Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?

20.9K 125 25
                                    

Masakit ang ulo ko siguro sa kakaiyak ko rin kagabi. Ang bigat kung imumulat ko agad tong mga nakapikit kong mata kaso wait, anong oras na?

Napabangon ako sa aking kama at hinanap ang orasan.

"Shemai!!!!!!" gulat na gulat ako nung makita ang orasan.

Its already 2pm.

Anak ni zuma oh oh! Tumakbo ako papuntang cr. Malapit na sana ako nung bigla akong nadapa. Muntikan na masubsob yung mukha ko sa sahig. Patayo na sana ako nung makita ko yung blue sleeping slippers with panda style sa na nasa may ulunan ko. Ito yung natapakan ko kaya ako nadulas. Amf. Its from Patrick. Pinipigilan niya ba ako na puntahan si Warren? 

Napatayo ako at pumasok sa cr. But its settled right? Nakita ko pa lang yung orasan kanina alam ko na ang sagot kung pupunta ba ako o hindi. And my answer is, Pupunta ako. I'll risk it once more. Hell with how my heart will break. Nagpapaka-lakas na nga ako diba?

I need to face him.

I need to know the reasons.


Kaso baka umalis na yun? 

Late  na rin.

_____________________________________________________________________________

Sa tigas ng ulo ko at dahil sa faith ko na maghihintay si Warren sa akin naligo ako at nagpahatid sa Coffee and Cakes. Ganito din yung naramdaman ko nung nagbabakasakali ako na makikita ko sa Coffee and Cakes si Warren. Yung day na bumalik ako. Napangiti ako. Nung una takot ako na pumasok siya sa buhay ko ngayon naman takot ako na umalis siya. Funny kasi iisang place lang din pala ang pag gaganapan nun.

I wear a white blouse and pants. Hindi naman kami siguro magtatagal diba? Hindi pa nga ako sigurado kung nandyan siya eh. Pumasok ako sa loob pagkatapos nginitian ni Mang Ramon. Tumingin ako sa pwesto kung saan mahilig umupo si Warren. 

Wala siya.

Im late.

Napayuko ako. Kaya pala di ako kinausap ni Mang Ramon. Wala pala si Warren dito. Hay, nag emote pa kasi ako kagabi eh. Uuwi na lang ako kesa naman mapaiyak ako ng di oras dito, nakakahiya. Lumabas na ako nung store.

"Sige Manong Ramon aalis na ako"

"Ayos lang sana mam kaso mukhang kailangan ko kayong hulihin"

"Ha? bakit manong?" kanina nadapa ako ngayon naman mahuhuli? What a day!

"Mali po kasi yung parking ng driver niyo eh"

"Eh bakit ako?"

"Wala po yung driver niyo nung pinuntahan ko sa kotse. Sorry mam, di ko to gustong gawin" after niyang sabihin yun pinosasan niya yung isang kamay ko, my left hand.

"Wait manong naman. Pagusapan naman natin to. Antayin natin yung driver ko tapos ipapark na lang yan ng maayos kaso paalis na rin kami eh kaya please wag mo naman akong posasan"

"Mam, ginagawa ko lang po ang trabaho ko" tapos nagsimula na siyang maglakad habang hila-hila ako

"Wait manong hindi naman siguro natin umalis dito baka padating narin yung driver ko. Wait hayaan mo tatawagan ko siya wait lang"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon