng bahay namin.
Mabilis akong pumunta sa gate namin dahil sa madaming pagdodoorbell ang narinig ko.
"Ano po-" Bukas ko nung gate namin na siya rin namang laking gulat ko.
"Maxene?"
Kahit na nagbabadya ang ulan eh halatang halatang pinagpapawisan si Maxene at hindi mapakali.
"Si Nico?! Asan si Nico?!"
"Wala si Kuya Nico. Umalis kasama nila Sasha"
"Hindi totoo yan. Asan si Nico? Ilabas mo si Nico."
"Teka nga Maxene, ano bang kailangan mo kay Kuya Nico?"
Napatitig lang sa akin si Maxene nun.
"Gusto niyang makipagkita kay Warren. Hindi ko pa malalaman kung hindi naiwan ni Warren yung phone niya. Ano pa bang gustong gawin ng pinsan mo kay Warren? Nakaganti na siya. Big time, actually."
"Pero kasama ni Kuya Nico sila Sasha na pupunta sa puntod ng nanay ko-"
"Pwede ba Elise? Hanggang kelan mo ba pagtatakpan yang pinsan mo?"
Hindi ako nakapagsalita.
"You know what's shit with all of the things happening? Kayo. Dati ang tapang mo na harapin si Warren kahit ayaw na niya. Yes he lied to you of not remembering you kasi iniisip niya ang kapakanan mo. Ngayong siya naman ang handang ipaglaban ka ayaw mo na. That's so shit! Hanggang kelan niyo ba pagaalahanin ang mga taong nasa paligid niyo?"
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
JugendliteraturIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?