Chapter 63: Semestral Break

17.3K 154 47
                                    

Hello Loves!

Nakapagupdate din at nasingit to. Pero matatagalan yung sunod. Finals week na namin. May mga kailangan pa akong habulin na grades. HUHUHU. Please pray for me.

Nga pala i just posted the promotional picture sa FB ko for part 2 of my short story na Too Late for Love, its the story of Llyod.Click the open external link at the right side :">

Thanks,

Much Love,

Raiiinn<3

_____________________________________________________________________________

Sino ba naman ang hindi magiging masaya sa sembreak? 

Nung nakausap ko si Sasha eh makakabalik sila sa araw ng mga patay. Si Papa naman eh sa pasko na lang daw. Yun lang ang nakakalungkot na parte ng sembreak. Ayoko na lang isipin kasi nalalapit narin naman ang Christmas break pagkatapos nun.

Dahil gusto naming maging productive ang bakasyon eh naisip namin na magengage sa mga sport activities. Gusto ko na bumalik sa pagvovolleyball kaya niyaya ko din ang barkada.

"Eh pano yan di ako marunong?" tanong ni Lyka.

"Tayo na lang ang magkampi" alok ko sa kanya.

"Talaga Ray? Salamat"

"Di rin naman ganun kagaling yan si Elise" biglang singit ni Patrick.

"Anong sabi mo?"

"Hindi ka MA-GA-LING!" ewan ko ba at kung bakit paminsan minsan eh lumilitaw parin ang pagkasungit at suplado nitong lalaki na to.

"Kung hindi ako magaling ano ka pa?"

"The best" tipid niyang sagot.

"Oh mukhang may LQ dito ah" kantiyaw ni Jayson na may dala na ng bola.

"Anong nangyari?" tanong ni Joysee

"Gusto ko kalaban ko si Patrick ha? Yung gustong kumampi sa akin sa kabilang court" sabi ko.

"Kayong dalawa kumampi sa kanya." Turo ni Patrick kay Joysee at Jayson. "Lyka diba hindi ka marunong? Sa akin ka na kumampi"

"Aba ang hambog mo ah?"

"Bakit pandak? Hindi mo naman ako kaya"

Dahil clueless ang lahat eh pumwesto nga sila sa sinabi ni Patrick.

"Game na"

Nagpapalit palit kami ng tapon sa bola. Hindi ko naman maiaalis sa sarili ko na magaling talaga si Patrick. Nung time pa lang na pinakitaan niya ako dun sa training sa tagaytay alam ko na magaling siya pero hindi naman ako papayag na sabihan niya ako ng di magaling. Aba naman. Naging captain pa ako nung high school kung wala akong ibubuga.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon