Wala ako sa mood bumangon ngayon.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Idagdag mo na maga ang mata ko ngayon at hindi na ako makahinga ng ayos dahil sa sipon.
Ang bigat ng PUSO ko :(
Sineryoso nga ni Warren ang sinabi niya. Di na siya nagtext or tumawag simula nung sinabi niyang ako na ang bahala kung kelan ko siya kakausapin. Eh bakit ayoko na lang siyang tawagan at sabihin na binabawi ko na mga sinabi ko? Na bumalik na ulit kami sa dati? Yung masaya? Kaso alam kong selfish yung ganun. Gusto ko munang ipaalam ito kay Daddy habang hinahantay siya na i-sort out niya na baka dala ng awa yung ginagawa niya. Paano kung nagbago ang isip niya? Ako na naman ang kawawa :( pero ayos na to kesa naman siya yung kawawa sa pagaantay sa akin.
Nakadapa ako ngayon sa kama hawak hawak yung phone ko tapos iniiscan yung mga messages sa akin ni Warren bago ako tumawag sa kanya kagabi.
>> Future? Anong meron dun sa 'sorry'? Mis na kta. :]
Tapos may pahabol na message.
>>Future. MISS NA KITA. Sbi dw nila i-spell out dw dpat ung pgttext nung mga words na sincere ka sbihin pra alm nung bumabsa na seryoso ka. aun, I MISS YOU. :]] yakap. :)
Yung ibang messages niya nagtatanong kung uwian na ba namin nun, yung iba nakalagay kung pwede siyang tumawag at yung pinakamarami yung message na ang laman lang ay...
>>Future.
Napapaiyak na akoulit kakabasa nitong messages ni Warren.
Bakit ba ang iyakin ko? Madali ba talaga akong kaawaan?
Aish!
Bakit pag natuto ka nang magmahal malalaman mo na mahirap pala sumaya?
Yung pakiramdam na yung saya mo nung wala pa siya ay walang wala nung dumating na siya.
"Insan, Insan, bumangon ka na diyan may naghahanap sayo." kumakatok si Sasha sa pintuan ng kwarto ko. Hanggang ngayon wala parin siya alam sa nangyari. Pag nakalipas na siguro. Mas magandang ako lang may alam.
"Sino?" matamlay kong sagot.
"Hindi si Papa Warren pero labasin mo na rin. Biyaya ata ng Diyos" excited na sagot ni Sasha.
"Sabihin mo may sakit ako, umalis o nagtanan. kahit ano. Basta ayokong makipagusap."
"Insan, bakit naman? Hindi ata pwede yang gusto mo eh. Kausap na ni lola yung bisita mo. Alam niyang andito ka."
"Ah, basta ayoko." Kumuha ako ng unan at binaon yung mukha ko dun.
Ayoko makipagusap.
Ayoko magpakita.
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?