Ewan ko kung anong nangyari at nandito na lang kami sa may gymnasium at nagmemeeting sa darating na sports camp. Magkahiwalay ang volleyball team sa basketball team. Ang maganda nga lang ngayon eh tanaw ko ang nangyayari sa kanila.
Katulong ni Kuya Nico na magdiscuss si Charles.
Mukhang inip na inip na si Patrick ah pano ba naman hikab siya ng hikab kaso nagulat ako sa ginawa ni Warren. Naglabas siya ng ipod at nakinig dun. Nakakapanibago kasi di naman niya gawin yun eh. Alam ko attentive siya sa pagdating sa lahat ng meeting. Dapat kasi siya na ang appointed na Team Captain sa senior sa school nila. Badtrip parin ba siya?
Tinignan ko si Kuya Nico, halatang alam niya na yung ginawa ni Warren. Sasawayin ba siya ni Kuya Nico?
"Ms. Bautista? Ms. Bautista?" saway sa akin ni Coach del Pilar
"Yes Mam"
"Are you listening? Ready na ba yung outline ng practice strategies mo para sa sports camp?"
"Yes Mam"
"So proceed"
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inalis ang tingin sa nagmemeeting na basketball team. Kailangan kong maging seryoso kung gusto ko na maging effective n team captain para sa school namin.
Mas maagang natapos yung meeting nila Warren at sinenyasan niya pa ako na maghihintay siya sa labas ng gymnasium. Nung matapos na, isa isa na kaming nagligpit ng upuan. Palabas na ako nung makita kong tumayo si Kuya Nico sa isa sa mga bleachers.
"Mukhang pagod ka na ah?" Inakbayan ako ni Kuya Nico
"Oo nga eh. Ang hirap pala magplano"
"Masasanayan mo na rin yan team captain"
"Ngee. Ikw nga eh. Last years team captain tapos ngayon playing as assistant coach na"
"Syempre naman nasa dugo na natin ang pagiging athlete ewan ko nga ba at sumablay kay Sasha" Tumawa siya ng malakas.
"Ganun pala ha? Lagot ka isusumbong kita"
Lalong himigpit ang akbay ni Kuya Nico na parang sinasakal yung leeg ko.
"Ganun ha, Di ka na makakaabot sa kanya" sabay nun eh kinikiliti niya ako sa may tagiliran
"Kuya Nico! Wahahahaha! Tama na! Wahahha. Please! Wahahahaha"
"Ayoko. Isusumbong mo ako diba?"
"Hindi na hindi na basta tama na"
"Ayoko sabi eh" at lalo niya pa akong kiniliti.
"Tama na. Wahahaha. Ayoko ng tumawa"
"Ray"
Napatingin ako sa may pinto ng gymnasium. Andun nakasandal si Warren may dalang bote ng tubig at yung payong niya.
Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Mukhang pagod ka ah" sabi ko sa kanya
"Hindi naiinis ako"
"Bakit?"
"Ang lapit sayo ng lalaki na yun"
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?