Chapter 12: Parting Ways :((

25K 168 27
                                    

As promised ito na yung Chapter 12. :3

Salamat dun sa nagcomment. Pwedeng magrequest ng 5 comment from different people or more? tapos post ko na yung 13 :))

Sana makarelate kayo dito sa Chapter na to kasi ako nakarelate talaga habang tinatype ko to. >.<

Please comment naman kayoooooo.

Salamat.

^_______________^

___________________________________________________________________________

Pagkauwi ko pumasok kaagad ako sa kwarto. Ayokong may makausap ngayon. Akala ko aayos na kasi this time sure na akong okay na kami ni Charles.  Pero bakit ganun? Si Patrick naman ang nangugulo ngayon.

Those eyes. Totoo bang si Warren lang ang pamilya niya? Kaya ba ganun siya ka-protective ditto? Ano bang meron sa akin at ayaw niyang magtiwala. He was here last night for what? To look after me? Mukha ba talaga akong masama?

Ang sakit pala makarinig ng Slut lalo na sa taong wala namang kinalaman sa buhay mo. Bakit ang bilis niyang makapaghusga?

Hay.

Quarter to Nine na.

Nagayos na ako. Wala na akong ganang kumain. Itutulog ko na lang tong bigat ng dibdib ko. Before going to bed, Chineck ko muna yung cellphone ko.

Halaaaaaaaaaaaaaaaaa.

55 miscalls.

72 messages

Unang nagflash yung miscalls. Lahat kay Warren galling. ‘-__-

Patay ako kung pati messages.

Pagcheck ko hindi naman.

Meron galling kay Lola, Sasha, ,Mommy, Coach Del Pilar at kay Charles pero karamihan kay Warren parin.

Pumunta akong Terrace at kinontact ang number ni Warren.

“Pick it up Warren please!”

Puro dial tone lang naririnig ko.

“Rachel!”

“Warren” nung narinig ko yung di niya mapakaling boses sa kabilang linya. Napaluha na ako.

“Bakit? Naiyak ka ba? Kanina pa kita tinatawagan ah? Nagiwan na din ako ng msg. Where are you? Puntahan kita.” Narinig kong nagstart yung engine ng kotse ni Warren.

“Someday.” Gusto ko siyang tawagin ng ganun. Kanina ko pa siya gustong makita kaso its so selfish of me kung papapuntahin ko pa siya sa bahay.

“Oh, What’s wrong?”

“Wag ka nang pumunta dito. *sob* ayos lang ako.”

“ANONG AYOS? BAKIT KA NAIYAK? AND WHATS WITH THE MESSAGE  A WHILE AGO?” tumaas na ang boses ni Warren.

“Wala. Wag mo nang intindihin yun.” Pinipigilan ko nang umiyak.

“Nope, Ray naman. Alam kong bagong salta lang ako sa buhay mo pero di ibig sabihin nun wala akong masyadong paki sayo. I was freaking worried.”

“Alam ko.”  Halata naman sa boses niya diba? pati Yung text at yung calls.

“Bakit di mo sabihin sa akin ang dahilan?” Huminahon na rin yung boses niya.

“Warren, Di ba ang bilis natin masyado?”

“Ha? We’re friends right now diba?”

“Oo. Friends with commitment to each other.” Kailangan ko din iconsider yung mga bagay na di naming nakikita sa isat isa. Tulad ng kaya kong saktan si Warren sa paraang gusto ko. Tulad nga ng sabi ni Patrick.

“So? Ginusto ko yun” Halatang naguguluhan si Warren.

“Paano kung masaktan kita?” Now I am citing reasons. Reasons ni Patrick kung bakit ayaw niya ako para kay Warren.

“Ray.”

“What will happen to you pag nangyari yun?” Tinanong ko ulit siya.

“Hindi ko alam” sagot ni warren

honest answer yan na masasabi ko. Walang nakakaalam sa amin. Kasi sa aming dalawa ayos ang lahat basta Masaya kami. Pero pano if it turns bad. Clueless kami. Si Patrick lang ang nakakita nun. Ang selfish ko para sumaya di ko iniisip na nahihirapan si Warren para hintayin ako.

“Let’s not see each other muna. Let’s part ways for a while.”

“Bakit? Puwede mo ba akong bigyan ng valid excuse?”

“Kanina, nagkita kami ni Charles….”

“Siya parin?”  Di na niya ako pinatapos. Ang lungkot ng boses niya.

“Hindi Ganun Warren kasi --.”

“Ray. Tanggap ko naman na hindi pa pwedeng tayong dalawa kasi of some reasons na di ko maaalis dahil andyan na nung wala pa ako. Pero..” napabuntong-hininga siya. “Di ba pwedeng isipin mo na nandito lang ako? Handa akong maghintay.  Huwag mo naman akong isantabi”

“………………………….”

Tumawa siya. A painful laugh.

“Alam mo Ray, hindi mahirap maghintay ang mahirap pala ay kung nagmumukha ka bang tanga sa paghihintay mo.”


“Warren…”

“Sorry, My bad. Alam kong may pinagdadadaanan ka dapat di ako makisali sa nakakabigat ng damdamin mo. I told you I will wait for you tyaka diba I’m planning a way for you to fall in love with me.” Nagpilit siyang maging Masaya sa kabilang linya.

“Warren, di ko naman-”

“Its fine with me, Ray. Kung gusto mo nang makipagusap ayos sakin kahit kelan. “

“Im sorry” Yan lang nasabi ko.

“Ayos lang. These are the consequences right? Sige, matulog ka na. Its Saturday tom. May practice kami. Alam kong pagod ka. Good night”

“Good night” I-ooff ko na sana yung cal kaso…

“Remember this, I will not give you up Ok? Prinomise ko yun sayo. Bye Future.”

*tooooooooooot*

Umiyak na ako ng todo todo.

Tama si Patrick. Kailangan kong isurrender si Warren.

Pero bakit ang sakit?

Papasok na ako ng kwarto nakakahiya naman na makita ako ng mga kapitbahay na naiyak ditto sa terrace kaso napalingon ako ng maramdaman ko na may motor na dumaan.

Is that Patrick again?

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon