Hello Loves!
Here is the update. :)))
GOOD VIBES na tayo ha. :)) Kaya dont forget to leave your comment.
May nag-pm sa akin na sumali daw ako dito, yung fave lines ang ipopost dun from my story. Eh gusto ko man I really dont know what to put. Syempre its my work walang transparency na mangyayari. So loves, can you help with it? Just post your fave lines from Fate of Love. Click the external link. :)) Ayoko man magpaexpose pero kinukulit niya ako na masali dun. :)
Please help me. Please Please?
Happy Reading!
Raiiinn <3
__________________________________________________________________________
Bakit ang galing tumiming ng ulan?
Marunong makisama sa pakiramdam ko
Napaangat ang mukha ko nung wala na akong maramdaman na pagtama ng ulan sa akin. Nakita ko na pinapayungan na ako ni Warren.
"Ikaw naman ang magkakasakit niyan"
"Warren"
Umiyak ako lalo sa harap niya hawak-hawak sa kamay ko yung kwintas.
"Na-pigtal, Warren. Tig-nan mo na-pigtal"
Tinignan ni Warren yung hawak ko.
"Aayusin ko yan. Wag ka na umiyak."
"Pero Wa-rren"
Wala nang pakialam si Warren nun at niyakap niya ako gamit ang left arm niya.
"maguumpisa tayo ulit diba? This time I will not let you go anymore. Hindi na kita ipapaubaya sa iba kahit magsawa ka sa akin at kahit dumating ang araw na hindi mo na ako mahal, susuyuin kita hanggang sa maramdaman mong mahal mo ulit ako. Kaya wag ka na magalala. Aayusin natin to."
Kasalanan ko to. Alam ko.
Pero alam ko din na hindi to masosolusyunan kung hindi ko ipapaalam kay Patrick ang totoo kong nararamdaman.
Alam kong hirap na hirap na siya at sobrang ang unfair ko na sa kanya.
Hindi ako ang kasiyahan niya kasi wala akong ginawa kundi ang pahirapan at saktan siya.
"Pumasok na tayo sa loob, Rachel"
Inakay ako ni Warren papasok sa bahay. Hinayaan niya akong ayusin ang sarili ko nung matapos ako ay umupo ako sa kama na malayo parin ang iniisip.
Napatingin na lang ako sa kwintas na nasa may harapan ko.
"Ayos ko na" ngumiti sa akin si Warren.
"Salamat Warren" kukunin ko sana yung kwintas nung kumilos si Warren para isuot niya sa leeg ko yung kwintas.
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?